"Hindi lahat ng bagay inaalam dahil kapag nalaman mo ay mapapahamak ka"
Hingal na huminto si Maris. Dumungaw siya mula sa likod ng pader. Nakatayo pa rin sina Iñigo, Jericho at Piolo sa 'di kalayuan pero biglang may tumakip ng bibig niya. Nabalutan ng kaba ang buo niyang katawan.
Pagkalingon niya ay si Tito Khino niya na masama ang tingin sa kanya. Mas lalo siyang kinabahan dahil pinakita sa kanya ng tito niya ang baril.
"Shhh tumahimik ka"
"Tito please"
"Tsk tatapusin muna natin ang graduation mo at 'wag na 'wag mong sasabihin kay Kuya Rico ang mga nalaman mo dahil papatayin rin naman kita mamaya ...". Kinuha niya ang takip sa bibig ng pamangkin niya. Humawak siya sa pader at, ".,.pagkatapos ng graduation mo ay makikipagkita ka sa'kin dito at kung hindi mo gagawin ay papatayin ko kayong lahat"
"Tito bakit? Alam kong mabait kayo"
Natawa si Khino. Tumalikod siya't nagpamewang. "Akala mo lang yun, sinabi sa'kin ni dad na si kuya ang pumatay sa tatay at nanay ko. Oo nga magkapatid kami sa nanay pero wala siyang karapatan na kitilin ang buhay nila"
"Hindi magagawa ni papa 'yan"
"Bakit nandun ka ba?"
"E ikaw po? Baby pa po kayo nun 'di ba? ...". Dahil sa inis ay hinawakan ng mahigpit ni Khino ang pisngi ni Maris. "...b-bitawan niyo po ako"
"Ewan ko nga kung bakit nagpadalos-dalos si Jericho na sabihin na sa'yo ang totoo ...". Lumingon si Khino. Nakikita niya si Rico na naglalakad. Mukhang hinahanap sila. "...ayusin mo 'yang sarili mo at nandyan na ang papa mo"
"Pa ...". Sabi ni Loisa at napatingin sa kanya ang Lolo Jose niya. "...sa tingin niyo po ba seryoso si Joshua sa'kin?"
"Bakit mo naman 'yan natanong apo ko?"
"E simula po kasi ng maging kami'y parang naging cold siya"
"Ganyan talaga ang mga kalalakiha apo ko ...". Napatingin si Maris sa Lola Fina. Kakalabas lang neto mula sa banyo. "...kapag nakuha na ang gusto ay iitsapwerahin ka na. Bakit? May nangyari na ba?". Hinwakan niya ang kamay ng apo niya ng sinabi niya ang 'nangyari'.
Nagulat si Loisa at, "Hala si mama ho! Gagraduate na nga po ako at tutulungan ko pa po kayo no"
"Wala naman palang may nangyari mahal ko sa kanila e. Ikaw talaga". Sabi ni Jose.
"E siya nga pala, bakit hindi ka sumama sa Davao? Hindi ba't tineks ka ng papa mo?". Pagtataka ni Fina. Buong linggo kasing sabik na sabik si Loisa para makilala ang isa pa niyang kapatid pero bigla na lang itong nagsabi sa kanila na may gagawin siya sa araw na ito.
"Wala naman po talaga akong gagawin. Kinausap po kasi ako ni Tita Anne"
"Nagkita na kayo?". Tanong ni Jose at tumango si Loisa.
"Sinabi niya po kasi sa'kin na baka makasagabal lang po ako sa byahe nila"
"At tsaka Loisa, tignan mo nga 'yang sarili mo. Ewan ko ba kung ano ang nagustuhan ng dalawa kong pamangkin sa'yo lalo na si Joshua. Sa totoo naman kasi ay nag-cool-off lang naman sila ni Julia"
"P-po?"
"Ay? Hindi moa lam? Or tanga ka lang? Nakwento sa'kin ni Ronnie na nakita niya si Joshua kasama si Julia. 'Wag kang tanga Loisa baka sa pagiging tanga mo ay makasagabal ka nga talaga"
BINABASA MO ANG
The Vocalist's Daughters (Bff5 , Bffs)
Hayran KurguHighest Rank: #179 in Action MEET MARIS: Lahat ng mga saloobin niyang hindi niya mailabas-labas ay binibuhos niya sa paggawa ng kanta. Matalik niyang kaibigan ang gitara niya na siyang nagbibigay musika sa bawat letra't salita ng kanyang ginawang ka...