Iniyakan kita

156 10 1
                                    

Iniyakan kita
Kasi mahal kita
Sa bawat luhang bumabagsak sa aking mga mata
Dulot ay kirot, hapdi at pagdurusa

Sa bawat luhang pilit na kumakawala
Kahit anong pigil
Ay kusang lumabas
Sa bawat luhang nangingilid sa mga talukap ng aking mga mata
Dulot ay panghihina

Iniyakan kita
Kasi mahalaga ka
Iniyakan kita
Kasi ayaw kong mawala ka
Iniyakan kita
Kasi ayaw kong mapunta ka sa iba

Umiiyak ako
Kasi nasasaktan ako
Umiiyak ako
Pero tinitiis ko
Umiiyak ako
Kahit mali na sa paningin ng ibang tao

Iniiyakan kita
Kasi minamahal kita, mamahalin
Ikaw lang at wala na ngang iba
Iniiyakan kita
Kahit alam kong sa kanya ka na

Umiyak ako
Dahil minahal kita ng sobra
Umiyak ako
Kasi wala akong magawa
Kundi ang mamiss ka lang
Umiyak ako
Kasi naisip kong ang tanga ko pala

Alam mo bang naiiyak ako
Habang tinitipa ko sa aking telepono ang mga salitang gusto kong sabihin sa iyo
Ang mga salitang pinipilit kong ilabas sa mga bibig ko pero heto ako sinusulat na lang ang tulang ito para sa iyo

Hindi ako titigil sa kakaiyak
Hindi ako titigil sa pag iyak
Kahit maubos man ang tubig sa aking katawan
Kahit mawalan man nang hanging lalanghapin ang aking sistema

Itutuloy ko ito
Hindi ako hihinto sa pag iyak sa iyo
Hindi matatapos ang paghingi ko ng isa pang pagkakataon
Para maulit kung ano tayo noon

Luluhod at iiyak sa harapan mo
Nang makita mo ang sensiridad ko
Ang pagnanais na maging tayo
Kahit mali na sa paningin ng mundo

Iniyakan kita
Dahil mahal kita
At iiyakan kita
Bumalik ka lamang sa akin sinta

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon