Plan
Masyadong abala ang mga sununod na linggo para sa amin, hindi ko narin nasundan ang pakikinig at pag iimbestiga sa desisyon ni Callix sa request ni Gail.
I was hoping every night na may sasabihin siya at ipagtatapat tungkol kay Samantha, pero lumipas ang araw na wala talaga, siguro nga wala siyang plano na ipaalam sa akin.
"Baka tapos na ang family chuchu na yan Klea.." nagtaas lang ako ng kilay kay Zara na ngayon ay kaharap ko sa isang resto sa makati.
Sa sobrang abala sa nalalapit na exhibit, napapayagan na ako ni Callix na lumabas labas sa opisina pero hindi nawawala ang bodyguard sa paligid lali na't may mga media ns bigla nalang susulpot at magtatanong ng kung ano.
"I don't know.. Wala nga siyang sinasabi,kaya niyang tiisin si Samantha matakpan lang ang mga ginagawa niya..maybe that's it. Kaya siguro natiis din niya dati ang kambal kasi nga may babae din siya..-"
"Klea naman, I already told you hindi naman alam ni Callix na buhay ang bata noon eh.."pagputol niya sa akin.
"Really?malay natin di ba? Kunwari lang iyon..pero ang totoo ay alam niya.."
Napahinga nalang ng malalim si Zara sa sinabi ko,maya-maya ay may mga babaeng lumapit sa amin. Siguro ay kaedad lang namin ito ni Zara, ang gaganda nila at mukhang mayayaman dahil sa kilos at pamanamit ay hindi lang sila normal na customer dito.
"Hi Zara,..Klea..."bati ng basbeng blonde ang buhok.tumayo si Zara s kinauupuan at nag beso sa tatlo, pinanlakihan niya ako ng mata na aga dko namang nakuha kong ano iyon.
Kahit hindi ko sila kilala ay sinunuod ko ang sinabi ni Zara, ang makipagbeso. Kilala ba namin ito?kaibigan dati?
"Rosie, Ariela and Stel, long time no see."Alam kong sinadya ni Zara na bangitin ang pangalan nila para maalala ko or makilala.but sorry bes, wala talaga sila sa utak ko.
"Kararating lang namin galing boracay,doon kami sa hotel ni Zedrick nag stay...kamusta na?"si Rosie.
tinignan ako ni Zara,sa ginawa alam ko rin na ako ang gusto niyang sumagot kay Rosie.
"We're fine. Busy sa work kaya walang time para sa vacation..buti pa kayo.m lalo ata kayong gumanda. "
tumawa ang babseng tinawag ni Zara na si Stel, mapula-pula sng mukha nito pati ang katawan dahil siguro sa pagbibilad sa beach,pero hindi natatakpan ang kinis ng balat nito.
"Ikaw nga riyan ang maganda eh.look at you, alagang alaga ni Callix.kahit may kambal na eh sexy parin." Nagtawanan kaming lahat. kahit hindi ko sila kilala sa isip somehow in my heart ay nakagaanan ko sila ng loob.
"We are all happy na nakaligtas kayo ng pamilya mo sa trahedya na ginawa ni Kiarie Klea...at ngayon balik normal na ang lahat. ang tapang mo talaga."
ngumiting hilaw si Zara sa kanila,hindi na rin makapagsalita dahil sa kagustuhan niyang ako na ang makipag usap sa mga babae na iyon para siguro hindi mapaghalataan na nagka amnesia.
"Sorry guys, naistorbo namin ang pagkain ninyo.by the way paalis narin naman kami..see you next time.."paalam ni Rosie.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi nawala na sa paningin ang tatlo.
"Who are they?"
tumawa si Zara. "Look at you, ang galing mo makipag usap..tapos sasabihin mo sakin who are they?"she laughed again.
"Anak sila ng mga kilalang nasa politika Klea, hindi naman tayo ganoon ka close sa kanila pero madalas natin silang nakakasabay sa mga gatherings noon at party. Don't mind them.nakakatakot lang na malaman nila ang kondisyon mo at kumalat..makarating pa kay Kiarie kung totoo ang iniisip natin."
BINABASA MO ANG
I Wanna be your MAN
RomanceBook 1: Wanna be your Woman Highest Rank:: #1 Lovestory/Romancetagalog Book 2 na po ito:)