Hindi ako nakatulog nung gabing iyon,tawag na tawag si Zara sa akin. Nagwawala daw si Callix sa isang bar. kasama sila Heinz at Brenz, tinawagan lang daw si kuya Kenjie kagabi kaya naman kahit alanganin sa oras ay pinuntahan ni kuya ang asawa ko.
gulong-gulo qng isipan ko, malapit na ang exhibit, may gusto pang sumira ng furniture sa Callisia Wood Co. dagdagan pa ng seguridad ng kambal at sa amin ni Callix at ang pagbabalik ni Kiarie.
Ang hirap, sa panahong kailangan ko ng masandigan at maaasahan wala ang pinakamamahal ko, hinayaan niya akong masaktan at lamunin ng galit.
"Nakaawa naman si Callix,kaso gago din kasi ayan tuloy.anong plano mo?"
"Ganun parin, hanggat hindi natatpos ang gulo mananatiling hindi kompleto ang pamilya namin..gustuhin ko mam.pero wala talaga eh."
"Klea, alam ko kung gaano mo ka mahal ang asawa mo,pero paano nga kung wala siyang ginagawang masama at wala naman talagang alam sa nangyayari?"
"Zara matalino si Callix, hindi ako naniniwalang wala siyang alam."natapos lang ang usapan naman ni Zara pero paulit-ulit itong sumasagi sa isip ko.
Paano nga ba kung puro hinala lang ako at wala ngang katotohanan ang lahat ng iniisip ko tungkol sa asawa ko?kakayanin ba ng konsensya ko ang lahat ng ito?
Naging abala ang sumunod na araw, wala si Callix sa opisina kaya medyo panatag ako na hindi muna kami magkakausap.sigurado akong mangugulit nanaman iyon at pipilitin akong umuwi sa bahay namin.
maaga din akong tinawagan ni Siara dahil naka schedule ang videocall namin para makausap ko ang suspek,at iilang impormasyon pa na sasabihin ni Siara.
"Ms.Klea, okay na po ang venue sa exhibit.nag-confirm na po ang Venue Master."
"What?akala ko okay na iyon?ngayon lang sila nag confirm? Jade, check mo ang lahat ng department the day before exhibit, lights sounds and the place. Baka mamaya ay pati sa pagkain magka problema.. " tumango naman ang sekretarya ko.
ilang minuto lang ng makalabas si Jade ay tumunog na ang laptop ko, pagkapindot ko ng answer buttom sa skype ay lumabas na sa screen si Siara, kasama ang lalaking kaedaran siguro ng aking tatay ngayon. bigla ko tuloy naalala si tatay.
"Ma'am Klea, siya po si Mang Iston, siya po ang nahuli sa cctv na lumabas sa gate bandang alas sais ng hapon,siya din po ang suspek at inamin niya na po ito.
nakaramdam ako ng lungkot at awa kay Mang iston, bakas sa mukha niya ang takot at pagsisisi sa nagawa kahit na hindi ko pa siya nakakausap.
"Magsalita ka.." mahinahon kong sabi.
"Uhm..pa-pasensya na po Ma'am..alam ko pong mabait kayo kahit bagohan lang ako dito sa kompanya ninyo.pero maniwala po kayo na hindi ko iyon gustong gawin, sadyang kapos lang po ako sa pera dahil sa may sakit na leukemia ang anak ko at ang dalawa ay nag-aaral pa..Nasa bahay lang ang asawa ko para alagaan ang mga bata kaya ako lang po ang angtatrabaho... Sa akin lang po sila umaasa..patawarin niyo po ako Ma'am."hindi na nakapag pigil si Mang Iston, walang tigil ang pag tulo ng luha niya.kahit ako ay mangiyak-ngiyak sa narinig.
Naranasan ko na ang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng pamilya, kahit sinong tao ay gagawin ang lahat pag pamilya na ang pinag-usapan. Sino ba naman ako para hindi siya patawarin, halos ibenta ko din ang sarili ko para lang sa pangangailangan ng pamilya ko. Sa pag-aaral ng kapatid ko noon at ng magkasakit si Nanay.
"Mang Iston,naiitindihan ko po kayo. pero mas maganda po sana kung lumapit kayo sa akin mismo o kahit kay Siara lang para matulungan kayo. ngayon po,ang gusto kong malaman kung sino po ang nag-uto sa sa inyo.."
BINABASA MO ANG
I Wanna be your MAN
RomanceBook 1: Wanna be your Woman Highest Rank:: #1 Lovestory/Romancetagalog Book 2 na po ito:)