Chapter 18

3.9K 106 11
                                    

Tahimik lang ako sa loob ng kotse ni Callix, kahit naiinis ay naiintindihan ko naman siya,kaya eto ako ngayon kasama niyabg hahanapin kung saan dinala ni Gail si Samantha sa ganitong oras.

"sana si kana sumama.gabi na, nagpahinga ka nalang dapat doon." sabi niya ng makita akong humikab habang nakatingin sa labas ng bintana.

"I'm okay, don't mind me."sagot ko naman.

tumunog ang cellphone niya, bandang alas onse na kaya hindi ganoong traffic. ng makita niyang si Gail ang tumatawag ay dali-dali niya itong sinagot.

"Bakit di ka nagpaalam na kukunin si Sam?"tumawa si Gail, nabwisit ako agad sa tono ng boses. Ang lande!promise!!

"puntahan mo nalang siya dito sa isang restaurant. I'll send you the location." di pa nakapagsalita si Callix at bigla ng naputol ang kabilang linya. Nakahinga ako ng maluwag doon, akala ko kung ano na ang mangyayari.

mulign tumunong ang cellphone ni Callix, siguro iyon na ang sinasabi niyang lokasyon na pupuntahan kung nasaan sila ngayon, naisip kong umuwi nalang sana at tama si Callix, sana nagpaiwan nalang ako. ewan jo ba kung ano ang pumasok sa isip ko at sumama pa talaga..siguro ay dala ng ng pag-aalala dahil sa bata at dahil masama din ang pakiramdam ni Callix.

nang makababa kami sa kotse kung saan ang restaurant na sinasabi ni Gail ay agad na nagsitinginan sa amin ang mga tao na nasa labas.

"Si Klea.."

"ganda parin.."

"Hot nga eh!"

natigil si Callix bigla sa paglalakad, pero agad ko siyang hinawakan sa kamay at tuluyang lumayo doon, tsaka ko lang napansin na ang lugar pala ay halos 24 hours na bukas ang mga kainan, coffee shop at iba pa..

"gustong-gusto mo na pinagsasabihan ka nun?"inis niyang sabi. binagsak ko ang kamay niya at napatigil sa paglalakad tsaka siya hinarap.

"Yon ang tingin mo sa akin?sa bagay, okay naman yung sinabi nila ah, wala naman silang sinabi na pangit ako.. Yung akin lang, anak mo ang pinunta dito.at kung makipagbugbugan ka doon ay baka konsensya ko pa."inirapan ko siya at naunang ng lakad palapit sa pinto ng resto, ngunit agad din naman niya akong naabutan.

pagkapasok namin doon, ay halos walang tao at mga staff lang.. medyo madilim, at napaka romantic ng tunog ng musika, napalunok ako ng laway hindi na sana ako tutuloy pero ng magsalita ang babae na nasa harap namin ay hindi na ako nakaatras.

"Sir Callix po?" nakangiti siya.

"narito ba si Gail Alcantara?" diretsong tanong ni Callix.

ng tumango ang babae ay agad na may buglang lumiwanag, nakatuon s isang lamesa at tatlong upuan na napapalibutan ng rosas at balloons sa paligid. narinig ko pa ang mga babaeng kinikilig sa kung ano ang mngyayari.

nanlig ang katawan ko, halos di ko na maigalaw ang paa ko kahit na gusto kong tumakbo at umalis sa lugar na iyon, unti-unting lumabas si Samantha sa kung saan, nakangiti pero may luha na namumuo sa mga mata.

tsaka lang ako napaatras,tumabi akos a isang staff na nasa likod lang ni Callix, tumingin pa siya sa akin pero agad din na nabawi dahil nagsalita si Samantha.

"Thank you for making our family complete again daddy."

Hindi ko makita ang reaksyon ni Callix dahil nakatalikod ito, pero di siya agad nakapagsalita. nagpatianod siya sa hila ni Samantha papunta sa gitna kung nasaan ang lamesa at upuan.maya-maya ay nag play ang video sa isang malaking screen.

ang litrato nila ni Gail hula ko ito tung nasa honkong, kung saan lasing si Callix at nakasandal siya kay Gail, kasunod ay ang mga litrato na family day nila ni Samantha sa school, nasundan pa iyon..hanggang sa may isang papel...

I Wanna be your MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon