Kapalit palit ba ako?

151 7 1
                                    

Una kong narinig yang lumabas sa bibig ko simula ng makita ko kayong naghahalikan sa kanto

Sa bibig ko mismo
lumabas ang mga katagang
ayaw maranasan at maramdaman ng kahit na sino

Kapalit palit ba ako?
Bakit mo nagawang ipagpalit ang tulad ko

Tulad kong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka ng totoo
Tulad kong hindi na inisip ang sarili ko
dahil ang inaalala ko
ay ikaw mahal ko
Tulad kong palaging nagtitiis
sa mga panlalamig mo
At tulad ko na palagi kang pinapatawad
sa mga pagkukulang mo

Kapalit palit pa rin ba ako
Kahit na lahat lahat na nga ay ginawa ko
sinakripisyo ko ang lahat para sayo

Tiniis ko ang mga araw na wala ka sa tabi ko
Tiniis ko ang mga gabing malamig
na kahit ang tangi kong hiling
na ikaw ay makapiling
at mahagkan ng mahigpit
upang maginit at mag alab
para magbalik ang lahat sa kung ano tayo
Noong sinusuyot nililigawan mo pa lang ako

Mahirap bang maging kuntento
ang isang tulad mo
Mahirap bang ang isang tulad koy maging sapat na sa iyo
Mahirap bang magtagal ang tayo

Kahit gustuhin ko
Kahit ipilit ko
Kahit pagsikapan ko
Marating man lang natin ang dulo

Ngunit parang hindi na talaga maaari
Dahil akoy iyong pinagpalit sa mukhang ari

Hindi ko na pala kailangang itanong kung kapalit palit nga ba ako?
Dahil ang sagot ay hindi
Hindi mo kailangang sumagot
Ako ang dapat sumagot

Dahil sapat na ang salitang bagay kayo
Natauhan na ako
Hindi ikaw ang para sa tulad ko
Hindi ikaw ang dapat na mahalin ko
At hindi ikaw ang karapat dapat na pag alayan ko ng buhay ko

Mabuti na lang at iyong pinagpalit ang ako
sa kanya
At salamat sa iyo
Dahil ginising mo ako sa kahibangan ko

Na ang tao ay hindi para sa hayop na katulad mo

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon