CHAPTER 29: THE COMEBACK

1.3K 18 0
                                    

"Magbihis ka!" utos neto sa akin at tinapon sa harap ko ang isang white dress

"B-baket? Anong meron?" pagkunot ko ng noo

"Just change your clothes!" mariing sagit naman neto

Kinuha ko na ang puting dress na ibinigay sa akin ni Randell. Eto ay isang white beaded dress na hanggang tuhod. Nakita kong mamahalin eto dahil narin sa pricetag na nakadikit pa. Nanibago ako kay Randell baket kaya mukhang nag iba ang trato neto sa akin? Ano ba'ng meron?

Pagkatapos kong masuot ang dress na dala nya ay sinabihan nya akong mag apply daw ng make up. Ayoko nang magtanong kung kayat sinunod ko na lamang ang kanyang kagustuhan.

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng isang full sized mirror habang tinititigan ang sarili ko. Ibang iba na ako kompara noon. Losyang, tuyo at kulubot. Bente kwatro lamang ako pero mukha na akong trenta. Ano bang nangyari sa loob ng limang taon at naging ganito ako?

Bigla ko na namang naalala ang lahat. Ang gabi gabi kong pag iyak, mula ng ipagbuntis ko si Jiro hanggang sa ngayon. Madalas parin akong umiyak pero syempre patago sa lahat. Ayokong kwestyunin nila ako. Ayokong magpaliwanag ng nararamdaman ko. Dahil wala namang makikinig. Wala namang may pakialam sa akin.

Kinuha ko ang make up kit na kabibili lang ni Randell.

Naglagay ako ng foundation para naman kahit papaano ay matakpan na ang mga kulobot ko lalo na sa noo.

Naglagay din ako ng kilay, konteng blush on, at lipstick. Yun lamang ang alam ko sa pag me make up kaya't yun lamang ang aking mga ginamit. Inilugay ko na lamang ang aking buhok.

Ang buong akala ko ay, lalabas kami ni Randell kasama si Jiro bilang isang pamilya. Family date kumbaga. Pero mali ako.

Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong natanaw ang isang malaking bahay.

Maraming sasakyan ang naka parke sa garahe neto, at maraming tao rin ang naroon sa loob.

Nakita ko ang pagkarga ni Randell kay Jiro na agad namang ikinasaya ng puso ko. Naluha ako dahil ngayon lamang nya eto kinarga mag mula ng ilabas ko sa aking sinapupunan ang aking anak. Masyadong akong nilamon ng galak kung kaya't napahawak na lamang ako sa kabilang bisig ni Randell. Mabuti na lamang at hindi nya eto iwinaksi.

Pumasok na kami ng bahay. Napakalaki nun, Napakarangya. Kitang kita ang kakinisan ng mga kagamitan. Mula chandelier hanggang sa mga mamahaling kasangkapan

"Couuuuussss!" isang babae ang biglang yumakap kay Randell. Isang babaeng napaka pamilyar

"Woahh its good to see you again Faye, btw Congratulations" rinig kong turan ni Randell bago neto ibaba si Jiro at bumeso kay Faye.

Oo, hindi nga ako nagkakamali. Si Faye nga. At nagbalik na sya

"Annieee! I missed you!" bigla na lamang netong binasag ang iniisip ko ng bumeso rin eto sa akin. Wala na akong magawa kundi suklin sya ng ngiti.

Ibang iba na si Faye ngayon. Mas lalo syang gumanda, mukhang ni hindi nya kilala ang stress at puyat. Mas naging balingkinitan ang katawan nya na talaga namang nakapag dagdag ng kumpyansa nya sa sarili.

Nakita ko ang pagbuhat nya kay Jiro. Nakita ko kung gaano sya ka giliw na giliw sa anak ko.

Masaya akong nakikitang masaya si Jiro sa mga bago nyang nakikilala. Alam kong naghahanap rin ng kalinga at atensyon ang anak ko galing sa ibang tao.

Kaya pala kami pumunta dito, dahil sa biglaang sa pag uwi ni Faye. Mabuti narin eto kompara na doon lang kami naka permi ni Randell sa bahay at ang laging ganap ay nagpapa alila ako sa kanya.

Matapos kaming kumain ay Hinayaan ko muna si Randell kasama si Faye at ang iba pa nilang mga pinsan. Ng biglaan ko na lamang naalala na kasama ko nga pala si Jiro. Oo. Nalingat ako at hindi ko sya nabantayan. Bigla akong nilamon ng kaba. 

Agad kong nilibot ang buong bahay, kabang kaba na ang dibdib ko. Hindi ko ipinaalam sa ibang tao na naghahanap ako dahil baka mag panic sila at masira ko pa ang celebrasyon, gayunmay alam ko namang nasa kung saang sulok lang ang anak ko at sigurado namang hindi 'yun nakalabas dahil sarado ang main gate.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating sa ako bandang likod ng bahay kung saan naroon ang maliit na garden at fishpond. Mayroon ring duyan doon. Biglaan ko na namang naalala ang mga lugar sa paaralan namin noon na madalas naming pagtaguan ni Jericho na kawangis din ng mga nakikita ko ngayon.

Binawi ko naman agad ang mga ngiti sa labi ko at nag umpisa na namang bumalik ang kaba

"Jiroo! Anak?" napatigil ako ng makita si Jiro na akay akay ng isang lalake.

"Mommyyy" agad namang itinaas ni Jiro ang mga kamay nya na wari bang gusto nang magpa buhat sa akin.

Agad naman akong lumapit sa ma'ma at kinuha na si Jiro sa kanya

"San kaba galing anak? wag ka ngang alis ng alis, natatakot si mommy" agad kong hinalikan sa pisngi si jiro

"Hanap ako kase butterfly mmy... tas sinundan ko dito" napangiti na lamang ako sa tinuran nya

"Ahmm ah sir salamat ha? kase nahanap mo yung anak ko" turan ko sa lalaking kaharap ko na nooy nakasuot ng salamin na tinted. Naka against the light din sya mula sa akin kung kayat hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha

"Kmusta? na miss kita" at tinggal na neto ang suot nyang glasses

"I-ikaw?" laking gulat ko ng makita sya. Hindi ko eto inaasahan. Hindi ko inaasahang magkikita pa kming muli. Kahit pa nasisilaw ako sa liwanag ng araw ay alam ko kung sino ang aking naging kaharap.

Tama kayo. Wala na ngang iba. Si Jericho.

JUST F*CK BUDDIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon