ABaKaDa, Mahal kita

191 3 1
                                    


Abakada
Mahal kita

Masyadong magulo
Masyadong komplikado
Hindi ko alam kung anong gagawin ko

Hindi mabigkas ang mga saloobin
Hindi maipadama ang aking damdamin

Malayo
Malapit
Ikaw
Ako
Tayo
Pero malabo
Kasing labong mahalin mo rin ako
Kasing labong mapansin mo ang tulad ko
Sa libo libong taong nagkakandarapa sa'yo

Magulo
Kasing gulo ng utak ko
Kasing gulo ng nararamdaman ng puso ko
Kasing gulo nang mga sinabi mo
Pero ang tanging naintindihan ko lang ay ang ayaw mo

Ayaw mo sa 'kin
Ayaw mo sa katulad ko
Ayaw mong maging tayo
Masyadong bata ako para sa'yo

Dahil sa mahirap
Sawa ka na
Tapos na
Naka-graduate ka na
Nakuha mo na rin ang iyong diploma

Ako nag-uumpisa pa lang
Mag-eenroll
Magbabaka sakaling matanggap
Makapasa sa pagsusulit na ang hamo'y malapit ko nang makaharap

Natatakot
Baka hindi makapasok
P'wede namang umulit
Baka sa pangalawang sandali'y
Matanggap mo ng ulit.

Nagsusumamo
Baka p'wedeng subukan mong muli
Kasama ako
Sabay tayong mag-aaral ng pareho

Kahit nasabi mong napagdaanan mo ng lahat
Na tapos na ang lahat
Sasamahan kita
Uulit ka
Kasama mo ako
Gagawa tayo ng mga bagong ala-ala
Magsasamang masaya

A
Ako ang taong minamahal ka nang sobra
Ako ang taong nabasa ang lahat sa'yo
At ng dahil do'n minahal kita ng todo, nang totoo

Ba
Baka sakali
Baka maaari
Ba't hindi mapagbiyan ang aking munting kahilangan
Baka 'pag sinubukan ay hindi mo pagsisihan

ka
Karapat dapat bang maramdaman ko ang sakit
Kasama nang pag-asa
Ko'y umaaasang sana
Kahit katiting na pagtingin ay maibalik mo sana
Kahit pagkakilala'y sana wag putulin mas lalong pagigtingin pero

Da
Dapat na nga bang sumuko
Dapat na nga bang bumitaw, kahit ako lang naman ang nakakapit at ayaw umayaw
Dapat bang kumawala sa pangarap na sana balang araw maging tayo kahit hindi ako ang simula
Dapat ako ang dulo, magkakasama tayo sa'n mo man gusto.
Dapat ako na

Kaso ang ABAKADA
Ayaw na
sawa na
Ba't ko pa ba pinipilit e wala na
Kulit ko kasi sa dinami rami ba't ikaw pa
Daya mo, ititigil ko na 'to
Salamat sa'yo
Sa diary mo

ABAKADA mahal kita
Walang iba
Masakit pero hahayaang mawala
Ang nararamdaman ko sayo'y baka 'pag lumipas ang panaho'y
maglaho na parang bula.

Pero isang araw
Bumulaga ang mga nais ko ng ipakawala
Sinampal ako ng katotohanan
Sinaksak ng hindi ko inaasahan
Kaya pala ang pagmamahal ko sayo'y hindi mo maaaring suklian
May minamahal ka na pa lang tao at nasa tabi ko
Kasama sa kalokohan
Tagapayo sa'kin kapag nangangailangan
Pinagkakatiwalaan ko
Kaibigan kong totoo.

Dapat na nga sigurong
burahin lahat ng nararamdaman kong 'to para sa'yo
Nang hindi na makasakit
ng ibang tao
Kahit na masaktan ako
Dahil alam kong sa dulo
Ako nama'y matututo

*LAFR*
*Kudos Pereseo*

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon