Saan?
Nga?
Ba?Saan nga ba ako nagkulang?
Ngayo'y nandirito't inaalam ang kasagutan
Kung bakit at anong dahilan ng iyong paglisanSaan nga ba
O nagkamali nga ba?
Sa mga bagay na pinagpasyahan ko nang hindi ka kasama
Nagalit ka ba?
Dahil akoy nagdedesisyon ng mag isa?Saan nga ba?
Saan ako pupulot ng mga salita para sabihin sayong bumalik ka na?
Kaya ko bang sabihin at itanong sayo kung masaya ka na ba sa piling niya?Saan nga ba ako?
Kukuha nang lakas ng loob para maagaw ka sa kanya at bumalik ka na sa akin,dahil miss na kitaSaan nga ba ako?
Ako bay nagkulang sa iyo?
Oras, atensyon o pagpapahalaga ba ang pinagdamot ko?
Kasi hindi ko alam?mahal maaari bang pakisabi namanSaan nga ba?
Pwede pa nga bang?
Bumalik sa lugar at panahon kung saan tayo pa?
Kung saan masaya pa tayong dalawa?Saan nga ba ulit tayo unang nagkakilala?
Baka akoy maaaring bumalik doon
At ating simulan naudlot nating pag iibiganBaka maaaring baguhin natin ang lahat
Mag umpisa ulit sa simula
Kalimutan ang mga nangyari
Iwaksi ang sakit na naranasan mo dati
Sapagkat bubuo tayo ng mga bagong pangyayariSaan nga ba?
Saan na nga ba ang ikaw?
Na minahal ko ng totoo pero nanlamig bigla, nang hindi ko alam kung anong dahilan
Ikaw na kahit ano pang mangyari ay gusto kong balikan kahit akoy iyong iniwanBabaguhin ang aking nakasanayan
Ipinapangakong magbabago ng tuluyan
Magiging mas karapatdapat na tao para sayo
Nang hindi ka na maghanap ng bago
Para nang makuntento ka sa isang tulad koSaan nga ba?
Kasi akoy nandiritot naghihintay pa rin sa lugar kung saan binuo natin ating mga masasayang alaala
Kung saan mahal mo pa ko,
Kung saan mahal pa natin ang isat isaTandaan mo,
Mahal kita
Kaya kahit ayaw mo na
Patuloy pa rin akong nandito
Susundan ka
Kahit saan ka man magpunta
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
RandomIto ang mga tulang inilikha ko, hindi ko alam kung magiging swak sa paningin mo kung mabasa mo ito pero sinisigurado kong may aral kang matututunan dito