Nagising ako na pawis na pawis at masama ang pakiramdam, sinulyapan ko pa ang aircon para tignan kung patay ba ito, pero hindi..tama lang ang lamig na naka set pero hindi ko maintindihan kung bakit naiinitan ako.
"Nay, paluto naman po ng cornsoup." hindi ako nakapaghapunan kagabi,kaya madaling araw palang ay kumukulo na ang tiyan ko, mabuti nalang at maagang nagigising ang katulong nila kuya.
"magpalakas ka, namumutla ka ija."tumango lang ako kay nanay na katulong nila kuya Kenjie.
naubos ko ang inihanda sa akin, pero ng tumayo ako sa kinauupuan para bumalik sa kwarto ay biglang nanlaboang paningin ko. pansamantala kong tumigil at napapikit.
naalala ko si Callia.."mommy take care of your self.para bumalik na ang alaala mo.para makasama na namin kayo ni daddy." huminga ako ng malalim dahil doon.
Sa araw-araw na pag-iisip until now I have no exact words what to say kung bakit kailangan namin maghiwalay ng daddy nila. iniisip ko palang na mawawalay na naman sila sa kanilang ama ay talagang nasasaktan na ako.kung ako lang ay makakaya ko,paano naman sila?
narinig ko si Zara kagabi,kausap si Nica.. Hinahanap daw ako ni Callix. pero ni isa ay walang sumagot dahil walang nakakaalam kahit na ang totoo ay dito silang lahat kagabi lang.
"My Ghad! umaaligid -aligid ang babae, buntis pero nasa bar? Grabe!!"
umalis ako agad ng marinig yung sinabi ni Nica, nakapatong ang cellphone ni Zara sa lamesa habang nagsusuklay kaya rinig na rinig ko.
Bumalik ako sa kwarto, inaantok pa ako pero di naman ako makatulog. Wala din naman akong mapaglibangan kaya wala akong magawa, nagbihis ako ng pang work-out. balak kong maglakad-lalad sa labas ng village, hindi na kasi ako nasisikatan ng araw, buong linggo na yata akong nakakulong sa bahay nila kuya Kejie eh.. kaya siguro ako namumulta.
dalawang araw nalang at exhibit na. Kailangan kong ihanda ang sarili ko, ang isip, lalong lalo na ang puso ko.
nagsimula ako sa harap ng bahay nila Zara, maaga pa siguradong konti lang ang tao sa park ng subdivsion, kinalimutan ko ang lahat ng problema sa oras na iyon, inabala ko ang sarili sa pagtakbo ng hindi pinapansin ang iilang tao na nakakasalubong at nakakasabay.
tanaw ko na ang ang park, pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit ng magsimula nanamang manlabo ang mga mata ko. natigil ako sa pagtakbo, sa unang pagkakataon halos wala na akong makita, nanghina ang mga binti ko...nanikip ang dibdib hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
The greater your capacity to love, the greater your capacity to feel the pain..
Nagising nalang ako ng naririnig na umiiyak si lola, nanay at mommy. noong una nagtataka pa ako, pero ng maalala ko ang nangyari.alam kong nasa hospital ako ngayon.
"Jusko, ikaw talaga,pinag-alala mo kaming lahat.."bungad ni nanay.
"bakit di ka nagsasabi kong masama ang pakiramdam mo." lumapit din si mommy sabay haplos sa aking buhok.
Napangiti ako, sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan ko ngayon ko lang naalala na mayroon pala akong pamilya na nagmamahal at nangangailangan pa sa akin. umikot ang mundo ko kay Callix, sa kambal. nakalimutan kong nariyan pa pala ang pimilya ko. I was so thankful, hindi bumitaw si mommy at lola sa akin. kahit sa mga nangyayari ay sila ang humihingi ng tawad sa nagawa ni Callix, nagtitiwala sa akin. hindi nila pinaramdam sa akin na nag-iisa ako at lumalaban ng mag-isa.
"may rason si Callix ija, please magtiwala ka rin sana sa kanya."yon lang ang nasabi ni mommy, sinundan ng tango ni nanay. Wala naman silang sinabi na nakausap nila ang asawa ko o nakita..pero may parte sa puso ko na bumigau nalang at sundin sila na magtiwala..pero paano ko pa gagawin yon? Saan ko pa hahagilapin ang tiwalang iyon.
BINABASA MO ANG
I Wanna be your MAN
RomanceBook 1: Wanna be your Woman Highest Rank:: #1 Lovestory/Romancetagalog Book 2 na po ito:)