TVD 20: Layuan

71 4 3
                                    

"Kuya naman ...". Sabay tayo ni Khino. "...hindi mo alam ang pinagdaanan ng anak mo"

"Sigurado ka ba na anak ko talaga 'yan?". Kunot-noong tanong ni Rico sa kapatid niya.

Tumayo si Maris at pinahid ang mga luhang nasa mukha niya.

Huminga siya ng malalim at, "Hindi naman po ako magkakagusto dati kay Tito Jericho kung siya ang papa ko, 'di ba?"

"Ano ba ang pagkukulang nina nanay at Janine sa'yo ha?"

"W-wala po. Kayo lang po ang kulang"
 
"Makinig ka sa'kin, hindi ko alam dati na pinagbubuntis ka ng mama mo ...". Nanlaki ang mga mata ni Maris. Ang naikwento lang kasi ni Janine sa kanya ay umatras ang mama niya sa kasal na inalok ni Rico. "...ang tanging alam ko lang ay hiniwalayan ako ng mama mo dahil kay Jericho. Yun lang talaga ang naiisip ko nun na matinding dahilan niya"

"Pero sana pa magkaayos na po kayo ni mama"

"Paano kami magkakaayos kung wala na siya? ...". Nagsalubong ang kilay ni Rico nang ngumiti si Maris. "...hindi biro ang kamatayan ng isang tao Mariestella lalo na't mama mo pa rin siya"

"Pa hindi pa po patay si mama"

"Sinabi mo lang kanina na patay na si Janine". Pagtataka ni Khino at kahit si Yves ay nagtataka rin.

"Tito hindi po patay si mama". Nagulat silang lahat.

Natawa't naiiyak si Rico at, "Are you kidding us?"

"Kagaya ng sabi mo pa ay hindi biro ang kamatayan ng isang tao"

"Halika ...". Sabay na hinawakan niya ang pulso ng anak niya. "...gusto ko siyang makausap"

"Sir Blanco ititigil po muna ng mga tauhan namin sa baba ang paghahanap sa katawan ni Jericho. Malalim po kasing bahagi ng dagat ang tinalunan niya"

"Make sure na mahahanap ang katawan niya at kung hindi ay maaaring buhay pa siya"

"Yes po sir"

Nagring ang calltone ng phone ni Maris. Tumatawag ang lola niya.

"Hello po la?"

"Gising na ang mama mo. Hinahanap ka niya at si Jericho rin"

Napatingin si Maris kay Rico. Tipid siyang ningitian ng papa niya at, "May problema ba 'nak?"

"W-wala po pa ...". At humakbang si Maris palayo sa kanila nang kausapin ng dalawang rescuers ang papa niya. "...la?"

"Ano yun apo?"

"W-wala na po si tito. Patay na po siya"

"Hay salamat sa Diyos at namatay na ang hayop na 'yan"

"La naman. Hindi dapat pinagdidiwang ang kamatayan ng isang tao at tsaka po'y hindi pa sigurado kung patay na po talaga siya"

"Unsay?"

"Tumalon po kasi si tito sa bangin lo---"

"Ah basta. Patay na 'yan at hindi ka na niya matatakot pa. Makakahinga na tayo ng maluwag apo"

"Sana po". At huminga muna ng malalim si Maris bago niya pinatay ang kanyang phone.

"Maris ...". Napalingon siya kay Yves. Nakangiti ang binata sa kanya. "...patawarin mo ko"

"Wala na yun. Naiintindihan kita"

"Sana nga'y wala na si Tito Jericho"

"Kahit na ginahasa niya ako ay tao pa rin siya na hindi niya deserve ang kamatayan niya"

"Naku ...". Sabay na pinisil ni Yves ang tungki ng ilong ni Maris. "...ang bait-bait pa rin talaga"

"Hindi naman sa ganun"

The Vocalist's Daughters (Bff5 , Bffs)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon