Klea's POV
Together
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng marinig namin na nag-uusap si Kate at Gail sa banyo tungkol kau Callix,pero hanggang ngayon ay hindi parin kami maliwanagan ni Zara kung ano ang totoo.
Nabisita rin namin ni Callix ang Callisia Wood Co. sa Tarlac kasama ni Zedrick,buti nalang at mayroon na akong ideya at hindi naging mahirap intindihin ang negosyo namin.siguro nga ay dahil ito talaga ang gusto ko kaya hindi naging mahirap para sa akin.
"Patty,paki sabi kay Callix na natapos ko na ang unang disenyo para sa kama ni Zara,gusto kong ipakita kung papasa ba ito sa kanya."
inabot ko kay Patty ang mga papel kung saam ang disenyong ginawa ko.Si Patty ay ang dating sekretarya ni Callix noong nag uumpisa palang kami,gaya ng ibang staff hindi ko rin siya naaalala pero nagpanggap din ako na okay ang lahat.
"hindi na ba kayo papasok ma'am?"
"No!marami pa akong gagawin sa opisina kaya ikaw nalang."aalis na sana ako ng bigla ulit siyang nagsalita.
"Mamaya nalang po ma'am may klayente pa po kasi si President.mukhang importante po ang pinag-uusapan."
Umatras ako pabalik sa mesa niya habang nakataas ang isang kilay,alam kong sa ekapresyon ng mukha ko e al niya kung ano ang ibig sabihin noon.
"Si Ms.Gail po,sabi po kasi ni Pres,mamaya na ang paperworks at may pag-uusapan sila."
Gaano ka importante ang pag-uusapan nila at hindi niya nasabi sa akin na may bisita siya,when it come to client bago palang kami matulog sa gabi ay sinasabi niya na ito sa akin.
"Paki scan nalang ako at paki send sa Sir Kenjie mo ang mga sample,hindi ko na hihintayin na matapos ang usapan nila dahil may bago akong pinag-aaralan na disenyo."
Pagkaalis mismo ni Patty ay hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa pintuan ni Callix,kung may tinatago sila sa akin,kailangan kong malaman yon.
dahan-dahan kong binuksang ang pintuan,kahit hindi ko sila makita ay okay na.ang mahalaga ay marinig ko kung ano ang sinasabi.Mariin kong diniin ang tenga ko sa pinto at naghihintay na may magsalita sa kanila.
"Umiiyak kasi si Samantha sa akin,gusto niyang ako ang maging representative ng mommy niya sa family day.I told her that I would ask you first.kung okay lang ba.."
Bakit ganyan ang tono ng salita niya?parang nang-aakit.
Klea,relax!!hindi ka pwedeng padalos dalos.
"Uhm.medyo abala ako sa trabaho---"
"Callix please...para naman to sa bata."
Sinubukan kong sumilip sa pintuan,kung kanina ay ang pinag-uusapan lang nila ang gusto kong marinig ngayon ay gusto kong makita kung paano tratuhin ni Callix ang babae.
napaatras nalang ako ng makitang hawak ni Gail ang kamay ng asawa ko na nakapatong sa taas ng lamesa,at si Callix naman ay parang lutang na nag-iisip.
"Hoy.anong ginagawa mo diyan?" sa gulat ko ay bigla kong naisara ang pintuan,nagmadali akong hilain si Zara papalayo sa opisina ni Callix at agad na sumakay sa elevator.
"teka-teka madapa ako.."
I rolled my eyes,grabe dapa talaga.nakahinga ako ng maluwag ng tumunog ang elevator at bumukas ito sa palapag kung nasaan ang opisina ko.Nagmadali akong pumasok sa loob hila-hila parin si Zara,tsaka ko lang siya nabitawan ng umupo na ako sa swivel chair ko at naghilamos ng kamay sa mukha.
"What is happening?" tanong niya.
Hindi ako agad nakapagsagot,kinabahan ako.muntikan na yon ah,o nalaman nila na naroon ako.pero parang hindi rin,sana sumunod si Callix kung nakita niya ako.
BINABASA MO ANG
I Wanna be your MAN
Storie d'amoreBook 1: Wanna be your Woman Highest Rank:: #1 Lovestory/Romancetagalog Book 2 na po ito:)