Lalaban ka pa ba?
Magpapatuloy ka pa ba?
Sa karera ng buhay
Kung ikaw na lang ang mag isa?Patuloy ka pa rin bang tatakbo
Kahit alam mong ang lahat ng ito'y walang dulo.Kaya mo pa ba?
Hanggang saan ka lalaban?
Hanggang kailan mo ipaglalaban?
Kung alam mo namang ikaw na lang ang mag-isang lumalabanNaranasan mo na ba?
Naranasan mo na bang kumapit?
Kumapit kahit wala namang kakapitan?
Mahulog nang wala namang sumasalo
At magmahal sa taong kailanman ay hindi ka mamahalin katulad ng pagmamahal mo?Naranasan mo na bang lumaban?
Nang walang kalaban
Yung wala kang kalaban laban
Dahil ang sarili mo lang ang siyang iyong kalabanKalaban sa katangahan
Kalaban sa pag bubulag bulagan
Kalaban sa pagbibingi bingihan
Kalaban sa pag mamanhid manhiranBakit ka pa ba lumalaban?
Kung wala ka naman nang ipinaglalaban
Ano bang klaseng katangahang ang iyong pina-iiral?No offense pero tama na
Tumigil ka na
Kasi Hindi na magandaYung pakiramdam na
bakit mo pa ipagsisik sikan ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto?
Dahil may mahal siyang ibang taoLumalaban ka
kahit hindi ka ipinaglalaban?
Nagmamahal ka
Kahit walang kasiguraduhan kung kaya ba niyang tumbasan lahat ng pagmamahal mo sa kanya.Hindi masamang magmahal
Ang masama ay iyong lumalaban ka para sa isang taong hindi worth it ipaglaban
Magising ka na sa iyong katangahanMalay mo?
May isa pa lang tao rito sa mundo
Ang handang lumaban para sayo, yung taong ipaglalaban ang pagmamahal mo.Ipaglaban mo yung taong karapat dapat ipaglaban
Hindi yung taong ipinaglaban mo na nga pero nagagawa ka pa ring saktan.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
RandomIto ang mga tulang inilikha ko, hindi ko alam kung magiging swak sa paningin mo kung mabasa mo ito pero sinisigurado kong may aral kang matututunan dito