TVD 7: Main Reason

95 5 5
                                    

Maganda ang gising ni Andrea. Bumangon siya't nagtatatalon hanggang sa tumalon siya pababa ng kanyang higaan at humarap siya sa full body mirror.

"Kaya mo 'to Andrea. Aja! Magiging okay din ang lahat. Be positive lang ...".

Nagpamewang siya sabay sabing, "...ano kaya ang itsura ng mga ate ko? Kailan ko kaya sila makikita?"

Nang bumukas ang pinto ng kwarto niya'y napalingon siya. Ningitian niya ang kanyang Kuya Ronnie. "Good morning insan"

"Magandang umaga rin Kuya Rons. Bakit kayo nandito? Ang aga pa ha?". Imbis na sagutin ni Ronnie ang tanong niya'y nagdive ang pinsan niya sa kama.

Umupo siya't pinalo ito sa braso. "Aray naman Andrea. May favor ako", sabay bangon.

"Ano po yun?"

"Samahan mo ko kina Loisa"

"Gusto mo ba talaga siya kuya? ...". Tumango si Ronnie. "...e mukhang gusto rin yun ni Kuya Joshua e"

"Kaya nga ipakilala mo na si Joshua kay Julia para tapos na ang usapan"

"Nope. May boyfriend si Ate Ju--"

"Nakita mo ba? ...". Umiling si Andrea. "...edi ipakilala mo na. Hindi ba nagpatulong si Joshua sa'yo?"

"Hindi po at kilala ko si Kuya Joshua. Alam ko kung kailan siya nagkakagusto sa isang babae at gus--". Natahimik si Andrea at nagkatinginan sila ni Ronnie nang marinig nila pareho ang boses nina Anne at Rico sa baba na nagtatalo.

"Dito ka lang insan. Hayaan mo na. Kaya ka nasstress kina tita at ti-- Andrea! Ang kulet naman eh ...". Walang nagawa si Ronnie sa pinsan niya. Sinundan niya ito nang lumabas ng kwarto. "...hoy"

Nakatingin si Andrea sa baba. Nagsisigawan ang mommy't daddy niya. "They are too immature". With a tone of disappointment.

"Ano ba Anne! Hindi ko nga babae yun! Mas paniniwalaan mo pa yung sinasabi ng mga tao sa social media lalo na ng Tricks na webpage na yun?!"

"Kung alam ko lang sana ay hindi na kita pinayagan na mag-Thanksgiving Concert sa pinagmulan mo!"

"Anak ni Luisa si Loisa ...". Nagkatinginan sina Andrea at Ronnie. Hindi nila inakala na ang pinagtatalunan nina Anne at Rico ay si Loisa. "...anak yun ng matalik kong kaibigan! Nagpasama lang ako sa kanya sa sementeryo dahil nung araw na yun ko nalaman na patay na si Luisa"

Nagcross arms si Anne. "Talaga lang ha? Bakit kayo magkayakap?"

"She comforted me. Nasaktan ako. Anne tingin mo ba hindi ako masasaktan?"

"Hindi. Nakokonsensya ka lang dahil hindi mo sila kaagad naipaglaban"

"Burn". Sabi ni Ronnie at nang samaan siya ng tingin ni Andrea ay naitikom niya ang bibig niya.

"Sa tingin mo ba, makikilala natin ang isa't-isa kung nagkatuluyan kami ni Luisa?"

"Burn ...". Natatawang sabi ni Ronnie habang nakatingin kay Andrea. "...in a good way naman si tito"

"Hon lahat may purpose kung bakit nangyari yun. Akala ko nga dati ay si Janine na pero hindi pa pala dahil madami pa akong nakilala at isa ka na dun"

"Who is Janine?". Pagtataka ni Ronnie.

"Dad's first love, first girlfriend, first heartbreak and she is the reason kung bakit maraming naging girlfriend si daddy ...". Sagot niya habang nakatingin sa mga magulang niya.

Tumingin siya kay Ronnie at, "Si Janine rin ang original member ng SummeRico. Dalawa lang kasi sila ni dad nun sa banda. We cannot say na banda talaga sila dahil only two members lang but somehow, banda na rin para kina daddy at Janine yun"

The Vocalist's Daughters (Bff5 , Bffs)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon