Hindi Inaasahang Bisita

11 4 0
                                    

"Sebastian? Sebastian!" Naramdaman kong niyuyugyog ako ni Elora.


Pareho na kaming nasa lupa. Hindi mo man lang namalayan na nahulog na pala ako.


"Elora?" Medyo malabo ang paningin ko ngunit may nakikita akong isang kulay dilaw na hibla ng sinulid sa hinliliit ko na nakakonekta sa laruang oso ni Elora.


"Ayos ka lang ba? Bigla ka nalang nanahimik. May masakit ba sa'yo?"


Bakit ganun? Pakiramdam ko nakita ko na yung laruan na 'yun dati pa.


"Sebastian?"

"Saan mo galing ang oso mo, Elora?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko talaga alam, Sebastian. Basta ang alam ko lang, natanggap ko ito noong kaarawan ko. Simula noon, hindi ko na ito mabitaw-bitawan pa."


Kaarawan ni Elora...Oktubre 25... Elora...


"Ano ba talagang nangyayari sa'yo, Sebastian? Nakikiusap ako... Magsabi ka sa akin..." Kita ko ang mga namumuong luha ni Elora. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at pinunasan ko ito.

"'Wag kang mag-alala. Ayos lang ako." Napansin ko ang pagdududa ni Elora sa kaniyang mukha. May kung anong pumasok bigla sa isip ko at hinaplos ko ang mukha niya...


Parang...Mayroong sariling isip ang aking mga palad...


"S-sebastian..." Napangiti ako sa kaniyang mukha. Sobrang pula na ng kaniyang mga pisngi.


"Ayos lang talaga ako. Pangako,"


Magsasalita pang muli si Elora nang may lumapit na tao sa amin. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang lumapit sa akin kanina sa may lawa.


"Mukhang nakakaalala ka na, Sebastian." Wika nito.

"Ano pong ibig ninyong sabihin? Ano pong nangyayari sa kaibigan ko?" Natatarantang tanong ni Elora.

"Maari ninyo po bang sabihin ang mga nangyayari ngayon? Totoo bang patay na ako?" Tanong ko rin sa matanda.

"Hindi ako ang maaaring magsabi sa inyo. Malamang, ito na mismo ang makakatulong sa inyo," May dinukot ang matanda sa loob ng kaniyang talukbong. May inilabas itong dalawang bolang kristal at ibinigay niya ito sa aming dalawa.

"Hindi ko po naiintindihan. Para saan po ito?" Tanong ni Elora.

"Tignan ninyong mabuti nang malaman ninyo ang sagot sa inyong mga katanungan."


Nagkatinginan kami ni Elora at saka sabay na tumango. Sa unang tingin ay parang isang normal lang na bolang kristal itong hawak naming ngunit 'di naglaon ay bigla itong nagpakita ng mga bagay na matagal ko nang hinahanap-hanap.

***

AmarilyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon