Wala.
Wala pa rin akong nahahanap na taong makakatulong sa akin pabalik sa Edel. Hindi ko mapigilang hindi mag-isip ng negatibo.
Paano kung hindi na talaga ako makabalik sa amin? Paano na sila ina? Walang mag-aalaga sa kanila. Malamang ay hinihintay na nila ako ngayon. Kumusta na kaya sila?
Pauwi na ako sa mansyon ni Elora nang may madaanan akong isang lawa. Nagtungo ako doon at saka umupo sa may batuhan. Pinulot ko ang mga maliliit na bato na malapit sa akin at saka binato sa tubig. Madalas ko itong gawin sa isang lawa malapit sa bahay namin.
Doon ko rin naalala na sabi ng kasamahan ni Elora na sa isang lawa nila ako natagpuan. Posible kayang dito nila ako nakita?
Pero papaano nga ba ako napadpad sa Romina kung taga Edel ako? Papaano nga ba ako napunta dito? Sobrang dami kong tanong na hindi naman nasasagot.
"Hay... Ano nang gagawin ko?"
Tinitigan ko ang langit, naghihintay ng himala. Makakabalik pa ba ako sa sa'min? May mababalikan pa kaya akong pamilya sa bahay namin? Ano na kayang lagay nila ina?
"Nakakapagtaka. Anong ginagawa mo dito, hijo?"
Nilingon ko ang taong nagsalita. Isa itong matandang lalaki na ngayon ko lang nakita.
"Nababato lang po ngmga bato. Gusto ko lang po sanang pakalmahin sarili ko."
Tinitigan niya ako. Parang sinusuri niya ako.
"Hindi ka tagarito. Tama ba ako?"
Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Manghuhula ba siya? Isang mahikero? Pero hindi na bale kung papaano niya nalaman. Baka siya na ang taong makakatulong sa akin.
"Opo. Ilang araw na po ako nagtatanong tanong kung papaano makakauwi sa amin. Kailangan ko nang balikan ang pamilya ko."
"Kaya nga ako naririto. Para tulungan ka."
Ilang araw ko na ang hinihintay marinig iyan. Oo tinutulungan ako ni Elora pero itong matandang ito na siguro ang makakatulong sa akin maka uwi!
"May itatanong lang po sana ako sa inyo. May ideya po ba kayo kung nasaan ang Edel at kung papaano makakapunta dito?"
"Kailangan mo nang lisanin ang lugar na ito sa lalong madaling panahon."
"'Yun nga po yung ginagawa ko para po makabalik na po ako sa amin." Unting-unti akong nanubuhayan ng loob. Mukhang eto na nga at makakauwi na ako!
Uuwi na ako. Pero...Iiwan ko na nun si Elora.
Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa naisip ko. Parang kinurot ang puso ko nang maisip ko ang magiging mukha ni Elora pag uuwi na ako.
Malulungkot ba siya sa oras na umalis ako? Magkikita pa ba kaming muli? Makakausap ko pa ba siya?
Iniisip ko palang na umalis ng Romina pero...Parang dinudurog ang puso ko.
"Mukhang may pumipigil sa'yo para makauwi ka sa inyo," Wika ng matanda.
"Ano pong ibig ninyong sabihin, lolo?"
"Putulin mo ang bagay na nanghihila sa'yo dito." Biglang sumbat ng matandang lalaki. Ha?
Ano raw? Hindi ko naiintindihan ang kanyang sinasabi.
"Mawalanggalang na po, pero hindi ko po maintindihan 'yung sinasabi ninyo."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. May kinapa siya sa loob ng talukbong niya at may inilabas na gunting na may gintong hawakan. Dali-dali niya itong ibinigay sakin. Naguguluhan man pero tinanggap ko ito.
"Ha? Anong gagawin ko dito, lolo?" Ngunit nang lingunin ko siya, wala na siya sa aking harapan.
***
BINABASA MO ANG
Amarilyo
Short StoryIsa, dalawa, tatlo. May mga bula akong nakikita. Apat, lima, anim. Nararamdaman ko ang pananakit ng ulo ko. Pito, walo, siyam. Nauubusan na ako ng hininga. Sampu. Wala na akong maramdaman.