OS: For You (Virence)

755 27 1
                                    


Vice's POV

03-6-18

Dear Diary,

Nakita ko nanaman si crush napaka pogi talaga nya as in sobrang pogi sana balang araw mapansin nya na ako.
Naglalaro sila ng mga kaibigan nya ng basketball sa harap ng bahay namin shemss ang sarap nyang titigan napaka gwapo at mabait.

"Vice! Bumaba ka nandyan at magaalmusal na tayo, sinabing wag ngang magpuyat eh makakasama sa iyo yan bata ka"pagtawag saakin ni Mama.

"Opo! Pababa na sandali lang" pagsagot ko.

Isinara ko na ang diary ko at nagayos na ng sarili. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin hayss, pano nga magkakagusto saakin si crush? Ang isang Terrence Romeo magkakagusto sa isang katulad ko? How I wish...

Bumaba na ako at nadatnan ko si Mama na naghahanda ng pagkain si Papa na nagbabasa ng dyaryo at si Kuya na nagcecelpon at nanonood ng T.V? Baliw ba toh? Nagsasayang ng kuryente ang loko.

"Magandang Umaga mga kapamilya"pagbati ko tumingin naman saakin sila saakin lahat.

"Jusko kang bata ka, diba sinabi ko na saiyong wag kang magpuyat" sermon saakin ni Mama.

"Bakit? Hindi naman ako nagpu---"bigla naman akong siningitan ni Kuya kong mukhang unggoy.

"Wehhh, eh nakita nga kitang nagcecelpon eh alas dose na kung hindi pa ako baba hindi kita mahuhuli" sabat ni kuya habang paupo na.

"Oh kitam, kuya mo na ang nakahuli saiyo hindi ba sinabi ko nang wag ka ngang magpupuyat gusto mo talagang napapahamak eh" hindi nalang ako sumabat at yumuko nalang.

"Vice, tama ang Mama mo sumunod ka nalang para rin naman yun sa ikabubuti mo eh" sabi pa ni Papa.

"Opo, sorry po" sabi ko at kumain nalang.

"Eh panong hindi magpupuyat yan eh ganoong oras umuuwi yung crus---"agad kong isinalpak sa bibig ng kuya kong taklesa ang isang pandesal.

"Ano kamo?" tanong ni Mama.

"Ahh, hindi wala po nagaasar lang po yan si Kuya diba?" tinignan ko lang sya at tumango naman ito.

Nang matapos kami sa pagkain ay nagbihis na ako at naghanda na para pumasok. Bumaba na ako at pinuntahan si Papa.

"Pa,baon ko po" sabi ko dito at inilahad ang palad ko.

"Ito oh magaral kanang mabuti ha?" sabi nito at inabutan ako ng isang libo.

Tumakbo ako sa taas at hinulog ko na ang isang libo sa aking alkansya, may isang daan panaman ako eh pagkakasyahin ko nalang para sakanya naman yan eh..

Bumaba na ako at naglakad nalang papasok para kahit papaano eh makatipid naman ako. Ng makarating na ako sa aking paaralan dumeretso ako sa silid aralan at umupo na sa upuan.

Inaantay ko lang naman yung bespren ko eh ang tagal kasi eh,ng hindi na ako makapagpigil ay tinawagan ko na ito.

"Hello?"

"Hello Sis?"

"Saan kanang babaita ka?"

"Malapit na ako pwede bang antayin mo ako sa may gym?"

"Sige ba basta bilisan mo ah?"

"Of course sige na babye"

Ibinaba ko ang telepono ko at kinuha ang aking gamit at pumunta na ng gym nagaantay lang ako sa may hagdanan malapit sa may stage ng gym.

Ng biglang makita kong paparating ang pinaka gwapong lalaki sa buong mundo, si Terrence! Nandito sya baka siguro mag prapractice sila ng basketball eh bakit tatlo lang sila? Eh bahala na nga ang mahalaga ay makikita ko sya.

Habang pasimple ko syang sinusulyapan ay narinig kong nagring yung cellphone ko hinanap ko sya sa aking bag pero hindi ko makita hanggang sa may naramdaman akong tumama sa ulo ko.

Pagtingin ko isang bola, diba yan yung bola na ginagamit nila crush? Nakita ko syang tumakbo pa punta saakin at kinuha nya yung bola at ibinigay sa kasama nya.

"Okay ka lang ba?" tanong nya.

"O-okay lang, i-ikaw ba yung naka tama? Okay lang yun, masarap nga eh" sabi ko habang nakatingin lang sakanya.

Tumalikod na sila at umalis na at ipinagpatuloy nya na lamang ang paglalaro nya.

Terrence's POV

Naglalaro kami ng basketball ng ibato saakin ni Mike yung bola hindi ko nasalo at tumama dun sa babae sa may hagdanan.

"Jusko po! Yung bola " sabi ni Mike at pumunta dun sa direksyon ng bola.

"Hala yung bola ko, sa kabit pa nang mama ko yun" sabi din naman ni Chris.

Sabay sabay na kaming pumunta dun sa may babae at sa bola.

"Okay ka lang ba?" tanong ko rito nakatitig lang sya saakin at nakangiti. Baliw ba toh?

"O-okay lang, i-ikaw ba yung naka tama? Okay lang yun, masarap nga eh" sabi naman nya iniwan na namin sya at tumalikod.

"Hahaha pare nakita mo yung mukha ang panget" sabi ko habang tumatawa.

"Kaya nga eh mukhang baliw nakangiti lang hahahahaha" sabi din naman ni Mike.

"Luh yung bola ko kawawa nadikit dun sa nerd" sabi ni Chris.

Tumatawa lang kami at nagpatuloy na sa paglalaro. Ng mag bell na dumeretso na kami sa mga klase namin at nagklase na nga.

Vice's POV

O3-7-18
Dear Diary,

Grabe ang ganda ng araw ko ngayon nakausap ko narin sa wakas si Crush tapos alam mo ba natamaan nya ako ng bola grabe alalang alala sya saakin nawala bigla yung sakit ng ulo ko nung makausap ko sya grabe.

Isinara ko na ang diary ko at humiga na, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito ever..

_______________________________________

Inspire 'to duon sa short film nung sa Jolai hihi, May part two yan mga beshh sorrs sa matagal na hindi pag uupdate sa isa kong story pero baka bukas o mamaya makakaupdate na ako hehehe

Vomment! <3

twitter: @gorgbyh

insta: @gorgbyh

Colecciòn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon