Ang Kapalit

21 4 0
                                    

"Ang layo mo naman, Elora. Bakit ba kasi sa kabilang parte ng mundo ka pa nakatira?" Tanong ko sa isang babaeng kausap ko sa isang salamin.

"Ikaw din naman a, malayo ka din naman sakin, Sebastian," Malungkot na wika ni Elora sa kabilang parte ng salamin.


Matagal na kaming magkaibigan ni Elora. Iyon nga lang, sa kabilang dako pa siya ng mundo nakatira at tanging ang salamin na ito lamang ang gamit namin upang makapag-usap. Nakilala ko si Elora nang may nadaanan akong isang abandonadong bahay malapit sa amin. May narinig akong isang babaeng umiiyak sa loob nito kaya naman dali-dali akong pumasok upang tulungan ito. Hindi ko agad nahanap ang babae sapagkat ang babaeng hinahanap ko ay nasa loob ng isang salamin. Bagay na ikinagulat ko 'nung umpisa.

Nagpakilala siya sa akin bilang si Elora. Nakatira sa isang malayong lugar na 'di ko mawari kung saan. Wala siyang kaibigan sapagkat pinoprotektahan siya ng kaniyang tatay mula sa isang malubhang sakit na tanging mga kababaihan lamang ang nadadapuan.

"Mangako ka sa akin na babalikan mo ako..." Wika ng babaeng kausap ko sa salamin.

"Araw-araw kitang babalikan. Pangako."


Sa loob ng isang taon ay napanatili namin ang koneksyon sa isa't isa. Malaki ang pasasalamat ko sa salamin dahil dito ay nakilala ko si Elora. Hindi na siya nalulungkot pa at hindi na siya nangungulila dahil may nakakausap siya.


"Ganiyan mo ba ipagdiriwang ang kaarawan mo?"

"Sanay na din naman ako mag-isa. At saka naiintindihan ko naman kung hindi ako makakalabas ng kwartong ito. Hindi ko hahayaang mabuhay si tatay nang mag-isa."

"Oo alam ko pero...Hindi ka ba nalulungkot na bukas na ang kaarawan mo pero ikaw lang mag-isa ang magdiriwang nito?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako mag-isa. Nandyan ka naman...Hindi ba?"


Napakagat ako sa labi ko. Nandidito ako...Pero...Wala ako sa tabi niya. 

Noong una, masaya naman ako na nakakausap ko siya sa pamamagitan ng salamin. Natutuwa ako na naririnig at nakikita ko ang kaniyang boses. Araw-araw ko siyang pinupuntahan para lang makausap ko siya...Pero habang tumatagal...Nalulungkot ako sa realidad na hinaharap namin.

Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong punasan ang mga luha niya sa tuwing umiiyak siya. Nais kong haplusin ang kaniyang buhok hanggang sa kumalma siya.

Habang patagal ng patagal...Tumatakaw ako...Nagiging makasarili ako...

Gusto siya sa tabi ko.


"Elora...Gusto kita..." Inilagay ko ang palad ko sa salamin pero...Tanging lamig lamang ang naramdaman ko. Harang.

"Sebastian...?" Naguluhan bigla ang mukha ni Elora. Mapait akong ngumiti. Mas lalong kumirot ang puso ko.

"Gusto kitang maging masaya sa kaarawan mo."

"Masaya naman ako...Bastat nandito ka at kausap ko," Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sakin. Gusto kong maiyak sa aking kinatatayuan.


Oo nandirito nga ako pero...Hanggang dito lang ba ang maibibigay ko sa kaniya? Wala na ba akong magagawa para sa kaniya?

Wala akong sinayang na panahon. Nagpaturo ako sa aking ina kung papaano magtahi. Napagdesisyunan ko na gagawa ako ng isang laruan na oso. Ibibigay ko ito kay Elora kahit na anong mangyari.

AmarilyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon