Paalam

197 11 1
                                    

Kay sakit pakinggan ng bawat salitang lumalabas sa aking mga bibig
Hindi ko man nais
Pero ito ang tamang gawin

Ang gawin na palayain ka
Kahit alam kong kailanma'y hindi ka  naging akin
At hindi magiging akin
Dahil may mahal kang iba

Sa kanya na pinagtityagaan mong kamustahin kung ok lang ba siya
Siya na lagi mong inaalala
Siya na lagi mong bukambibig tuwing tayo'y magkasama
Siya na mahal mo kaya ako palagi'y naiitsapwera

Hindi ko man nais
Pero sawa na ako
Sawa na akong manlimos ng oras sa iyo
Sawa na akong ibigay ang buong atensiyon ko,dahil wala ka namang pake pagkat siya ang palaging nasa isip mo

Inisip ko ng isang beses
Nagalinlangan pagkat ayokong umalis
Ayaw kitang maiwan sa kanya
Na palagi mong binibigyan ng halaga pero binabalewa lang niya

Ngunit nag isip akong muli
Inisip ng maraming beses at napagtantong mali
Mali na manatili pa ako sa tabi mo
Dahil iba naman ang gusto mo

Mali na ipagsiksikan ko pa ang sarili ko sa taong iba naman ang gusto

Alam kong hindi ko kakayanin
Mahihirapan ako ngunit pipilitin
Nasanay na akong nakakasama ka
Nasanay na akong kausap ka
Nasanay na ako sa iyo
Pero siya pa rin talaga ang nais mo

Kaya mahal,
Mahal kita pero naisip ko na ang tanga ko na sobra
Masakit pero paalam na
Hindi ko kakayanin pero hinto na
Tigil na sa kahibangan ko sayo
Tama na ang kabaliwan kong ito

Paalam na
Salamat sa panandaliang saya
Sa tuwing ika'y aking kasama
Mahal kita pero dapat sigurong mahalin ko rin ang sarili ko
Bago ako magmahal ng isang tulad mo

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon