CHAPTER 9: TEAM UP

4.2K 44 0
                                    


Naglalakad ako papuntang Classroom ng makasalubong ko ang isang pamilyar na mukha

"Annnie!" ngiting bati neto saken

"Uy Randell!" tugon ko naman na nasiyahan ng makita sya

"Same university pala tayo?"

"Ah talaga? nag shift ka ng course?" pagtatanong ko naman

"Ou eh. mahirap kase sa Med school at accredited naman ibang subjects ko dito, and ofcourse andito crush ko"

"Waw talaga? Iba karin ah firstday mo palang may crush kana" at ngumisi lang eto sa tinuran ko

"San ba classroom mo?" pagtatanong ko sa kanya

"You know wheres EH 301 building?" Nagulat ako sa naging tanong ni Randell

"Waw dun room mo? Magkaklase tayo!" masigla kong turan

"Whooah! Great! May makakausap ako" at sabay na kaming pumunta ng 301 building. Kaharap lang ng room namin ang classroom ni Jericho

Bago paman kami pumasok ng room namin ni Randell at napatingin ako sa kabilang kwarto. At doon ay nakita ko si Jericho na nakapasak ang earphone sa dalawang tenga nasa isang sulok at nakataas ang paa sa mesa. Grabe yung hitsura nya para syang Mayor!

Di ko tuloy maiwasang isipin ang mga nangyari kagabi, ang mga sinabi nya na talaga namang tumatak sa isipan ko.

"Sheeet kyaaah! sino sya!!!?" tilian ng mga kaklase ko

"Omo ang gwapo!!!! Ahhhh new student ba dito?" dagdag ni Althea yung kaklase kong may bangs

Agad naman kaming sinalubong nina Aubrey, Melodie at Mary.

"Oy pakilala mo naman kami. Bf mo?" intrigirang taning ni Mary

"Ay hindi! pagtatanggi ko naman.

" Di naman pala eh! pakilala mo naman ako' Hi po koya!" pangisi ngising turan ni Melodie

Ngumiti naman si Randell sa kanila ng simple

"Pwede pa selfie? Ehhhh!" hiling naman ni Aubrey

"Oy masyado kayong agresibo ha?" sigaw ni Althea na mula sa loob ng classroom ay lumabas eto dala ang cellphone

"Koyaaaa! Groupieee!" itinaas ni Althea ang phone nya at si pwestuhan narin sina Melodie, Mary at Aubrey sa tabi ni Randell.

Binigyan ko ng espasyo ang mga kaklase kong tila hihimatayin sa pagsinghap kay Randell.

Nagulat ako ng matamong nakasandal sa labas ng pinto ng kabilang room si Jericho, nakakunot ang noo at nakatingin samin.

Siguro ay galit na naman eto, dahil may bago ng makakakuha ng korona nyang prinsipe ng kapogian.

"Uy kami naman!" biglaan nalang akong hinatak ni Randell at inakbayan

**CLICK** tunog ng pag capture. ,.

"Gosh!! sobrang bagay kayoo!" tili na naman ni Althea

Biglaan ba naman akong hinatak ni Randell eh, hayss' napatingin na naman ako kay Jericho na nasa harapan lang namin. Ng makita nyang napatingin ako sa kanya ay tinitigan nya ako ng masama at tumalikod sabay isinara ang pinto ng marahas. Anyare ba don? Nireregla na naman yata eh

Pumasok na kami ng classroom, at dahil start of second semester na' nagsipakilala kaming lahat dahil may mga bago kaming mga naging kaklase.

Dumating rin kami sa botohan, Election of officers. Na elect ako bilang secretary at na elect naman si Randell bilang Auditor. Napunta na botohan sa muse and escort dahil ang mga kinatawan dito ang mag pi presenta sa section namin sa upcoming activities for Juniors.

"I nominate Annie Dimagiba for the position of muse!" Nagulat ako sa nominasyon na yon

Pa iling iling pa ako dahil ayokong magkaroon ng responsibilidad.

"I second the motion" dagdag naman ni Melodie

"I close the nomination" Wat? kahit sa Randell tumulong hayy. sana lang wag nila akong botohin

"Now, whos in favor of Annie Dimagiba? pls raise your hands"

"Nagulat ako, lahat ng kaklase ko nagsitaasan ng mga kamay. Wala ng kawala to. Dyoskoday!

Wala akong nagawa kundi isulat ang sarili kong pangalan sa whiteboard. Secretary na nga muse pa. tss

Nagbotohan narin kami para sa escort

At dahil iba ang kakisigan nya, at nahulaming yata sa cute nyang ngiti ang mga kaklase ko eh sya ang naging escort ko. Wala ng iba pa kundi si Randell

" Now Ms. Annie and Mr. Randell, you will be presenting this section for the upcoming Junior Night. You will be competing against the other sections. Do your best and bring home the bacon"

Patay! Ano ba naman tong nasalihan ko? Stressed na nga ako kay Jericho dadagdagan pa netong Junior Night nato! Hayyyy

JUST F*CK BUDDIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon