CHAPTER 31: SUFFERINGS

1.4K 21 1
                                    


Nginitian ko sya ng pilit.

"Ano ka ba Jericho, malapit na kayong magpakasal ni Faye at alam kong magka ka anak rin kayo. Huwag kang mag alala. magkakaroon karin ng iyo" malumanay kong turan bago lumagok ng tequila

Nakita ko sa mga mata nya ang tila hindi pag sang ayon. Pero tumango eto bilang sagot sa akin.

Halos tatlong minuto kaming kinain ng katahimikan.
Kayat bago pa kami tuluyang ma pipi ay ako na ang nagbukas ng topiko.

"Uhmmm Kumusta kana?" yun lang ang tanging nasambit ko bago lumagok ulet ng tequila

Tiningnan nya ako na tila puno ng kalungkutan. Dahil doon ay napatingin din ako sa kanya ng diretso. Tinitigan ko ang buong mukha nya. Mula sa buhok, sa mata, sa ilong, sa bibig lahat ng yun tinitigan kong mabuti. Ang tagal na rin bago ko sya huling nakausap, bago ko sya huling nasilayan. Kusang gumalaw ang mga kamay ko at ipinatong ko eto sa kamay nya na noon ay nasa mesa lamang nakapatong. Hindi ko mawari kung dahil ba eto sa iniinom ko at nag uumpisa na yata akong mawalan ng hiya.

Ang tanging nararamdaman ko lang ng mga panahong iyon ay pananabik. Pananabik na makasama syang muli.

Ngunit may kung anong umusig sa akin na hindi yata kayang labanan ng kahit anong inumin. Ang aking konsensya.

Agad ko namang inalis ang kamay ko mula sa pagkakalapat nito sa mga kamay nya at yumuko

"Sorry." bulong ko sapat lang para marinig naming dalawa

Nakita ko ang pagtango nya. Wala parin talaga syang reaksyon. Hindi mo talaga mawari kung ano ba talaga ang iniisip nya

Inayos ko ang buhok ko at ipinusod eto pataas dahil nakakaramdam na ako ng init.

Nakatingin parin sa akin si Jericho at nakita ko ang paglagok nya habang nakatingin sa akin.


"You're still beautiful" maikli pero may diin nyang turan.

Nag panting ang mga tenga ko sa aking narinig. Ano? Talaga bang sinabihan nya akong 'Maganda parin ako?' kahit na ganito na ang Annie na nasa harapan nya? Tila ikinabata ko ng limang taon ang aking narinig mula sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ayoko mang aminin pero kinilig ako sa mga sinabi nya.

"Babe! Kanina pa kita hinahanap." nagising na lamang ako sa pag papantasya ng mga nakaraan naming dalawa ng marinig ko ang boses ni Faye na papunta sa kinaroroonan namin ni Jericho.

Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Faye, at kasabay nun ay ang pag irap. Kani kanina lamang ay buong galak pa nya akong tinanggap sa bahay nato pero ngayon ay tila ayaw na nya yata akong nakikita.

Lumapit sya kay Jericho at hindi ko inaasahan ang biglaan nyang pag kandong sa mga hita ni Jericho na agad namang ikinagulat neto.

Hindi ko kayang titigan sila, kayat inubos ko ng lagukin ang huling patak ng tequila bago tumayo

"And where are you goin?" Biglaang tanong ni Faye.

"Cmon annie, sit! we havent talked yet. We have many things to discuss." Dagdag pa neto wala naman akong nagawa. Bumalik ako sa pag kaka upo na hindi parin nakatingin sa kanila.

Naaasiwa ako. Ayoko silang titigan. Hindi ko kakayanin

"Tumayo ka nga! Ang bigat mo, we're not teens anymore. Act like your age!" inis na sambit ni Jericho kasabay nun ay ang pag tulak nya kay Faye paalis sa kandungan nya.

May kung anong demonyo yata ang sumanib sa akin at napangiti ako sa aking mga narinig. Rinig ko rin ang pag bulong ni Faye ng "Whatever!" bago eto kumuha ng isa pang silya at ipinuwesto eto sa tabi ni Jericho. Nakita ko ang pagyakap nya sa mga bisig ni Jericho. Hindi ko nga alam bakit ba sa tuwing may gagawin si Faye ay may kung anong kirot akong nararamdaman.

Nagbalik na lamang ako sa huwesyo ng may taong naglagay ng upuan sa tabi ko.

Napayuko ako ng makita sya. Si Randell. Titig na titig sya sa akin. Na para bang ilang segundo lamang ay kaya na naman nya akong saktan.

"Nandito pala kayo!" at nginitian nya ng sarkastiko sina Faye at Jericho.

Alam kong peke ang ngiting yun. Dahil yun ang klase ng ngiti na ipinapakita nya sa ibang tao kapag kasama nya ako.

Naramdaman ko na lamang ang pag dantay ng mga palad ni Randell sa binti ko. At alam kong napansin iyon ni Jericho.

Agad ko namang iniwaksi ang kamay ni Randell pero sa ikalawang pagkakataon ay muli nyang idinantay ang mga palad nya at sa pagkakataong eto ay nasa hita ko na ang kanyang kanang kamay. Alam kong sa oras na alisin kong muli ang kamay nya ay talagang magagalit na eto.

Tinitigan ko si Randell, nakatitig lamang sya kina Jericho pero gumagalaw naman ang kamay nya sa pagitan ng mga hita ko at pilit na ipinapasok eto sa loob ng short ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Jericho habang nakatingin eto sa amin ni Randell. Alam kong alam nya ang ginagawa ng mga malilikot na kamay ni Randell.

Kakaiba ang naging tingin sa amin ni Jericho. May kung anong galit sa mga mata nya

Ayokong nakikita ako ni Jericho sa ganitong eksena. At ayoko rin na ginaganito ako ni Randell sa harapan ni Jericho. dagdag pa na napakaraming tao sa paligid.

Muli ay iwinaksi ko ang kamay ni Randell. At tumayo na upang lumayo. Mabilis akong naglakad kahit pa na medyo umiikot na ang paningin ko.

Alam kong nakasunod sya sa akin. At alam kong galit na galit na naman sya. Heto na naman sya sa pag dedeliryo.

Naramdaman ko na lamang ang malakas na paghatak nya sa buhok ko ng makapasok na ako sa isa pang guest room.

"You slut!!" sigaw nya kasabay nun ay ang pagsuntok nya sa ibabang bahagi ng tyan ko na ikinawala ko ng ulirat

JUST F*CK BUDDIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon