Dahan-dahang idinilat ni Iñigo ang kanyang mga mata. Napansin kaagad ni Sofia at, "Babe! Gising na si Doms"
"Iñigo may nararamdaman ka bang masakit? Anong kailangan mo pre?". May pag-aalala sa tono ni Diego.
"S-si Maris? ...". Nagkatinginan ang magkasintahan. "...s-si papa?"
"Ahm, may pinuntahan lang si Mars Iñigo ...". Nakangiting sabi ni Sofia. "...ahm, gusto mo bang kuma--"
"Si papa?". Tanong niya ulet habang namimilipit siya sa sakit.
Napagilid ng mata si Diego. Nakikita niya sa kanyang peripheral view ang girlfriend niya. Alam na ng dalawang magkasintahan ang totoong nangyari dahil naibalita kanina sa telebisyon ang pagkamatay ni Jericho.
Hindi naman nila pwedeng sabihin sa kaibigan nila dahil wala silang karapatang makisali sa gulo ng dalawang pamilya.
"Ipress mo na ang button babe. Tawagin na natin ang nurse". Mahinang sabi ni Sofia para makalusot sa tanong ni Iñigo.
Sinunod naman ni Diego ang sinabi ng girlfriend niya at, "Nurse gising na po ang pasyente dito sa Room 123"
"Gising na raw ang pasyente sa Room 123". Sabi ng babaeng nurse sa lalaking nurse.
"Iñigo Dominic Rosales ang pangalan ng pasyente dun 'di ba? Namatay pala ang papa niya kanina". Pagsali ng matabang nurse sa usapan.
"Kawawa nga e. Nagdodroga pala ang papa niya. Sige puntahan ko na ang pasyente ko sa Room 123". Sabi ng lalaking nurse at saktong napadaan sina Maris.
Lumapit siya at, "Room 123?". Tanong ng dalaga.
"Yes. Bakit po?"
"Boyfriend ko po siya. Ano pong nangyari?". Pag-aalala niya.
"Gising na ang pasyente". Lumiwanag ang mga mata ni Mariestella. Tuwang-tuwa siya. Kaya naman ay nilingon niya ang kanyang papa ngunit abala ito sa phone neto.
"Tara po ...". Bago pa humakbang si Maris ay hinawakan na ni Rico ang braso niya. Pinigilan siya ng papa niya't nagulat siya. "...pa kailangan niya po ako"
"At kailangan tayo ng mama mo"
"Oh my gosh! Si Rico Blanco ...". At mahinang napatili ang nurse na mataba. Nilapitan niya si Rico at nakipagpicturan. "...salamat po. Ang gwapo mo po"
"You're welcome". At bago pa pagsabihan ni Rico ang anak niya ay pinigilan siya ng kapatid niya.
"Kuya hayaan mo na muna. Samahan na lang natin si Maris". Sabi ni Khino at napatingin sa kanya ang pamangkin niya. Nag-uusap ang mga mata nila. She's thanking her tito.
"Oh sige"
Habang naglalakad sila papunta sa kwarto ni Iñigo ay hindi naiwasang kabahan ni Maris. Papalapit sila ng papalapit ay lalong nadadagdagan ang kaba niya.
Nang binuksan ng lalaking nurse ang pinto ay biglang nagslowmo ang paligid para kay Maris. Nakikita niya si Iñigo na kausap sina Sofia at Diego.
Lalong natuwa ang dalaga dahil nakangiti ang kasintahan niya. Malakas na itong tignan.
Nang tumingin ang boyfriend niya sa kanya ay tumakbo siya't sinunggaban niya ito ng yakap pero, "Aray aray. Mahal ang sakit"
"Sorry sorry ...". Habang hawak ni Maris ang mukha niya. "...okay ka lang ba? May kailangan ka?"
"Okay na ako dahil nandito ang kailangan ko ...". At hinawakan ni Iñigo ang kamay niyang nakahawak pa rin sa mukha niya. "...mahal na mahal kita. Tandaan mo 'yan Mariestella"
BINABASA MO ANG
The Vocalist's Daughters (Bff5 , Bffs)
FanfictionHighest Rank: #179 in Action MEET MARIS: Lahat ng mga saloobin niyang hindi niya mailabas-labas ay binibuhos niya sa paggawa ng kanta. Matalik niyang kaibigan ang gitara niya na siyang nagbibigay musika sa bawat letra't salita ng kanyang ginawang ka...