Rika's POV
Ilang linggo na ang nakalipas simula nung Birthday ko at nung tumawag siya.May mga bagay na nagbago.Umalis si Top kasi siya muna ung pansamantalang humawak sa business nila sa korea kasi may sakit yung dad niya.Si Aljae and Daniele,going strong.
Erik naman eh panay ang kulit sakin kung paano niya mapapasagot ang ampalaya kong bestfriend,over sa bitterness.Si Drake naman,wag kayo close na kami and medyo madaldal na siya.Si Airah naman eh halos matanggal na yung eyeballs niya kaka-irap sakin ang laki laki ng problem niya sakin eh.
And marami akong ikukwento about kay Rupert,dahil these past few weeks/days He seems so weird
~~~Flashback~~~
September 29 and nandito ako sa room.Tahimik lang ako kasi nga wala naman ako makakausap,wala si Top nasa Korea siya,inaasikaso niya yung business nila duon.
Masyado pang sariwa sakin yung mga nangyari kaya paulit-ulit nalang nagrerewind sa utak ko. Grabe the best talaga yung-
"Tss,ano ba eyeliner?!Kanina ka pa siko ng siko diyan ah.Sikuhin kita eh!"bwisit tong lalaki na to,kanina pa naniniko eh
"Hoy Siopao!Feeling mo naman trip kitang sikuhin?Kanina ka pa tinatawag ni ma'am eh!"nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa harap.
Hala lahat sila nakatingin sakin. Tumayo nalang ako
"Ms. Man is everything alright?" tanung nung terror naming teacher. Kanina pa pala pre-occupied yung utak ko.Nakakahiya >///////
"Yes Ma'am.I'm sorry"then umupo na ako.Badtrip.Napatingin ako kay kumag at aba nakangisi pa siya ah.
"Ano nginingiti ngiti mo diyan?!" nakakabwisit yung ganyang ngiti niya eh >_
"Sus,as if I don't know na inlove na inlove ka sa mukha ko."then he smirked. Ang kapal talaga ng mukha niya promise.
"Ms Man and Mr Fuentes!You two have been disturbing my class!!! OUT!"shocks!Eto na nga ba sinasabi ko eh.Tumayo ako and ganun din si mokong.
"Wait a minute,bring these books to the detention office"sabay abot niya sakin nung mga books.
Wow ha?So ako lang magdadala neto.Pero okay nalang din at least may pagkakaabalahan ako habang papuntang detention office.
Habang naglalakad ako sa may corridor bigla nalang may kumuha nung mga dala ko.
"Hoy ano ba?Kaya ko naman yan eh"hindi manlang ako pinansin ni kumag?
Abah isang kamay lang yung ginamit niya habang hawak yon? Edi siya na malakas.
"Anu ba eyeliner,ako na sabi magdadala niyan eh.Sakin inutos ni ma'am yan"luh?ano to?Multo ako dito?
Hindi niya ako naririnig?AH alam ko na.Ako naman mangaasar bwahahahha
"Hoy eyeliner!Sabi ko ako na magdadala diba?Siguro may gusto ka sakin kaya ayaw mo kong mapagod noh?"then pinaningkitan ko siya ng mata.
Hinarangan ko kasi yung dinadaanan niya kanina eh.
"Pano pag pag sinabi kong oo? Titigil ka na?"shems!!!!!nagiinit yung mukha ko.

BINABASA MO ANG
Is He The One?(Completed)
Teen FictionMay posibilidad kaya na mahulog ang isang babae sa lalaking laging sumisira ng araw niya? Eh pano kaya kung mangyari yun?May masasaktan kaya?May magsasakripisyo?May sasaya? o May manganganib? Anu kaya ang mangyayari sa kanila kapag nangyari yun?