Si Elora

11 4 0
                                    

Umuwi ako sa mansyon ni Elora na para bang binagsakan ako ng langit at lupa. Wala pa rin akong impormasyon tungkol sa Edel. Nawawalan na rin ako ng pag-asa.

Pagkapasok ko ng mansyon, agad kong napansin ang madilim na salas.


"Bakit madilim pa rito?" Madalas si Elora ang nagsisindi ng mga kandila dito sa salas.


Hindi kaya...Pinasok 'yung mansyon? Si Elora?! Nasaan si Elora?!


"Andyan ka na pala," Natigilan ako nang makita ko si Lila sa gilid, mayroon siyang dalang kandila.

"Maligayang pagbabalik,"

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko napasukan na 'tong lugar na 'to ng magnanakaw.


"Si Elora?" Agad kong tanong sa kaniya.

"Nasa hardin siya, tinitignan niya ang paglubog ng araw"

"Ganun ba...Maraming salamat" Akmang pupuntahan ko na si Elora nang matigilan ako sa susunod na mga sinabi ni Lila.

"Pasayahin mo siya...Sobrang lungkot niya ngayong araw."


Dali dali akong nagtungo sa hardin. Hinanap ng mga mata ko si Elora hanggang sa makita ko siya, pinapanood ang paglubog ng araw.


"Sinabi ni Lila sa akin na dito kita mahahanap."


Nagulat si Elora nang bigla akong nagsalita sa likuran niya. Kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat pero agad rin niyang ibinalik sa araw ang kaniyang pansin.


"S-Sebastian, nandirito ka na pala."


Naglakad ako papalapit sa kaniya nang mapansin kong nasa tabi niya ang laruan niyang oso at yung garapon na may mga barya.


"Kanina ko pa nakikita 'yang garapon na iyan."

"H-ha?"

"Alam ko na kung saan bakit meron kang laruan na oso. Maaari mo bang sabihin sa akin kung para saan naman 'yang garapon?" Tanong ko sa kaniya.


Ilang segundo siyang nanahimik matapos ko siyang tanungin. Mukhang nag-aalangan pa siya kung magsasalita ba siya tungkol dito o hindi. Hindi rin naman niya ako sinagot kaninang umaga sa tanong ko.


"Ayos lang kung ayaw mong sabihin. Nirerespeto ko ang personal mong—"

"Para ito sa tatay ko."


Nagulat ako sa biglaang pagsabi niya. Pero...Hindi ko alam na may pamilya pa pala siya. Ngayon niya lang nabanggit ang tatay niya. Matagal ko nang iniisip kung may magulang pa ba si Elora pero hindi ko matanong. Si Lila lang kasi ang napapansin kong kasama niya lang sa masyon at wala ng iba. Ayokong isipin niya na masyado kong inaalam ang buhay niya.


"Matagal na akong naiipon dahil gusto kong makabayad sa kaniya"

"Makabayad para saan?"


Kinuha niya ang garapon sa tabi niya at tinitigan.


"Sa mga bagay na isinakripisyo niya sa akin." Sobrang lalim ng iniisip niya.  Kapansin pansin ang lungkot na nakikita ko sa mga mata niya...


Nakaramdam ako bigla ng kirot sa aking puso.

Huminga muna siya nang malalim bago nagpatuloy.


"Mayroong malubhang sakit na dumapo sa Romina noong bata ako. Mga kababaihan lamang ang tinatamaan nito at dahil ako na lamang ang nag-iisang kapamilya ni tatay, ikinulong niya ako sa kwarto ko nang mahabang panahon upang hindi ako dapuan ng sakit. Limitado lamang sa dalawang tao ang nakakasalamuha ko. Si tatay at si ate Lila, ang tagapag-alaga ko. Lahat ng bintana at pintuan ko ay nakasarado. Walang ibang tao ang nakakita sa akin nang mahabang panahon para lang makaiwas ako. Sa kasamaang palad... Nahawaan ako ni Lila ng sakit. Ginawa ni tatay ang lahat para lang hindi ako mamatay. Napanatili niya akong buhay ng dalawang taon ngunit kapalit nito ang mga kayamanang naipon niya. Hindi rin nagtagal ay hindi na rin kinaya ng katawan ko kaya... Katulad ni ate L-Lila... Iniwan ko si t-tatay..."

"Anong ibig mong sabihin...?"

"N-namatay ako sa sakit... Iniwan kong mag-isa sa mundong ibabaw si tatay..." Wika niya habang humihikbi.


Namatay sa sakit... Namatay... Patay... Patay na si Elora?


"Ano 'tong sinasabi mong patay ka na? Alam kong seryoso 'tong kwento mo pero hindi mo naman kailangang magbiro nang ganyan—" Hindi niya ako muling pinatapos sa pagsasalita.

"Patay na ako Sebastian...Nasa mundo na tayo ng mga namayapa. Lugar na kung saan napupunta ang mga namayapang tao sa mundong ibabaw katulad ni ate Lila at ako. Ito ang kabaliktaran na mundo ng mga nabubuhay pa. Parehong lugar, ngunit iba ang mga nanunuluyan"


Sumasakit ang ulo ko sa mga naririnig ko. Hindi ko alam kung binibiro ba ako ni Elora pero kung totoo man ang sinasani niya...Ibig sabihin din ba...


"Hindi ito maaari. Wala akong matandaan. Wala akong maintindihan."

"Sebastian?"


Sobrang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko umiikot ang paligid ko. Gulong-gulo ang isip ko dahil sa mga bagay na nalalaman ko.


"Kung nandirito ako ngayon... Ibig bang sabihin..."

"Patay ka na rin, Sebastian."

***

AmarilyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon