Drake's PoV
Alam ko na hindi niyo ako masyadong naramdaman sa story na to.Pero okay lang naman kasi sinadya ko yun
Hindi naman talaga kasi ako yung tipo ng tao na pala salita at palakwento.Tahimik lang ako.Basta't humihinga ako ayos na ako dun
Sa Chapter na to,dito ko ilalabas ang lahat.Lahat lahat ng gusto ko makwento.
~~~~~Flashback~~~~~~
"Ang bobo mo naman!!! Yan lang di mo pa masolve!Freak freak freak!"yan ang pangungutsa sakin ng mga classmate ko.Grade 4 palang ako pero grabe na ako kung ibully nila
"Hindi ko naman talaga kasi makuha eh."tanging sagot ko
"Bobo ka ka--"
"Tama na nga yan!!!"napatingin ako sa sumigaw
Si Dhana Desuyo...ang pinaka nakakatakot na babae sa grade namin.May pagka boyish kasi eh tapos masungit pa
"Ano Dhana mangingialam ka nanaman!Tabe nga!"
"Hoy Jasmine!Wag mo kong itabe itabe dyan ha!Kung makapag sabi ka ng bobo eh lamang ka lang naman ng 1 point sa average ni Drake ah!Sige nga ikaw magsolve niyan!"
Sabay sabay nagsi alisan sina Jasmine at ang iba pang bully.Pinagtanggol nanaman niya ako
"Hoy Drake!"
"H-huh?"
"Yan!Tatanga tanga ka kasi.Matuto ka ngang lumaban,kalalaki mong tao ang weak mo!Sino magkakagusto sayo niyan?"
"Tulungan mo ko please."
Simula noon lagi na niya akong sinasamahan sa lahat ng bagay.Tinuruan niya pa nga ako magbasketball,football at soccer
Tinuruan niya rin ako pano pumorma na parang mga teenagers sa tv.Lahat tinulungan niya ako hanggang sa dumating ang araw na kailangan kong humiwalay
"Sigurado ka na ba Drake?"
"Oo Dhan...kailangan namin bumalik sa states.Kailangan namin bantayan si daddy dun"
"Okay lang.Paki sabi sa daddy mo pagaling siy-----Putek wag kang umiyak!"
"K-kasi n-naman magkakah-hiwlay t-tayo eh"lumapit siya at niyakap ako
"Magkakahiwalay lang naman eh hindi magkakalimutan.Pagbalik mo walang magbabago.Basta't hindi mo ko kakalimutan ha"
Tuluyan ko na iniwan sa Dhana nagstay kami ng mommy ko sa states then nagstay kami dun for 4 years then pagbalik ko hindi ko na siya nahanap.
~~~~~~~End of Flashback~~~~
Oo ganun nga,mas nauna ko pa nakilala si Dhana kesa sa lahat.Pero ano?Hindi niya ako naalala.
Siya ang dahilan kung bakit ako ganto.Sobra akong nasaktan sa pagbabalik ko na hindi niya manlang ako nakilala.
Pero ngayon eh nakakamove on na ako dahil mali tong nararamdaman ko kay Dhana
Pero may isang tao na talagang napangiti ako sa unang kita palang.
Sino?...
Antayin niyo nalang.Malalaman niyo rin....
BINABASA MO ANG
Is He The One?(Completed)
Novela JuvenilMay posibilidad kaya na mahulog ang isang babae sa lalaking laging sumisira ng araw niya? Eh pano kaya kung mangyari yun?May masasaktan kaya?May magsasakripisyo?May sasaya? o May manganganib? Anu kaya ang mangyayari sa kanila kapag nangyari yun?