CHAPTER 13: RANDOMLY

3.3K 44 0
                                    

Nasa loob kami ng ng isang room ngayon kung saan pinagdadaus ang mga meetings, seminars at gatherings sa school. Ipinatawag kase ang lahat ng mga representatives ng bawat section sa upcoming Junior Night.

Nakatingin ako sa malayo ng akbayan ako ni Randell.

"Mukhang malalim iniisip natin ha?" napatingin ako sa kanya na ngayoy ngumunguya ng bubble gum.

Kinuha ko ang kamay nya sa balikat ko at at kinuha ang isa pang bubble gum sa pocket ng uniform nya.

Nginuya ko eto. At napatingin na naman sa malayo.

Tatlong buwan na kaming hindi magkasama. Tatlong buwan ko na syang hindi nahahawakan. Kahit pa na nakikita ko sya araw araw sa school ay tila may kung anong hadlang sa pagitan namin. Pagkatapos ng nangyari sa Cafe ay di na kami nag usap pang muli, di narin sya nagtangkang kausapin pa ako. Labag man sa loob ko pero aaminin kong na mi miss ko narin sya.

**POK**

Napatingin ako kay Randell sabay ng pagputok.

"HAHAHAHA!" di ko mapigilang di matawa, nagkalat kase ang bubble gum na pinalobo nya sa bibig nya, umabot pa sa ilong.

Tawang tawa talaga ako. Inirapan naman ako ni Randell, tumalikod at kinuha yung nagsikalat na bubble gum sa mukha nya.

"HAHAHAHAHA muntanga ka takaga Del!" pambibiro ko pa sa kanya

Tumayo eto at iniluwa na ang nginunguyang bubble gum sa trash bin bago bumalik sa tabi ko.

"Muntanga ha!" kiniliti neto ako sa leeg.

"HAHAHAHAHA! Stap! Ano baa! Maiihi ako! Ayyy ehhh stap!" tili ko

Di talaga sya tumitigil. Mukhang maiihi na nga talaga ako sa sakawal neto. Kumuha ako ng lakas at naibalibag ko ang kamay nya' Di ko namalayang napalakas pala ang pagkabalibag ko dito"

"Ouch!" reklamo nya.

Napatingin naman ako sa kamay nya.

"Sorry!" pag aalala ko.

"Ikaw naman kase eh! Alam mo namang ikamamatay ko ang kiliti ko dyan' sige ka parin!" at hinampas ko pa ang kamay nya ng marahan lang naman

"Ouch!" muli netong sambit.

"Oy Oa! Hahahaha" pangtutukso ko!

"Wag ka ngang Oa! Mukha kang bakla! Hahahahah" dagdag kopa

"Sinong bakla??" napatigil ako. inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Nagkakatinginan ang mga mata namin ng bigla nyang ibaba ang tingin sa mga labi ko.

Pinakiramdaman ko ang dibdib ko baka mag ingay. Pero bigo ako. Walang akong kabog na naramdaman. Wala.

"Okay Juniors!" napalingon kaming pareho sa Prof namin sa unahan. Umayos na ng upo si Randell sa tabi ko, Wala parin syang imik. Tila nahihiya sya sa akin. Pero baket walang epekto yun sa akin? Baket?

"Our faculty members created a twist na gagawin sa Juniors Night. And that is, You will be randomly paired"

Nagkatinginan kami ni Randell. Ibig sabihin. Hindi kami ang magiging magka pares.

"Good Morning. Im sorry im late"  napatingin kaming lahat sa likuran.

"As always Mr. Oy." sagot naman ni Prof.

Jericho? Representative rin sya??

JUST F*CK BUDDIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon