OS: For You ll

502 26 0
                                    

3 years later..

Habang naglalakad ang isang sosyalerang babae sa isang kilalang pasyalan habang  may dalang iilang mga shopping bags, biglang may makabanggaan sya na isang lalaking may kasamang isa pang lalaki.

"Oh my gosh" saad ng babae ng matapunan ito ng kape na hawak ng lalaking nakabanggaan nito.

"Sorry Miss---Anne?!" gulat na saad nito habang pinupunasan ang damit nito.

"Terrence?! Mike?! OMG!! Long time no see" sabi nito sabay ngumiti.

"Oo nga eh, kamusta na? Huling kita pa natin yung graduation pa eh" sabi nito at nakipagbeso pa.

"Ah oo nga eh naging busy lang" sabi nito at ngumiti lang ito.

"Asaan na nga pala yung bespren mo? Si Vice bayun?  Yung panget hahahahaha" sabi ni Mike at tumawa hibampas naman sya ni Terrence at sinenyasan na manahimik ito.

"Wag na wag mong sabihan ng ganyan ang kaibigan ko! Excuse me ha, may pupuntahan pa kasi ako eh" sabi nito at agad ng umalis papalayo.

"Gago ka talaga! Alam mo namang kaibigan nya yung tao tapos sasabihan mo ng mga ganoong bagay" sabi ni Terrence at nagsimulang maglakad ulit.

"Eh totoo naman yung sinabi ko ha,nagagandahan ka ba duon?" tanong ni Mike habang nakasunod lang sa kaibigan.

Napatigilan ang lalaki at unti unting napatingin sa kasama, na nakacross arms pa na tila babae habang nagtatanong.

"H-hindi, panget nga eh."sabi nito na tila hindi pa sigurado sa sagot nito.

"Tsk! Sabi ko naman kasi sayo eh, lika na nga sa department store tayo may bibilhin lang ako" sabi nito at nagsimula nang maglakad sumunod na lamang ang isa habang tila may iniisip parin.

Terrence's POV

Hanggang ngayon iniisip ko parin yung tanong saakin ni Mike, alam ko sa sarili ko na nagsinungaling ako, hindi man sya maganda para sa iba pero kasi nung tumatagal na aappreciate ko yung ganda nya noong nagaaral pa kami, simpleng natural na mapupulang labi at pisnge at walang foundation kahit walang makeup maganda parin, matangos na ilong kahit medyo nerd sya kung tatanggalin nya lang salamin nya maganda sya.

Oo alam ko sa sarili ko na isa ako sa mga palihim na nangbubully sakanya noong mga highschool hanggang college, isa ako sa nagdododdle ng tungkol sakanya sa board at naglalagay ng glue sa upuan nya.

Pero noong mga nagtagal nagsisisi ako, sa totoo lang naaawa ako sakanya, kasi kapit ganoon ang nangyari sakanya hindi sya nagtatanim ng sama ng loob sa kapwa nagagawa nya pa ngang pakopyahin ang mga tao at bigyan ng kailangan nito.

Kahit kailan hindi sya umiyak, yumuyuko lang sya at lagi syang positive madalas ngumiti at magaan lang ang lahat ng bagay sakanya, sana pala kinaibigan ko sya para hindi na pariwala ang buhay ko, muntik na akong hindi makagraduate noong kolehiyo ako, nahulihan kasi kami ng drugs, actually hindi ko naman talaga gusto yun kaya lang kailangan kong gawin yun dahil may utang ako sa lider ng mga nagbebenta ng drugs hanggat hindi ko sya nababayaran ay kailangan kong magbenta nun..

Alam kong masama pero wala akong magagawa, mabuti na lamang nabayaran ni Anne kaya malaki ang pasasalamat ko sakanya, ng matapos kong mabayaran ito ay ang lider mismo ang maglinis ng pangalan ko hindi ko alam kung paano nya nagawa basta ang mahalaga legal ang ginawa nya.

Ng matapos na sa pamimili si Mike ay agad akong dumiretso sa bahay ni Anne kailangan ko lang makausap si Vice may gusto lang sana akong tanongin sakanya nais ko syang makilala ng husto at gusto ko syang maging kaibigan.

Nang makarating ako sa bahay nya, mabuti nalang hindi sya lumipat ito yung bahay nya college palang dito kami laging naggrogroup study eh, kumatok ako at maya maya pa ay binuksan nya na ang pinto at tila nagulat ng makita nya ako sa harap nya.

"T-terrence, what brings you here?" tanong nito at pinatuloy ako sa bahay nito.

Pinaupo nya ako at kinuhaan ng maiinom. "Gusto ko lang sana itanong yung number ni Vice? O yung bahay nalang nya" sabi ko dito ng nakangiti.

Nagitla sya at napatahimik unti unti syang tumingin saakin at iniabot ang isang baso ng juice at umupo sa tabi ko.

"Terrence, bakit mo n-naman naitanong y-yan" sabi nito habang nakayuko.

"Gusto ko lang naman makipagkaibigan eh, kasi alam mo Anne feeling ko mapapagaan nya yung damdamin ko ilang araw na kasi akong malung--"natigilan ako ng makita ko syang umiiyak at nagpupunas ng mga luha.

"Bakit?!" tanong ko unti unti syang tumingin saakin habang umiiyak parin.

"T-terrence w-wa-wala n-na k-kasi s-si V-vice" sabi nito at tuluyan ng humagulgol agad ko syang inalo at pinatahan, gusto ko sanang tanungin ngunit inantay ko na lang na tumahan ito ng nakatahan na ito ay nagsalita na ako.

"Anong nangyari?" tanong ko dito habang nakatingin sakanya.

"C-cardiovascular Disease, balak sana nyang magpatreatment sa Amerika kaya lang.."tumigil sya at tumingin saakin" May pinaggamitan sya nung pera nya eh, may tinulungan lang sya na kaibigan pero hindi ko alam kung tinuring rin syang kaibigan"at tumingin sya saakin.

"A-anong ibig mong.."tumingin sya saakin at tsaka tumayo may kinuha syang isang parang notebook at ibinigay saakin.

"Matagal ka nang gusto ni Viceral, nakatala ang mga iyon dyan sa diary nya, at yung tungkol dun sa nangyari dati? Hindi talaga saakin galing yung pera galing kay Vice yun nakita kasi ka nyang pinipilit ng lider ng mga nagbebenta ng drugs na nagkakausap tungkol sa pagbebenta mo, yung mga ipon nya dinagdagan nya pa hindi na nga sya minsan ng lulunch kahit masama sakanya gustuhin ko mang pigilan pero wala akong magawa, hanggang sa nung isang taon lang bigla nalang bumagsak katawan nya hindi na kinaya eh biglaan daw talaga," sabi nito habang medyo naluluha parin.

"K-kasalanan ko kung bakit, kung b-bakit sya namatay.." sabi ko at umiyak, hindi ko alam na may gagawa saakin ng gantong bagay, kung  sino pa yung nasasaktan ko sya pa magliligtas saakin kahit buhay nya pa ang kapalit.

"Maari mo ba akong samahan sa puntod nya?" tanong ko, tumango sya at naglakad na kami, mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa sementeryo.

Dinala nya ako sa isang puntod may mga bulaklak ito yung iba mukhang bago pa at sigurado akong galing yun kay Anne. Lumapit ako duon at dun ako umiyak habang kinakausap sya.

"S-sorry hindi man lang kita nakilala ng lubos, patawarin mo ako at hinayaan ko lang mangyari ang lahat ng ito hindi ko sinasadya hindi mo naman kailangan gawin yun eh, Pero maraming salamat, utang ko Sayo ang buhay sana ay masaya ka na dyan hinding hindi ko sasayangin ang panibagong buhay na ibinigay mo.. Pangako yan.."

Tumayo na ako at naglakad habang yakap yakap saaking bisig ang isang kuwaderno na naiwan ng isang dwpi tunay na depinisyon ng totoong tao na sana ay nakilala ko ng lubos iilan na lang ang mga ganoon iilan nalang....










The End.

_________________________________________

Vomment! <3

twitter: @gorgbyh

insta: @gorgbyh

Colecciòn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon