Rika's POV
Ilang linggo narin ang nakalipas since mangyari ang lahat.Ilang linggo na rin ang nakalipas since nilibing si Kurt.Oo,tanggap ko na wala na siya sakin.Masakit mang isipin pero kailangan
Lumabas ako sa bahay para makasagap ng simoy ng hangin. Hindi ako masyadong naglalabas these past few weeks.Umupo ako sa may parang garden ko dun.
Hayyy ang daming pagsisisi ang nasa utak ko ngayon.At hindi ko rin maiwasang sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyari.Ang sakit isipin na wala na ang childhood bestfriend ko.Ang taong halos parte na nang buong buhay ko.
Nakaramdam ako ng may nagmamasid sakin at may nakita akong isang matandang lalaki na nakatingin sa akin...parang napadaan lang siya.Kaya tumayo ako at lumabas nang bahay.
"May kailangan po kayo?"sabi ko dun sa manong.
"Ayy wala iha...may naalala lang ako sayo"sabi niya then aalis na sana siya
Lumapit ako sa kanya at sinabayan siyang maglakad.Sa park pala ang punta ni manong. Hindi siya mukhang masamang tao.Actually mukha siyang mayaman kasi mabango siya, makinis,mukhang koreano chaka matangkad pero gwapo kahit na halatang may edad na siya
Naupo kami sa isang bench sa park.Bumili ako ng kape at binigyan ko siya.
"Alam mo kamukhang kamukha mo yung isa kong anak"sabi niya
"Talaga po?"sabi ko
"Oo,yung bunso ko.Yung anak ko sa labas.Kaso matagal na since nung nakita ko siya. Siguro that was 13 years ago"sabi niya
"Ang tagal na po pala.Ano pong nangyari sa kanya?"tanong ko
"Since anak ko siya sa labas... hindi sila pwede magsama ng first family ko.Aware naman ang asawa ko kaso sa isang iglap yung second wife ko bigla nalang nawala.Siya at yung bunso ko"kasabay ito ng pagkalungkot ng boses niya
"Ilang taon na po ba ang anak niyo?"tanung ko
"Kaka-18 lang niya last year.Ni hindi ko manlang siya mapuntahan sa espesyal niyang araw."
"Alam niyo po ba kung saan siya nakatira?"
"Noon hindi pa....pero alam kong malapit na ako sa kanya.Konting tiis nalang. Kailangan kong mahanap ang anak ko.Bago pa ako mawala"
"Mano--"
"Sir nalang"pagputol niya
"Ay sir..tama po yan.Wag po kayo mawalan ng pag-asa. Chaka malay niyo po..sa mga susunod na araw makikita niyo na po siya"tumugon lang siya ng ngiti na sobrang nagpagaan sa loob ko
"Salamat iha ha.Mas naaalala ko sayo ang bunso ko.Ano nga bang pangalan mo?"
"Ayy ako po si Rika....Rika Zef Man"
"Ahh sige iha..mauna na ako sayo ha.Ako nga pala si Rafael Chase Song"sabi niya sabay alis..mayaman pala si Sir Rafael..may sumundong naka BMW eh ^_^
Rafael Chase Song...that rings a bell...parang narinig ko na yan ah??San kaya?Hmm bahala na nga.Sana magkita pa kami ni Sir kasi ang gaan ng loob ko sa kanya
*
On the way ako sa mall kung saan inaya ako ng mga bestfriend ko na magshopping.Grabe kailangan ko to.Stress reliever ^_^ Nagpark muna ako then pumasok na sa loob ng mall
Agad ko naman silang nakita sa may Department store.Ang mga loka kala ay mga fans ko kung makakaway...
"Heyy best!You look okay na!"sabi ni Dhana
BINABASA MO ANG
Is He The One?(Completed)
Fiksi RemajaMay posibilidad kaya na mahulog ang isang babae sa lalaking laging sumisira ng araw niya? Eh pano kaya kung mangyari yun?May masasaktan kaya?May magsasakripisyo?May sasaya? o May manganganib? Anu kaya ang mangyayari sa kanila kapag nangyari yun?