CHAPTER 7: JELLY JELLY JERICHO

4.6K 51 1
                                    

Kabog na kabog ang dibdib ko ng pumihit na ang train papasok sa horror house.

Pagkapasok palang ng train ay tanaw ko na ang makipot at madilim na daan. Ni wala akong ano mang maaninag.

Pagdating sa dulo ay nagsimula ng tumugtog ang nakakapangilabot na musika

**MUSIC PLAYS**

"ahhh ahh ayoko na!" Sigaw ng mga nasa likuran namin

"Ahhh babe! baba na lang tayooo" tili naman ng isang babae

"Baby! natatakot akoo" alam kong boses yun ni Faye

Di ko na sila nilingon. Kahit madilim ay nakikita kong nakatanaw sa mukha ko si Randell.

"Baket?" pagtatanong ko sa kanya

"Ang ganda mo kahit sa dilim"

"Achuuu!!" napalingon kaming parehas ni Randell kay Jericho na bumahing

"Magkakasakit yata ako dito eh! I hate the view!" pagrereklamo ni Jericho na nakatingin pala samin

Ibinalik namin ang tingin namin sa unahan

"Alam mo Annie matagal ka ng kini kwento sakin ni Faye, at sa mga kwento palang nya ay nagugustuhan na kita" ramdam kong hinawakan ni Randell ang kamay ko at pinisil eto ng marahan

"Wow? Ang bilis naman" turan ko na tila di pa makapaniwala ngunit kinikilig naman ng konti

"Actually eto oh?" at kinuha nya ang cellphone nya at ipinakita sakin ang laman ng gallery

"Excuse me! Are you not aware that using cellphones are strictly phobited?" sita na naman ni Jericho

"Ano bang problema ng lalaking to? Kanina pa to eh! Sarap hambalusin!" bulong saken ni Randell

Tumahimik nalang ako at di na sumagot. Di ko tuluyang nakita ang laman ng gallery ni Randell dahil itinago na nya etong muli

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga nagsisikilabutang disenyo na nadadaanan namin.

May mga taong naka costume ng tyanak, tiktik, aswang, kapre at marami pang iba na pasabit sabit sa dingding. Yung iba namay nananabunot ng mga pasahero ng train. Di ko alam baket hindi kami tinatakot. Dahil siguro, akala nila ay matapang kami dahil sa unahan kami pumwesto. Lingid sa kaalaman nilang matatakutin rin ako. Pero mas matatakutin ako pag binigla

Nakita ko sa malayo ang tiktik na may mahabang dila, lalake ito at sadya namang nakakatakot. Kulay pula pa ang mga mata neto na nakatingin saken.

Yumuko ako at nanatiling naging matapang.

Ng biglaan ba namang...

"Roaaarrr!! Grrr Raaaaagrrhh! sinabunutan ako ng tiktik watdapak

" Hey! stop it! Pagpipigil ni Randell na mahigpit ang hawak sakin

Ngunit letse! Di talaga ako pinakawalan ng tiktik. Hinahampas ko narin sya at tinutulak na sya palayo ni Randell pero di parin sya umaalis. Dagdagan pa na ang lapit lapit ng mukha nya sa mukha ko. Halos ayaw ko ng magmulat ng mata dahil sa sobrang nakakatakot nyang hitsura

"Kuyaa! parang awa mona! May sakit ako sa puso" pagmamaka awa ko, wala akong sakit pero sinabi ko nalang yun para tantanan nya ako. Pero bigo ako, hindi talaga sya umalis

"Fck! stay away!!" rinig kong boses iyon ni Jericho

"I SAID! GET YOUR HANDS OFF MY GIRL!!!"

**
Isang malakas na suntok ang umalingawngaw at doon din ay bumagsak ang tiktik na kanina lang ay nakasabit sa gilid ko

Nabigla kaming lahat sa ginawa ni Jericho. Hingal na hingal parin ako habang papalabas na ang horror train sa horror house

Niyakap akong bigla ni Randell at ipinasandal sa balikat nya, habang sapo neto ang ulo ko.

Biglaang bumalik sa isip ko ang sinabi ni Jericho kani kanina lang

"I SAID! GET YOUR HANDS OFF MY GIRL!!!"

Bakit kaya nya nasabi yon? Baket?

Nakalabas na kami ng horror train. Di parin kami nag papansinang apat. Grabe makatingin sakin si Faye. Di ko alam bakit parang may bahid ng galit, siguro ay iba ang inisip nya sa sinabi ni Jericho. Ngunit kahit ako man ay ganun rin ang inisip.

"Annie you want that?" pagbasag ni Randell sa katahimikan sabay turo sa isang game na may ngalang hit the prize. Ito ay isang laro kung saan titirahin mo ang gusto mong premyo

Pumunta kaming apat doon at sakto namang nag si alisan na ang ibang mga nagsisipaglaro lang kanina

Agad na nakaagaw sa atensyon ko ang isang panda na stuffed toy.

"Ang cute ng panda oh" giliw kong turan

"I'll get that for you!" masayang tugon ni Randell

Pinanuod ko na lamang si Randell sa paglalaro. Wala pa ngang limang bato ay nalaglag na ang panda

Agad naman etong ibinigay sa akin ng kuyang nagbabantay

"Wow ang cute!" parang bata akong niyakap yakap pa ang panda

"Give me 5 balls!" utos ni Jericho sa kuyang nagbabantay at inilabas ang isang libo.

Ng makuha ni Jericho ang mga bala ay agad nya etong ibinato, ngunit naubos lamang ang limang bola ay sawi parin sya

Nagbigay syang muli ng isanglibo. hanggang sa maka limang libo na sya e wala parin syang napapanalunan.

Diko alam bakit ayaw nyang suklian sya ni kuya eh sa 5 bolang bala' isang daang piso lang naman ang bayad.

"Magkano yang pinakamalaki?" pag tukoy nito sa isang stuffed toy na stitch

"3,000 po yan ser" sabat naman ni kuya

"Give me that!" muli ay naglabas na naman sya ng limang libo. Ng makuha na nya ang stuffed toy ay agad etong ibinigay sa akin

"Pero.. may panda na ako." pag aatubili ko naman

"Ibigay mo kay Faye oh!" dagdag ko pa

"Shes allergic with feathers, furs and like"

Ha? Allergic pala si Faye sa mabalahibong bagay? Pero baket sya nagpakahirap ng ganon para makuha lang ang stuffed toy nato?

Kahit may bitbit na ako ay tinanggap ko nalang ang ibinigay ni Jericho. Mas malaki eto kompara sa panda at mas mabigat.

Kinuha naman ni Randell sakin ang Stitch na bigay ni Jericho dahil talaga namang nahihirapan na' ko

"Dont touch it!" biglaan na naman etong inagaw sa kanya ni Jericho

"I'll hold it for you" dagdag pa neto at naglakad na

Nanibago ako sa naging akto ni Jericho. Iba e. Iba yung naging kilos nya, Ibang iba sya ngayon sa taong palagi kong kasama, Mas mainitin ang ulo nya ngayon pero may halong kakaiba. Di ko mawari kung ano' baka nga naman sensyales na talaga 'to na lalagnatin sya?

JUST F*CK BUDDIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon