CHAPTER 27: POSITIVE

1.3K 19 1
                                    

"Ate kamusta kana?"

Hindi ko pa medyo maigalaw ang mga paa, nangangalay parin pati ang mga kamay ko.

Napatingin ako mukha nya, bago makapagsalita.

"Bakit ako nandito? pagtataka kong tanong.

" Si--sinong nag uwi sakin?" hindi ko na matandaan ang mga nangyari, ang tanging naaalala ko lang ay ang pang gagago sa akin ni Jericho.

Muli ay nakaramdam na naman ako ng galit.

"Dinala ka dito ng isang lalake habang wala kang malay, pero umalis agad sya di man lang kami nakapagpa salamat. Nagtaka naman ako, sinong lalake? Doon mismo ay naalala ko ang lalakeng nambastos sa akin. Maaring sya nga. Pero paano nya nalaman ang bahay namin?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may nagbago ba' ngunit ang naramdaman ko lang ay tanging sakit ng katawan. " Uhmm Yna, nauuhaw ako..." mahinang saad ko habang namimilipit Agad naman etong tumayo at kinuha ang pitsel saka nagsalin sa baso ng tubig at ibinigay eto sa akin.

"Ate, halos isang araw kana pong tulog... sobrang pinag alala mo kami, ano ba talagang nangyari sayo?" pagtatanong neto.

Isang araw na pala akong tulog? Kaya pala talagang kumakalam narin ang sikmura ko gayunpaman ay pinili kong umiling, wala pa akong ganang bumangon.

"Yna, namumukhaan mo ba ang nagdala sakin dito?"

"Hindi po ate eh. di ko nga natanong ang pangalan" pagpapaliwanag neto Napa isip ako. Pero wala talaga akong maisip.

"Ate ano ba talagang nag yari?" muli ay inusisa na naman nya ako Hindi ko masagot ang tanong ni Yna.

Napakaraming nangyari sakin. At hindi ko alam kung saan magsisimula o magtatapos.

"Sige ate, wag mo ng isipin masyado" biglang bawi neto. Nanahimik nalang ako.

"Araaay aww" daing ko ng makaramdam ng sakit sa tyan. Sobrang sakit ang naramdaman ko, Doon rin at naramdaman ko ang pag ikot na naman ng mundo ko, ang huling narinig ko nalang ay ang pagsigaw ni Yna ng

"Inay tulongan mo kami" Bumalik na naman ang ulirat ko ng maramdaman ko ang haplos ni nanay sa noo ko.

"Anak?" bati neto sa akin, hindi ko mawari pero parang kakagaling lang ni Inay sa pag iyak, kasama nya si Yna at maging si Yna ay namumula narin ang mga mata.

May kasama silang isang babaeng doktor na nasa tabi nilang nakatingin sa akin.

"Iha? kumusta kana?" saad ng doctora. Nginitian ko lamang sya bilang tugon.

"Iha alagaan mo ang sarili mo, wag kang magpapagod at uminom ka ng maraming tubig. Huwag ka ring magpapalipas gutom. Makakasama yan sayo, lalo na sa dinadala mo...

Dinadala?? Tila nabingi ako sa aking narinig.

Anong? Anong dinadala???

" Iha, were'nt you aware that you are two months pregnant?"

"Ano?!!! Pregnant???!!"

JUST F*CK BUDDIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon