Pagkailag ni Jericho ay nilapitan niya kaagad si Maris at hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga at, "Makinig ka sa'kin. Minahal kita nun kasi mahal kita. Kung ano man yung namagitan sa'min ng mama mo dati ay labas na yun sa pagtingin ko para sa'yo"
Ginilid ni Maris ang mga mata niya. Nakikita niya si Iñigo sa peripheral view niya.
Tumingin siyang muli kay Jericho at hindi niya naiwasang tignan ang mga labi ng ama niya sa papel.
"Ahm, umalis ka na kundi tatawag ako ng secu---". Bago pa pindutin ni Maris ang button para kausapin ang nurse ay pinigilan siya ni Jericho.
Gaya ng dati na sa tuwing magkahawak ang mga kamay nila ay bumibilis ang tibok ng puso niya pero alam niyang mali dahil parang niloloko niya si Iñigo at ayaw niya ng maulet pa ang nakaraan.
Kinuha niya ang kamay niya at tsaka siya humakbang sabay na hinawi ang kanyang buhok.
"Umalis ka na tito"
"Mahal na mahal kita"
"Mahal? ...". Sabay na hinarap niya si Jericho. "...kung mahal niyo po talaga ako pakiusap palayain niyo na po ako"
"Ayoko"
"Kayo na 'di ba ang nagsabi sa'kin na mahal niyo na si mama?"
"Pero mas mahal kita kesa sa kay Ja--"
Nagstop sign si Maris sabay sabing, "Wait. May tumatawag"
"Hello Maris?". Ang Tito Khino niya.
"Ahm, bakit Khino? ...". Napasmirk si Jericho. "...mamaya? Mamaya pa?"
"Oo. May transakyon pa si kuya. See you later pamangkin. May isang surprise rin ako"
"Sige po ...". Bumuntong-hininga si Maris pagkatapos niyang patayin ang call. Tumingin siya kay Jericho. "...umalis ka na"
"Ang galing niyong magdrama ni Khino no? Napaniwala niyo kong magkasintahan nga kayo". At nagslow clap ang ama niya sa papel.
"Umalis na kayo"
"Alam kong ngayon kayo magkikita ni Kuya Rico. Sinabi sa'kin ni Khino ...". Nagulat si Maris. Hindi niya inasahan na tatraidorin siya ng tito niya. "...akala mo kakampi mo siya? Nagkakamali ka"
"Pero hindi ako naniniwala"
"Kapag hindi mo ako pinagbigyan ay kaya ko na talagang pumatay ng tao ...". May hawak si Jericho na ballpen at nanlaki ang mga mata ni Maris nang kunin ng tito niya ang takip dahil may matalim itong bagay na nakausli. "...one time lang at titigil na ako"
"Hindi"
"Pagbigyan mo na ako Mariestella ...". Marahang lumapit ang dalaga sa kanya. She nape Jericho. "...susunod ka naman pala e"
"Pagbibigyan ko kayo kung hindi natin gagawin dito"
"Basta sundin mo lang ang gusto ko". Hinawakan ni Jericho ang kamay ni Maris. Binuksan ng ama niya sa papel ang pinto at nilingon ng dalaga si Iñigo.
Patawad Doms. Gagawin ko 'to para matapos na. Sabi niya sa isip niya.
Nang tumingin siya kay Jericho ay saktong sinuot ng ama niya sa papel ang hood.
"Sumunod ka lang ...". At mahigpit na hinawakan ni Jericho ang kamay niya. "...kapag tumakas ka at hindi ka susunod ay gagawin ko talaga ang sinabi ko Maris"
"Sumunod ka na lang kasi ...". Sabi ni Ronnie sa nakabuntot sa kanya na si Loisa. "...importante lang daw sabi ni tito"
Nagulat ang dalaga at, "Nasa bahay ba talaga namin si Tito Rico?"
BINABASA MO ANG
The Vocalist's Daughters (Bff5 , Bffs)
FanfictionHighest Rank: #179 in Action MEET MARIS: Lahat ng mga saloobin niyang hindi niya mailabas-labas ay binibuhos niya sa paggawa ng kanta. Matalik niyang kaibigan ang gitara niya na siyang nagbibigay musika sa bawat letra't salita ng kanyang ginawang ka...