"Good morning po Papa Jose and Mama Fina! ...". Magiliw na bati ni Loisa sa kanyang lolo't lola habang binubuksan ang bintana. "...bangon na po kayo. Nakahanda na po yung agahan niyo"
"Apo ko, sabado ngayon. Bakit ang aga mo namang nagising?". Tanong ng kanyang Mama Fina. Ngumiti lang si Loisa habang nakahawak siya sa may kurtina.
"Ano ka ba mahal. Magsisigaw mamaya si Loisa natin sa palengke ng, 'bili na po kayo! Bili na po kayo ng isdang sariwang tulad niyo po ate, kuya, tatay, nanay, tita, tito, lolo at lola'. Ganun yun mahal ko". Napalungo si Loisa dahil sa kakulitan ng kanyang Papa Jose. Mukhang namana nga niya ang kadaldalan ng lolo niya.
Binatukan naman ng Mama Fina niya ang lolo niya dahil, "Ano ka ba". Sabay palo sa balikat ng lola ni Loisa sa kanyang lolo.
"Aray naku naman mahal ko? May pabatok ka pa tapos may papalo? Harudyusko"
"Kay aga-aga ang ingay-ingay mo mahal ko"
"Hay ...". Nakangiti ng todo si Loisa nang umupo siya sa higaan ng kanyang lolo't lola. "...kung buhay pa sana si nanay no? Tsak na mas magulo ang bahay"
"Magulo talaga apo ko. Ang daldal din ni Luisa pero mas masipag ka dun kesa sa kanya". Halos ibulong na ni Jose ang mas masipag ka dun kesa sa kanya na may patakip pa ng kamay sa gilid ng bibig niya.
"Narinig ko yun Jose pero totoo iyon Loisa apo ko. Masipag sana si Luisa kaso ng biglang dumating si Rico sa buhay niya'y bigla din siyang nalunod sa pagmamahal at tinablan ng katamaran". Napaisip si Loisa sa sinabi ng Mama Fina niya.
Ganun ba talaga kapag pag-ibig? Nalulunod ka? Matry ko ngang magpakalunod baka sagipin pa ako ni Joshua. Sabi niya sa isip niya pero mariin niyang pinikit ang mga mata niya dahil sa inis.
Bakit ko ba nababanggit ang pangalan ng Joshua na yun? Baka bait-baitan lang yun sa---
"Okay ka lang ba apo ko? ...". Napatingin si Loisa sa lolo niya. Umoo siyang nauutal. "...pasensya ka na apo ko kung wala kaming litrato ng tatay mo ha? Ang importante nandito lang kami para sa'yo"
"Wala po yun pa. Kung magkikita kami ay magkikita kami. Halina po kayo. Kumain na tayo"
Pagkatapos nilang mag-agahan ay lumakad na si Loisa papuntang palengke. Marami siyang nakakasalubong at ningingitian niya ito. Ang ibang mga kakilala niya naman ay naghihigh-five sa kanya.
"Pasubok nga ...". Sabi niya at sinalo niya ang bolang hinagis sa kanya ng binatang kakilala niya. "...kapag nag-shoot 'to, bigyan niyo ko ng isang-daan at kapag 'di naman nag-shoot ay bibigyan ko kayo mamaya ng dalawang bangus pag-uwi ko. Ipulutan niyo sa inuman niyo"
Nagsi-thumbs-up ang mga kalalakihan sa kanya. Ganyan lang talaga si Loisa pagdating sa mga tao. Hindi siya namimili ng kakaibiganin at kaya niyang makisalamuha. Kung naiinis man siya ay totoong naiinis talaga siya.
Nagdribol na siya at tsaka sinubukang ishoot for 3 points ang bola. Nagkibit-balikat lang siya't nagpamewang. "Ano ba 'yan mga erp? Hahahah talo ako so mamaya na ha? Bye ebri-one!"
Muli siyang naglakad pero napahinto siya nang makita niya si Ronnie. Nakayuko ito habang nakaupo sa may harap ng kotse niya.
Huminga siya ng malalim at magpapatay-malesya pero habang naglalakad na siya'y, "Loisa!"
BINABASA MO ANG
The Vocalist's Daughters (Bff5 , Bffs)
FanfictionHighest Rank: #179 in Action MEET MARIS: Lahat ng mga saloobin niyang hindi niya mailabas-labas ay binibuhos niya sa paggawa ng kanta. Matalik niyang kaibigan ang gitara niya na siyang nagbibigay musika sa bawat letra't salita ng kanyang ginawang ka...