TVD 4: LoiRis

107 4 2
                                    

"Sige una na ko Maris. Basta magkaibigan pa rin tayo ha?". Nakangiting sabi ni Diego at tsaka siya umalis.

Dumiretso kaagad si Maris kay Iñigo. Tumabi siya dito at marahan niyang tinulak ang balikat ng kanyang bestfriend gamit ang balikat niya sabay sabing, "Uy okay ka lang?"

"Mukha ba akong okay Mariestella?"

"May problema na naman ba?

"Wala kang thank you sa'kin. Pinakiusapan ko kasi si Diego na kausapin ka so kayo na?"

"Dili ...". Nagtaka si Iñigo. "...dili na siya magpangaluyag"

Nanlaki ang mga mata ni Maris nang hawakan ni Iñigo ang mukha niya. Napalunok siya ng matigas. Bumilis ang pintig ng puso niya.

"D-Doms?"

"May tanong ako"

"A-ano naman ang tanong mo?"

Binaba ni Iñigo ang kamay niya sabay sabing, "Hindi ka pa rin ba magtthank you sa'kin?"

Bwesit! Ugh! Akala ko pa naman ang itatanong niya sa'kin ay pwede niya ba akong ligawan. Kaasar. Sabi ni Maris sa isipan niya at nang tumingin siya sa bestfriend niya'y ngumiti siya ng mapakla.

"Dili jud ka magpathank you Stella?"

"Oh sige thank you thank you talaga ha?". Sarkastikong sabi niya.

"Oh welcome. Halika na". At hinawakan ni Iñigo ang kamay niya. Dati pa ginagawa ng bestfriend niya sa kanya ang paghawak sa kamay niya at sanay na siya dun pero dahil sa sinabi ni Diego kanina sa kanya'y may kakaiba siyang nararamdaman na parang tama nga ang manliligaw niya. Ay hindi pala, ex suitor na may something nga siya para sa bestfriend niya.

Dumiretso silang dalawa sa classroom nila. Gulat silang pareho nang tuksuhin sila't palakpakan ng mga kaklase nila.

Nagkatinginan sila't nag-iwasan ng tingin.

"Nag-iwasan nga pero magkahawak pa rin ng kamay. Uuuuuuuuuy". At dahil sa sinabi ng kaklase nilang babae na si Rexie ay kumpulan na sila ng tukso.

Binitiwan kaagad ni Maris ang kamay niya. Pumasok siya sa loob at umupo.

Tumabi sa kanya ang kaklase nilang bakla na si Ben. "So si Iñigo na ba ang nanliligaw sa'yo? Balita kasi namin nagstop na si Diego"

"Ang tsismosa mong bayot ka"

"Alam mo naman ang tsismis dinadala ng hangin". Nagtalumbaba si Maris. Ginalaw-galaw niya ang mga daliri niya.

Bakit naman ako magpapakaapekto sa sinabi ni Diego sa'kin?. Tanong niya sa isipan niya.

"Pero joke lang bayot ...". Sabi ni Ben sabay tawa. "...alam ng buong university"

"Buong university talaga?". Kunwaring nagulat si Maris.

"Buang! Dili Mars. I mean, ang university natin. Kumbaga, buong estudyante. Ganern"

She rolled her eyes. Sineryoso talaga ni Ben ang pagpapaliwanag.

"Alamsh ko Ben 10"

"Ew! Pero nanliligaw na ba siya?"

"Ben hindi nanliligaw sa'kin si Iñigo"

"Pero umaasa?". Tanong ni Rexie sa kanya habang nakacross arms at napatingin sa kanya sina Maris at Ben.

"Hindi Re--"

The Vocalist's Daughters (Bff5 , Bffs)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon