CHAPTER 30: BLOOD IS THICKER THAN WATER

1.3K 18 0
                                    

Hindi parin ako lubos na makapaniwala sa aking nakita. Mga taong bumalik mula sa nakaraan ko. Mga taong naging parte ng buhay ko noon. Mga taong naging sanhi kung baket ako nandirito ngayon sa sitwasyong eto.

Natauhan na lamang ako ng tapikin ako ni Randell sa balikat

"Annie I know you already saw him" alam kong napansin ni Randell ang pang gigilid ng mga luha sa aking mga mata

"Whatever happens' dont do anything! Dont ruin my cousins day! Dont you ever dissapoint me again!" paasik na bulong neto sa kaliwang tenga ko bago nya ako lisanin.

Nasasaktan ako dahil ganito ako kung tratuhin ni Randell. Nasaan na yung dating Randell na kilala ko? Dahil lang ba sa nagbunga ang mga kasalanan ko ay ganito na nya ako kung tratuhin? Alam kong sya ang nagtaas sakin mula sa pagkakalugmok' pero sa ginagawa nya sa akin ngayon ay mas lalo na naman nya ata akong ibinababa.

Ano ba talaga ang ikinagagalit nya sa akin? Ano ba talaga?

Pagsapit ng gabi ay nagkaroon ng tila party sa napakalawak na swimming pool ng mga Montefalco.

Masaya ang lahat, pero alam kong iba ang nararamdaman ko. Mga matang nakatutuk sa akin na tila nag tatanong kung ano ba talaga ang ginagawa ko doon? Ano ba talaga ako ni Randell Montelfalco? Sino ba talaga ako sa buhay nya?

Nakaupo ako sa isang bench at nasa harapan ko ang tequila. Kailangan ko rin naman sigurong kalimutan ang lahat kahit minsan lang. Tulog na naman si Jiro sa guestroom at nakabantay sa kanya doon ang mayordoma ng mga Montefalco na tanging nakagaanan ko lamang ng loob ng araw na yun.

Hindi na ako magsuot pa ng kung anong mga damit na seksi. Nagsuot lamang ako ng simpleng puting sando at cotton short. Karamihan sa mga bisita ng pamilya Montefalco ay ang mga kaklase ni Faye ng ito ay mag college sa Canada. Tiningnan ko sila habang nagtatampisaw sa tubig. Ang saya nila. Ang gaganda. Lalo na si Faye, kaya siguro sya ang pinili. Kase walang wala ako laban sa kanya.

Nasa isang sulok rin ng pool si Randell, kasama ang mga pinsan nyang lalaki at tila may mga pinag ku kwentuhan.

"Mind if i share seat with you?" napa taas ako ng tingin ng makita sya.

"Ha? ah ehh okay." maikli at paputol putol kong tugon

Naramdaman ko naman ang pag upo nya sa tabi ko.

"Uhmmm Annie, ilang taon na nga pala si Jiro?" pagbasak neto sa katahimikan at kinabahan na naman ako

"Ah ehh. Ahh eh uhmmm apat na taong gulang na yun" pagsagot ko naman sa kanya

"Alam mo annie, ng makita ko si Jiro kanina. Iniisip ko na sana...

... anak ko nalang sya" biglaan naman akong natigilan sa kanyang tinuran

Talaga bang sinabi nya yun? Na gustong maging anak si Jiro?

Hindi ko na napiligan pa aking sarili. "Nararamdaman din kaya nya ang koneksyon nga kay Jiro?" at tuluyan na nga akong napaluha.

"Jericho. kung alam mo lang... Kung alam mo lang sana talagaa"

JUST F*CK BUDDIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon