Gaya ng dati

112 3 0
                                    

May mga bagay na maaaring ulitin,maaaring alalahanin,maaring sariwain ngunit hinding hindi na maaaring ibalik gaya ng dati.

Masarap ibalik ang oras,ang dating ganda ng kapaligiran,ang dating ayos ng lansangan,mga batang naglalaro sa damuhan,mga nagliligawan sa harap ng kanilang mga magulang,dating kaayusan ng mundo.Gaya ng dati gusto kong ibalik ito.

Noong dating ang mga oras ay hawak pa nating dalawa,kapag tayo'y magkasama umuwi man ng gabi ay hindi alintana.Nagtatawanan,naglalambingan,naghaharutan.Oras ay sulit at makabuluhan.

Gaya ng dating sa mata ko,wala ng iba pang hihigit sayo.Sa mata mo,ako lang ang maganda sa mata mo ako ay dyosa.Sa mata ko ikaw ang pinakamabuti,masipag at maabilidad na lalaki. Sa mata mo ako ang pinakamatalino,maalaga, madaling pakisamahan at magaling magluto.

Gaya ng dating ang bawat galaw ng ating pag-iibigan ay parang agos ng tubig sa dalampasigan,na bawat pagkilos nito'y banayad at walang ibang sagabal.

Gaya ng dating ang samahan nati'y wagas,mga sikreto'y alam at di tinatagot nililihim sa labas.May tiwala tayo sa isat-isa.Na ang relasyong tumatagal at tumitibay ay  hindi lang  parang isang larong bahay-bahayan na hindi alam kung ano ang tunay na kahalagahan.

Gaya ng dating sang-ayon ang ating mga pamilya,suportado't tumutulong sila.Tinuturing akong anak ng mama't papa mo't tinuturing ka namang anak  ng mga magulang ko.

Gaya ng dating walang problema,dating puro lang saya,dating walang kumukontra pero ngayon maging ang mundo'y kalaban nating dalawa.

Ngayo'y nawalan ng oras sa isat-isa,ni-hi ni-ho?wala na.Kahit kamustahan hindi na nagawa dahil malaki na ang distansya ng bawat isa.

Malayo ka kaya't ako'y lumalapit pero bakit habang humihigpit ang aking pagkapit sa mga kamay mo ay siya namang pagkalas mo rito.

Puro kalungkutan ang nadarama,mga problema'y dumarami dumagdag ka pa.Nanlalamig ang iyong mga tinig,nanlalamig ang pakikitungo mo sakin,nanlalamig ang relasyong dating nag-iinit.

At isang araw tumakbo ka,hinabol kita pero wala na may kasama ka ng iba.Nanlumo sa nakita pero wala,wala akong nagawa.

Kaya gaya ng dati,dating mahal na mahal pa rin ng isang tulad ko  ang nilalang na tulad mo.Kung gaya lang ng dati ang nararamdaman mo.Masaya pa siguro tayo.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon