CHAPTER 11: IN HIS SIDE

3.6K 46 0
                                    


Wala ako sa huwesyong nagpalakad lakad sa daan. Kanina pa ako naglalakad at di naman ako makauwi sa probinsya dahil naiwan sa condo ang pera ko. Tanging isang daang piso na lamang meron ako sa loob ng pitaka. Kinuha ko ang cellphone ko at sinuri kung sino ba ang pwede kong hingan ng tulong ng mag bigla akong matanggap na mensahe.

"Uy nakauwi kna?" mensahe galeng kay Randell

"Wala na akong uuwian." sagot ko naman sa kanya

Walang ano anoy biglang nag ring ang cellphone ko. Agad ko naman etong sinagot.

"Hello? Annie what happened?" may pag aalala ang tono nito

"Naglayas ako" madiin kong sagot

"San ka? pupuntahan kita" sinabi ko kay Randell ang exact location ko. Wala pang limang minuto ay nasa harap ko na ang sasakyan nya.

"Hey! Annie!" naka pangalumbaba ako sa tabi ng daan ng dumating sya. Nilapitan nya ako at ipinatayo

"Anong nangyari sayo?" nanatili akong tahimik

"Halika na iuuwi na kita!" hinawakan nya ang kamay ko, pero iwinaksi ko eto

"Ayoko!" madiin kong sagot.

"Ano? baka nag aalala na si Jericho!" natahimik ako sa sinabi ni Randell. Nag aalala? Wala ngang pakialam yun saken eh. Ano ba ako sa kanya? Isang hamak na puta na nagbibigay kasiyahan sa malibog nyang katawan. Yun lang naman ako eh.

"Annie!" muli nya akong itinangkang hawakan

"Ano ba! Iwan mo nalang ako dito! Kaya ko naman eh! Ayoko ng tulong! Lahat naman ng tulong may kapalit diba? Ikaw Randell! Alam ko namang kaya ganito ipinapakita mo sakin kasi siguro libog karin e nuh? Kase siguro gusto mo rin akong magalaw! Putch naman oh' ganon naba talaga kababa tingin nyo sakin!!" sigaw ko sabay pinahahampas ang dibdib nya.

Naghintay ako ng mga kasagutan galing kay Randell. Pero wala itong ano mang naisagot.

Nagulat na lamang ako ng yakapin ako ng mga bisig nya. Sobrang mahigpit ang yakap nya sakin. Ramdam ko ang init ng katawan nya. Ang pagmamahal.

"Shhh tama na" pagpapatahan nya sakin at hinaplos haplos ang buhok ko.

Di ko mawari ngunit sa yakap na yon ay nakaramdam ako ng galak, nakaramdam ako ng pang unawa. Di ko mapigilan ang sarili ko kayat niyakap ko rin sya at nagpatuloy sa paghikbi.

"S-sorry" tanging sambit ko.

Inalalayan na ako ni Randell papasok sa sasakyan nya. Isinama nya ako sa apartment na pagmamay ari din nila.

"Here, change your clothes' binigyan nya ako ng pares na damit pantulog.

" Thankyou! nakakahiya..." yumuko ako.

Kanina habang nasa sasakyan kami ay naikwento ko kay Randell ang lahat lahat. Mula sa kontrata naming maging fuck buddies ni Jericho, yung pang ba blackmail nya na may sex video raw kami na hanggang ngayon ay di ko mapatunayan kung meron nga, yung paglaspag nya di lang sa katawan ko pati narin sa puri ko. Lahat sinabi ko kay Randell. Ayokong may itinatago sa kanya. Ayokong sa huli kamuhian nya ako. Laking pasalamat ko na lamang na kahit alam na nya ang lahat ay di parin nagbago ang tingin nya sa akin.

"Just knock my door, if you need something Annie" ngumiti pa eto sakin.

Ang swerte swerte ng babaeng iibigin ni Randell. Wala kang maitatapon sa ugali nya.

"Ah sige. Maraming salamat" tugon ko naman bago sya tuluyang lumabas ng pinto.

Pasalampak akong humiga sa kama. Di ko parin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Jericho.

Ng may bigla akong maalala.

Teka lang? Paano nya nalaman ang tungkol sa nanay ko? Paano nya nalamang minsan ring naging bayarang babae si Inay? Paano?

JUST F*CK BUDDIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon