Akala ko
Panaginip lang ang mahalin mo ako
Akala ko
Himala ang maging tayo
Akala ko
Hanggang dito na lang ako
Akala ko
Ang lahat ng itoy totooAkala ko
Wala ng katapusan
Akala ko
Wala ng hangganan
Akala ko
Hindi mo ako iiwan
Akala ko
Mananatili ka sa akin magpakailanmanAkala ko
Lahat ng pangako moy totoo
Akala ko
Na ang mga pangarap na binuo nating pareho'y matutupad sa takdang panahon
Akala ko
Tayo na, hindi pa rin palaAkala ko
Na ang mga akala koy
Nagkatotoo
Ngunit muli
Umasa na naman pala akoAkala ko
Ang lahat ng sinabi moy
May katotohanan
Ngunit pulos pala kasinungalinganAkala ko
Mahal mo na ako
Ayun pala
Ginamit mo lang akoGinamit mo ang mga akala
Ko para lokohin at saktan lang ako
Ginamit mo ang pagtitiwala ko sa mga pinakita mo
Upang mas tumindi ang paghahangad ko sayo
Pagbabaka-sakali ko sa tayoAkala ko
Iba ka
Akala ko
Di ka katulad ng iba
Pero mas malala ka pa palaAkala ko
Ang salitang mahal mo ako
Ay galing sa puso mo
Ngunit isa lang pala ito sa mga pamamaraan mo para saktan ang kalooban koAasa na sana ako
Na minsan ang taong mahal ko ay matututunan ding mahalin ako
Ngunit mali
Siguro nga'y malabong mangyari
Ang mga akala ko'y mananatili na lang na akala hanggang sa magmahal akong muli
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
RandomIto ang mga tulang inilikha ko, hindi ko alam kung magiging swak sa paningin mo kung mabasa mo ito pero sinisigurado kong may aral kang matututunan dito