Chapter 6

5.1K 164 14
                                    

Klea's POV

Truth

Hindi maalis sa isip ko ang pinaggagawa ni Callix kanina sa coffee shop.I'm sure nakakahiya iyon!!

di na natigil sa paghalakhak si Zara kahit na palabas na kami sa coffee shop,bakit kasi kailangan pa niya sabihin yong ganoong bagay sa harap ng ibang tao..Oh common' Callix

mabilis ang byahe namin pauwi sa bahay noong gabing iyon,pero hindi parin ako mapakali,at paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ay ang pag yaya ni Callix sa babae na umalis na sila,ang dalawang babae na pimilyar sa akin at si Samantha.sino ba talaga siya sa buhay namin??

"Okay kalang anak?"tanong ni Nanay ng pumasok ako sa kwarto ng kambal,naabutan ko siyang nagliligpit ng laruan at mga libro na nakakalat sa sahig.

"Oo naman po Nay."I smiled at her tinulungan ko siyang pulutin ang mga libro pagkatapos ay naupo kami sa sofa dito sa loob ng kwarto.

"may gumagambala ba sa isipan mo?may naaalala ka na ba?" medyo nagulat ako doon.malakas ang pakiramdam ng Nanay ko.anak nga niya ako,alam niya kung ano ako pag may iniisip at problema.

"Wala po."I lied. "Pwede po ba kitang yakapin?"

"Oo naman.."pareho kaming hindi nakapagpigil ni Nanay,sabay na bumuhos ang luha namin sa scenario na iyon para bang ang tagal namin na hindi nagkita.

"Thank you po at hindi niyo ako pinabayaan."patuloy ang pag-iyak ko.

"Anak kita,I won't leave you."

Sandali kaming naging ganoon, pakiramdam ko nga ay unti-unting babalik ang ala-ala ko kung tuluyang kong tatanggapin at buksan ang isip ko na sila talaga ang pamilya ko,minsan kasi dumadating sa punto na nagdudududa ako sa kanila.

I need to accept the truth na ganito na ang nangyari sa akin and they are my family. kailangan ko ng panindigan iyon..

Sumunod na araw ay maaga akong nagising, diretso sa kusina at naabutan ko si Nanay Meding na naghahanda ng almusal. may pasok na ang mga bata ngayon,kami naman ni Callix ay sa opisina parin ang tungo.

"Klea,ang aga mong nagising.may kailangan ka ba?gutom kana ba?" 

Umiling ako,nakatingin lang ako sa ginagawa niya.

"eh bakit ka nandito? ang ibig kong sabihin-----Klea bumalik na ang ala-ala mo?" gulat niyang tanong.

"Naku hindi po,gusto ko lang po tumulong sa inyo.sinadya ko pong magising ng maaga."

"Naku!!ikaw talaga,akala ko kung ano na ehh.." ngumiti siya sa akin,ganoon din ako.

Halos lahat ata ng nangyayari sa akin ngayon ay first time.ngayon ko lang nakakausap ng masyado si Nanay Meding,maliban kay Nanay,lola at Mommy hindi na ako masyasong nakikipag usap dito sa mga matatanda sa loob ng mansyon.

"Naalala ko dati,ang hilig mong magluto.at ang sarap...Ang asawa mo na yan,Naku ayaw aminin pero sarap na sarap yan."pagkukwento niya.

"talaga po?mahilig ako magluto?" kaya pala parang gustong-gusto ko tignan ang ginagawa ni Nanay Meding.

"Oo,sa umaga ay inaayos mo na ang gamit ng asawa mo.noong nag uumpisa palang kayo kahit masungit at lagi kang nasisigawan ng asawa mo ay hindi ka nagkukulang sa pag asikaso."

Si Callix?masungit sa akin at sinisigawan ako?pero bakit...

"talaga ho?"natigil si Nanay Meding,hindi alam ang isasagot sa akin.parang may nasabing hindi maganda at iniba nalang ang usapan.hinayaan niya akong tumulong sa pag handa ng almusal.

I Wanna be your MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon