Hanggang kailan mo kakayanin?
Hanggang kailan mo titiisin?
Hanggang kailan mo iindahin?
Hanggang kailan mo babalewalain?Hanggang kailan ka iiyak?
Hanggang kailan ka magbubulag bulagan 't magbibingi bingihan?
Hanggang kailan ka magmamanhid manhiran?Hanggang kailan ka diyan?
Hanggang kailan ka sa lugar kung saan ikaw lang ang nakaaalam?
Hanggang kailan ka maghihintay sa kanya?
Kung babalik pa ba siya? O masaya na siya sa iba?Masaya ka ba?
Panatag ba ang puso mong
Nakikita siyang masaya ng dahil sa iba?
Kailan pa?
Ang oras na matututo kang huminto, tumigil at magpahinga kasi
pagod ka na?Pagod na nga ba?
Kasi parang hindi pa?
Pinipilit ang sariling malugmok sa sakit, sa hirap, sa pagod at sa pagtitimpi.Pagtitimpi sa lahat ng araw na hindi ikaw ang naging dahilan ng kanyang mga ngiti.
Ngiti na kapag kasama mo siya ay peke.
Peke nga ba?
Peke lang ba ang pinakita niya?
O marahil minahal ka naman niya pero nang may makita siyang iba
ay iniwan ka na lang ng basta-basta.Basta basta
mo na lang bang hahayaang maloko ng taong mahal mo.Mahal mo?
Minamahal mo?
ngunit minahal ka ba?
O baka naman ginamit ka lang niya?Niya?
Siya?
Na wala man lang paramdam
Kung ano pa bang kayo?
O baka ang meron na lang ay ang salitang ikaw at ako?Ako na palagi na lang umiiyak ng dahil sayo
Sayo na dahilan ng pagkabulag at pagbibingihan ko
Sa kahit anong bagay na makita't marinig ko.
Pero kahit na naririnig ko
Hindi ko dinaramdam ito
kasi para sayo handang maging manhid ng puso ko.Paano ako?
Ako na palaging nagsasakripisyo?
Naiisip mo rin kaya ang halaga ko?
Nasambit mo na ba ang salitang mahal mo ako?
Mananatili ka pa rin ba sa kanya? kahit alam mong nandito akoAko na ilang beses ng nagpakatanga sayo
Ako na nagparaya para sa ikaliligaya mo
At ako na handang gawin ang lahat para sayo.Sa patuloy na paghihintay ko sayo
Sana naman ay makita mo ang tunay na halaga ko
Ang mga bagay na inalay at isinakripisyo ko para sayoAt sana mabasa mo ito
Kasi hindi ko alam kung hanggang kailan ako susulat ng tula para sayo.
Hanggang kailan kaya ako magiging ganito?Hanggang kailan?
Iyan ang tanong ko
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
RandomIto ang mga tulang inilikha ko, hindi ko alam kung magiging swak sa paningin mo kung mabasa mo ito pero sinisigurado kong may aral kang matututunan dito