CHAPTER 28: NOT JUST A TWIST

1.2K 18 2
                                    

* FIVE YEARS AFTER *

"I've told you do not leave your toys here! Anieeeeeeeee!!! get this child out of my room noooow!"

Agad agad naman akong humambalos patakbo sa silid nya.

"Mommy huhuhu"... nakita ko syang umiiyak at tila takot na takot

Agad ko etong binuhat at hinile hile

"Bat mo naman kasi sinisigawan? kita mo namang na to trauma yung bata" galit ko ring asik

"I dont fckin care! get that filthy kid out of this room now! or ill kick the both of you out of this house!" sigaw neto at dinuru duro pa ako

Umaagos ang mga luha ko ng lumabas ako sa kwartong yun.

Hindi ko lubos maisip bakit eto nangyayari sa akin. sa amin.

Tinitigan ko sya habang umiiiyak. Nangingilid ang mga luha habang hawak hawak nya ang isang stitch stuffed toy.

"Tahan na anak, ayaw kang nakikita ni stitchy na umiiyak, ayaw nyang nalulungkot ka. tahan ka na anak.." umiiyak parin ako habang kausap sya

"Mommy baket po ganon si pads? Lagi nalang syang galit sa akin. Wala naman akong na bad na ginagawa po mommy" kitang kita ko sa mga mata nya ang kalungkutan

"Hayaan mo na anak, alam mo naman diba? may sakit ang pads mo, kaya ayaw nya ng makulit kaya kailangan nyang magpahinga" pinunasan ko ang mga luha nya

"Eh mommy. wla naman akong bad na ginawa eh. sabi ko sa kanya laro lang kami eh, pero nagalit sya eh" at muli na naman etong umiyak

"Shhhh honey tahan na, tayo nalang mag play okay? 'kunin mo na toys mo maglalaro tayo" pagka sabi ko nun ay agad namang ngumiti ang anak ko

Limang taon narin ang lumipas, limang taon narin bago ko nilisan ang buhay ko noon. Bago ko kinalimutan ang lahat, at hanggang ngayon nagsisisi parin ako bakit ako sumama sa kanya. Sa lalaking hindi ko inaasahang magiging ganito ang turing sa akin. Sa lalaking naging karamay ko noon sa lahat, Sa lalaking naging matalik kong kaibigan.

Walang iba kundi si Randell. Ang minsan kong pinagkatiwalaan, ang minsan kong naging kaibigan.

Mula ng mangyari ang gabing iyon sa bar ay hindi ko na muli pang nakita si Jericho. Nalaman ko na rin kung sino yung lalaking nambastos sa akin sa bar at inakalang isa akong pokpok, buti na nga lamang at hindi neto ako tuluyang nagalaw. Sya'y isang matandang sugalero sa casino na nooy nagliliwaliw sa pag inom at pamba babae. Ang hindi ko lamang alam hanggang ngayon eh kung sino ang nambugbug sa kanya dahil kaumagahan nooy ay natagpuan na lamang ang mamang yun na durog ang nguso. Siguro ay pinatira narin ng mga kalaban nya sa casino.

Kinalimutan ko na lahat, dati kong buhay, dati kong trabaho at sumama na kay Randell. Ou at kapwa pa kami mga nasa early 20's pero sumama ako sa kanya sa pangako nyang pananagutan nya ako.

Noong una ay naging maayos ang pagsasama namin. Inalagaan nya ako at prinotektahan. Pero lahat ng kabutihan nya sa akin ay naglaho ng maisilang ko na si Jiro. Gabi gabi nalang laging naglalasing si Randell, dahil hindi ko na maibigay ang mga gusto nya dahil nga sa abala na ako sa pag aalaga sa anak ko. Kung minsan din ay nakikita ko syang may iniuuwing babae sa bahay namin na ka meeting lang daw. Hindi ko mahal si Randell pero nasasaktan ako sa sitwasyong eto. Para bang tila isa na lamang akong laruan na pinagsawaan. Dadamputin lamang kun kailan gusto at itatapon naman kapag ayaw na. Naaawa ako sa sarili ko pero mas higit na naaawa ako para sa anak ko.

Hanggang ngayon ay lingid parin sa kaalaman ng lahat ang katotohanan. Matagal na akong walang balita sa kanila. Ang huling balita ko na lamang ay nag pa plano na silang magpakasal. Oo, sila naman dati noon eh, at hanggang sa dulo ng istorya sila parin. Walang ako naging sa buhay ni Jericho. Walang ako.

JUST F*CK BUDDIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon