"Dominic!". Sigaw ni Maris habang hinahabol niya ang binata. "...Doms!"
Pagkahinto ni Iñigo ay napahinto rin ang dalaga.
Nang lingonin siya ng binata ay napangiti siya't tumakbo papunta sa kanya.
"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na 'wag muna tayong mag-usap"
"Kailangan natin mag-usap Doms"
"Wag muna sa nga---". Nanlaki ang mga mata ni Iñigo nang yakapin siya ng mahigpit ni Maris.
"I miss you so much"
Tinulak siya ni Iñigo at hinawakan ang mga balikat niya. "Hindi ka ba nakakaintindi?"
"Hindi"
"Unsay dili ikaw makaintsindi?!". Umiwas ng tingin si Maris at dun na siya tinignan ng malagkit ni Iñigo. Hindi na naiwasan ng binata na tignan ang kanyang leeg papunta sa kanyang pisngi't mga labi.
Napalunok ng matigas si Iñigo pero nang tuminging muli sa kanya si Maris ay, "May problema ba? Ba't ka pinagpapawisan Dominic?"
"W-wala ...". Sabay na binitawan siya ng binata. "...hindi ka ba pupunta sa school?"
"Concern ka ba?"
"Tsss tignan mo nga rin 'yang shorts mo. Sobrang iksi"
"Concern ka talaga e at tsaka nga tinawag 'tong shorts 'di ba?"
"Hindi ka ba pupunta sa school?"
"Concern ka talaga mahal e". Pang-aasar lalo ni Maris sa kanya.
"Nagtatanong lang ako. May kailangan pa tayong tapusin dun"
"Pero dito, kailangan may tapusin tayo. Tapusin na yung tampuhan natin"
"Dyan ka na nga ...". Pero hinarangan siya ni Maris. Kunot-noo niyang tinignan ang dalaga. "...hindi ka ba nakakaintindi?! Stubborn! Kaya ka napapahamak dahil dyan sa pagpupumilit mo't katigasan ng ulo mo!"
"Bakit? Mapapahamak ba ako dahil sa'yo? ...". Umiwas ng tingin si Iñigo. "...sagutin mo yung tanong ko"
"Hindi. Layuan mo na lang ako. Yun naman ang gusto ng papa mo kaya respetuhin mo naman sana"
"Pero hindi ko yun gus---"
"Layuan mo na nga ako!". Matigas na sabi ni Iñigo at tsaka niya binunggo ang balikat ni Maris. Nang matumba ang dalaga ay bakas sa mukha niya ang pag-aalala pero tinignan niya lang ito ng tumayo.
Pinagpag ni Maris ang shorts niya. "Miss lang naman kita ...". May kumirot sa puso ni Iñigo. Kailangan na kailangan niyang sanayin ang sarili niya dahil alam niya na ang paglayo kay Mariestella ang tamang gawin. "...hindi mo ba ako narinig? Namiss ko na yung dating tayo"
"Kalimutan mo na yun. Nasa kasalukuyan na tayo ngayon ...". At nagpamulsa ang binata. "...sira na tayo Maris. Alam ko naman kasi na si papa ang hinahanap mo"
"Doms naman. Pwede na ba tayong mag-ayos? Pagkatapos kasi ng graduation natin ay sasama na ako kay papa ng Maynila ...". Umiba ang mood ni Iñigo. Nagulat siya na hindi makapaniwala pero bigla niyang sineryosong muli ang mukha niya. "...we need to be okay"
"No! Pwede ka namang pumunta ng Maynila kahit hindi tayo okay. Mabubuhay ka pa naman siguro kahit hindi tayo okay. Kahit na hindi tayo okay ay tayo pa rin"
"Tayo pa ba talaga sa ganitong sitwasyon Doms? Nakakaya mo ba 'to?"
"Kinakaya"
Napamewang si Maris at inis niyang hinawi ang buhok niya at, "Ako hindi ko kaya. Mahal na mahal kita pero hindi ko kaya"
BINABASA MO ANG
The Vocalist's Daughters (Bff5 , Bffs)
FanfictionHighest Rank: #179 in Action MEET MARIS: Lahat ng mga saloobin niyang hindi niya mailabas-labas ay binibuhos niya sa paggawa ng kanta. Matalik niyang kaibigan ang gitara niya na siyang nagbibigay musika sa bawat letra't salita ng kanyang ginawang ka...