CHAPTER 15: SING A SONG

3.2K 35 3
                                    


Mula ng maging mag partner kami ni Jericho madalas na kaming magkasama. Di ko alam pero para bang nagiging mabait na sya sa akin.

Di ko ininda ang mga ipinapakita nyang kabaitan. Alam ko namang pakana lang nya yun para pilitin akong bumalik sa condo nya. At alam kong pag bumalik ako doon' magiging sunod sunuran na naman ako sa mga gusto nya.

Ayoko ng maging parausan. Ngayon pa at may napagkikitaan na ako. Itutuloy ko na ang pagbabago, Hindi na ako babalik sa dating ako.

Napapitlag ako ng may tumabi sa akin sa damuhan.

Andito na naman sya! Inis kong turan.

Naka upo ako ngayon sa field ng school. Wala lang feel ko lang mag liwaliw dito.

"Ano bang ginagawa mo!" sita ko sa kanya ng alisin nya ang earphone sa tenga ko. Bago ko pa man mahablot sa kanya ang earphone ko ay ipinasak na nya eto sa tenga nya.

Shit! napa mura nalang ako.

"Lunes ng tayoy magkakilalaaaa.." nagsimula na syang kumanta

"Martes ng tayoy muling magkitaaaa ahh ahh" bweset talaga!

"Akin na nga yan!" sinubukan kong hablutin sa kanya, pero hinawakan nya ang kamay ko.

"Miyerkukes! nagtapat ka ng yong pag-ibig..."

Naiinis na talaga ako! Binababoy nya ang paborito kong kanta! Bwesit ka Jericho! Bwesit!!

Nakalimutan kong nasa akin parin para ang cellphone. Kayat pinatay ko eto at ngumisi. Hmm kala mo ha!

"Why did you do that?" seryoso ang mukha nyang nakatingin sakin.

"Sus! Wag mokong ma English English dito ah! kutusan kita dyan eh!" at inirapan ko sya. Nakita ko namang napangiti pa sya sa sinabi ko. Nambi bwesit talaga oh!

Kinuha nya ang cellphone nya at tinipa tipa. sabay labas ng sarili nyang earphone sa pocket ng uniform nya at ipinasak narin eto sa tenga nya.

"Di kami na tu turn on sa kutis mong kulay champoradoooo" nagsimula na syang kumanta. Hindi pamilyar ang kanta sa akin pero iba yung naging tingin nya sa akin, lalo na sa balat ko.

"Di kami naaakit sa labi mong garabutsoooo" Abat napatingin na naman sya sa labi ko! Nananadya ba ang hinayupak nato!?

"Woohh nakakabadtrip ka, nakakairita pag ikay nakikita! Lahat kami ay nandidiri sa iyo! Ikaskas mo na lamang ang mukha mo sa sementooooo woohhhh woh wohhh" mas naging malakas ang pagkanta nya! Ang panget panget ng boses langhiya!!

"Siguro nga ay may mga mas panget pa sayo! pero atleast hindi sila nagpapa cute katulad moooo" puta sarap tadyakan. Ako yata talaga pinatatamaan ng gagong to eh!

"TUMAHIMIK KA NGA! ANG PANGET PANGET PANGET PANGET NG BOSES MO!!" Sigaw ko sa kanya, di ko na mapigilang hindi magsalita. Nakaka pang init ng ulo yung lyrics ng kinakanta nya pati narin yung boses nyang parang adik!

Tumahimik naman eto. At napa nguso pa, na para bang nasaktan sya sa mga sinabi ko. Inalis nya ang earphone nya at inilagay sa bag nya pati narin ang cellphone nya. Nangalumbaba eto at itinuon ang tingin sa malayo.

"Hoy! hahahaha! anyari sayo?" hinampas ko sya sa balikat. pero wala parin syang imik.

Di ko mapigilan ang sarili kong tingnan sya. Naka side view ang angle nya ngayon sa paningin ko. Matangos na ilong. Mahabang mga pilik mata, at mapulang labi. Nakaramdam ako ng uhaw kayat dinilaan ko ang pang ibabang labi ko.

What the fuck! Ano ba tong ginagawa ko? Pagkatapos kong maisip na ang pagdila sa labi ay isang aksyon na nagpapahiwatig ng pagnanasa.

Itinuon ko narin ang tingin sa unahan. At nag umpisang kumanta.

"Alam ko, sa akin ay nagtatampo ka. baby kooo. kitang kita sayong mga mata, ang lungkot at ang inis.. nami miss ko na ang Iloveyou mooo.." napatingin sa akin si Jericho, nakita ko sa peripheral vision.

Ipinagpatuloy ko ang pagkanta.

"Tingnan mo.. di bagay pag nakasimangot ka, baby ko... para sa akin ngumiti kana. Alam ko na mali akoo.. na mi miss ko na ang i love you mo.." napatigil ako ng biglang ipatong ni Jericho ang kamay nya sa kamay ko na nakapatong rin sa damuhan.

Napatingin ako sa kanya.

Nakatingin rin sya sakin.

Nagkatinginan kami.

**DUG DUG DUG DUG**

Ayan na naman! Nawala na naman ako sa huwesyo. Di ko na matandaan ang susunod na lyrics ng kanta. Nanatili akong tahimik. Muli ay tinitigan ko ang mukha ni Jericho. Ang amo rin pala ng mukha nya kapag walang bahid ng galit. Napaka inosente ng mukha neto, na animoy tila anghel na bumaba sa lupa.

Ngayon ko lang sya natingnan ng ganito katagal at kalapit. Sinuri ko ang bawat parte ng mukha nya. Faded na buhok, makapal na mga kilay, brown eyes, mahabang pilik mata, matangos na ilong, at red lips.. Ang gwapo nya. Ang gwapo nya talaga..

"Sorry na baby ko... Wag ka ng magtampo ano mang nagawa ko sanay patawarin mo. Sorry na baby ko wag kanang magtampo..." Napatigil ako ng dugtungan nya ang kinakanta ko kani kanina lang.

"Ohh mahal kita... Nami miss ko na ang I love you mo... Sorry baby ko... Sorry na baby koo ohh" at tinapunan nya ako ng isang inosenteng ngiti na talaga namang nagpatigil sa mundo ko.

Bago paman ako madala sa kung ano mang panghalina ng lalakeng eto ay naisipan ko ng bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak nya.

"PANGET TALAGA NG BOSES MO!" Sigaw ko naman na ibinabalik ang sarili ko sa realidad.

Tumakbo na naman ako habang naka hawak sa tapat ng puso ko. Muntik nako dun ah! Muntikan na talaga..

JUST F*CK BUDDIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon