THE END

7K 177 77
                                    

"Calleb, ang pogi mo talaga." Maingat na kinuha ni Zara ang bata galing sa nurse.

"Tita Zara, dapat po may baby ka na rin, bagay din pala sa inyo." masayang sabi ni Callia habng binubuhat ni Zedrick.

Nagtawanan silang lahat, nanghihina pa ang katawan ko. ni hindi ko pa kayang ngumiti sa dami ng lakas na nawala sa akin ng ipinanganak ko kaninang madaling araw si Calleb.

"Klea, magpahinga ka muna." Si mommy.

kompleto kami ngayon dito sa loob ng kwarto, maliban nalang sa isang tao.

Hindi ko mapigilan ang maiyak na makitang masaya ang pamilya ko at mga kaibigan ko ngayon. dagdagan pa ni Calleb, lalong naging makulay ng buhay namin.

Ipinanganak ko ang ikatlong anak namin ni Callix sa araw na ito, ng malaman kong lalaki ang magiging anak ko ay agad na akong nag-isip ng ipapangalan.

Lahat ay galing sa pangalan ng kanilang ama, sa sobrang pagmamahal ko kay Callix, sila ang pruweba na bawat problemang dumadating sa relasyon namin ay sila ang dahilan at ala-ala na lumalaban ako.

"Calleb Clint..mas maganda yung name ni Calleb compare sa Callix Grae mommy."biro ni Callia sa siyang kinaiinis ng kapatid at nagtawanan.

Napaluha ako, hindi lang sa saya kundi sa tibay ng pamilya ko para sa amin. ilang buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon ang lahat ng nangyari ay parang kahapon lang. Sariwa ang bawat detalyeng tumatak sa isip ko,para lang ilaban ang pagiging asawa ko at ang karapatan ko.

" Klea, umalis na tayo dito, hintayin nalang natin ang anunsyo sa exhibit. mamaya ay kung mapano ka." alam kong dismaya ngayon si Zara sa akin, sa sobrang inis ko kasi kay Gail ay di ko napigilan ang uminom ng alak.

"tapos napainom ka pa.kawawa si baby." binalik ni Nica sa dumaan na waiter ang baso ko. I can't blame them. Gusto lang nila na safe ako at ang bata.

"para siyang linta. Ang kapal pa ng mukha na kahit konting kahihiyan ay di matablan. Ako nalang kaya ang susugod------".Zara

"Hepppp!tama na.."suway naman ni Nica.

Nagpalamig ako ng ulo dito sa rooftoo.dito ako dinala ng dalawa, habang naghihintay ng tawag ni kuya na pwede na akong bumaba. Ayaw nilang magkaharap ulit kaking tatlo habang hindi pa natatapos ang event.

Tanaw ang Manila, niyakap ko ang sarili ko, lalo pa ng dumaan ang malamig na hangin. napapikit ako sa sakit na naramdaman, umiiyak ako habang nagdadasal na sana ay matapos na ang lahat, lahat ng paghihirap ng pamilya ko sa sitwasyon na ito.

sa di kalayuan, naroon din ang dalawa kong kaibigan. Hindi ko man naririnig ang pinag-uusapan nila, pero alam kong nagtatanong sila kay Heinz kung nagkalat ba ang security na tauhan niya sa loob ng event. Pati na ang ambukance at nurse na kinuha nila ay naroon na sa basement.

"Let's go.may result na daw." napabaling ang tingin ko kay Zaya, tumango ako at tuluyan na kaming bumaba.

"Thank you for waiting everyone.And this time.nandito na sa akin ang resulta.. "Ang bading na siyang host ngayong araw.

Zedrick look at me, tila ba nagtatanong kung okay lang ako. I simply nodded. Wala naman akong dapat sabihin, halong kaba at galit kasi ang nararamdaman ko ngayon, kaya walang pumapasok sa isip ko.

"Callisia Wood Co. and CK Furniture." sigaw muli ng bading. Di ko alam kung ano ang sinabi niya bago isigaw yon, basta nalang nagpalakpakan ang lahat at ngumiti sa akin si Zed at sila Zara ay nakisali sa palakpakan.

matutuwa ba ako?pinaghirapan namin to ng asawa ko, pero ngayon. Magkasama kami pero parang hindi. Kulang!kukang ang saya na naramdaman ko ngayon.

"I told you."sabi ni Zed habang inalalayan ako papunta sa gitna.

I Wanna be your MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon