OS:Crazy Inlove(ViceIon)

1.3K 51 55
                                    

General's POV

"Pwede ba Ion tumigil ka na kakahagis nung mga gamit dyan ang dami mo nang nasisira oh"saway ng maputing lalake na nagngangalang Vhong sakanyang kaibigang kasalukuyang nagwawala ngayon dulot ng alak.

"HINDI! AYOKO! WALA NA KAMI HINDI KO MATANGGAP HINDI KO KAYA!!"atungal nito na tila bata habang umiiyak at patuloy sa ginagawa.

"Pre kahit mahirap sa loob mo kailangan mong tanggapin wala na kayo.Tapos na kayo,hindi kana mahal ni Vice"lalo namang napaiyak ang isa nang marinig iyon kaya napailing na lamang si Vhong sa itinugon nito.

"Hindi ko kaya pre mahal ko sya mahal na mahal h-hindi naman kasi talaga ako nagloko eh wala akong ginawa si Stephanie yung unang humalik saakin hindi ako lasing ako nun hindi ko alam yung nangyayari"paliwanag nito habang nakaupo na lamang sa sulok at tumutulo parin ang luha.

"Pre,wala akong kinakampihan sainyong dalawa ni Vice pero kung ayaw na nya palayain mo na sya—"

"HINDI!"madiin nitong tutol at nagulat naman ang isa dito.

"Pre palayain mo na sya at hindi ko sya masisi kung mapapagod sya tandaan mo hindi ito ang unang beses na nangyari ito pangatlo ito pre,PANGATLO"pagpapaliwanag nito sa kaibigan habang inililigpit ang mga nasira at mga nagulo ng lalakeng kaninang nagwala.

"P-pero ni isa dun wala akong kasalanan,Lahat ng iyon si Stephanie ang may kasalanan"depensa nito at tinignan naman sya ni Vhong at nagpakawala ng mabigat na paghinga.Naglakad ito papunta sa maymorning kusina at kumuha ng isang basong tubig at ibinigay iyon sa kaibigan.

"Oh uminom ka muna,Pre naiintindihan naman kita kaso ang mali lang sa dinamidaming babae na makakasalamuha at makakasama mo sa tuwing nasa bar bakit si Steph pa? Pre hindi lang basta babae yun eh Ex mo yun EX,kaya hindi ko masisi si Vice kung ganuon na lamang ang reaksyon nya"saad ulit nito habang inaabot ang tubig sa kaibigan.

"Pero hindi nga ako yung may kasalanan si Stephanie nga hindi ako! SI STEPHAINIE!!"sigaw nito at inihagis ang baso na hawak ni Vhong na naging dahilan ng pagkabasag nito,sobrang nagulat naman si Vhong sa inasta ng kaibigan kaya napaatras iyon.

"P-pre? Okay ka lang ba?"nagaalalanh tanong nito tila ba may mali sa inaasta ng isa.

"Oo"tipid na sagot nito habang nakayuko at nakatingin lamang sa lapag.

"M-masyado ka kasing nagiging agresibo pre,baka pwede namang magchill ka lang muna kahit kont—"

"SINABI NANG OKAY NGA LANG AKO EH!"sigaw nito at inangat ang ulo nito at duon nagtagpo ang kanilang mga mata.Mugto ito at basa pa dulot na pagiyak na ginawa nito mula pa kaninang tanghali hanggang ngayong hapon.Ngunit bukod dito ay napansin din nito ang pagkapula ng mga mata nito.

"P-pre bat ang pula ng mata mo? N-nag dad-drugs ka ba?"gulat na tanong ni Vhong ngunit sa halip na sagot ang matanggap nito ay pagiwas lamang ng tingin ang tinugod nito.Duon pa lamang ay alam na nito kung ano ang nangyayare sa kaibigan nya.

Agad syang luminga linga sa paligid habang hinahanap ang bagay na tinira ng kaibigan upang maitapon na ito at hindi na nito muling magamit.Ng may mapansin itong foil at parang puting bagay na nakalatag sa table katabi ng higaan ng kaibigan.Naglakad ito kaagad upang puntahan ito ng may mga kamay na pumigil dito paglingon nya ay nakita nya si Ion na hawak sya sa kamay at matalim ang tingin dito.

"Wag mo kong papakialaman"kalmadong pagbabanta nito sa lalake nagpumiglas naman si Vhong dito at nang makawala ay hinarap nya ito.

"Ion,pre ano bang nangyayare sayo?! Kailan ka pa natutong magdrugs?!"tanong nito sa lalake at tumawa lang ito habang may pasinghot singhot pa ay pinunasan pa nito ang pagitan ng ilong at labi nito.

Colecciòn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon