OS:Revenge(Virence)

450 21 0
                                    




•~•g e n e r a l•~•

Nagsindi ng sigarilyo si Terrence at pumuwesto sa may bintana at duon humithit ng humithit ng sigarilyo. Pagkatapos maubos ay umilit pa toh, at isa pa at isa pa.

"Shit!" saad nito.

"Kuys, balak mo bang ubusin ang buong pakete ng sigarilyo ngayong gabi?" tanong ni Vhong nang biglang maalimpungatan at tumingin kay Terrence sa bintana.

"Hindi ko kasi malaman kung saang lupalop ng mundo yung antok ko hindi pa ako dinadalaw" sagot naman nito.

"Malamang na kay Ria ang antok mo, suduin mo nalang kaya!" sagot ng isa.

"Sira! Ayoko na sa bading na yon, makunatsi!" sagot nalang nito.

Ng maubos ang sigarilyo ay bumalik na ng higaan si Terrence at nagsimulang ipikit ang mga mata.

Pagpikit ay malinaw nyang nakita ang mukha ni Vice, Ang bading na isa sa mga naging karelasyon nya.

"V-vice?..." bulong nyang pagtawag dito.

Ang malinaw na imahe na mukha ni Vice ay unti unting naging mabalasik hanggang sa naging duguan.

"AHHHHHHH!!!"sigaw nito na naging dahilan ng pagkagising ni Vhong mula sa itaas ng double deck napatalon ito para gisingin ang isa.

"KUYS!" sigaw nito napadilat naman ang huli.

"Mukhang hindi masyadong maganda panaginip mo ah" sabi nito.

"H-hindi, hindi ako nananaginip gising ako!" pagsagot nito.

"Talaga lang ha?bakit kailangan pa kitang gisingin kung hindi ka naman pala tulog?" sarkastukong sagot nito.

"Kuys, maniwala ka saakin gising ako at kitang kita ko ang mukha ni Vice, N-nakakatakot sya!" sabi pa nito.

Napailing na unakyat sa taas ng kama si Vhong.

"Praning ka na Kuys, hindi ka nananaginip pero nakita mo si Vice? Ang sabihin mo lang namimiss mo lang yung tao!" tumatawang saad ni Vhong at natulog nalang muli.

Hindi nalang kumibo si Terrence, hindi nya nalang pinansin ang biro ng kaibigan dahil ang isip nya ay okupado ng pagkabagabag nya sa madalas na pagpapakita ni Vice sa kanya.

**

Lumapit sa isang faith healer si Terrence. Matapos ang mga pangyayari sakanya.

"Ang sabi po sa akin ng kakilala ko, kaya nyo raw pong kumausap ng namatay na?"sabi ni Terrence sa faith healer.

"Oo tama ka hijo, pero depende ito sa namatay kung gugustuhin nya o hindi." sabi nito at binalasa na ang mga barahang gagamitin.

"Alam mo, matagal ko nang hindi ginagawa ito ang pagiging faith healer at fortune teller kung minsan nakakapagod din" sabi nito.

"Ma'am magbabayad ako kahit magakano makausap ko lang si...V-vice" sagot naman nito.

"Hindi ako nagpapabayad hijo, simula ng makaramdam ako ng pagod hindi na ako nagpapabayad" sabi nito at ngumiti.

"Salamat po" sagot nito at pinili ang unang baraha nito, natigilan ang faith healer ng makita ang unang baraha ng lalaki.

"B-bakit ho?" kinakabahang tanong nito.

"Revenge, ayan agad and bumugad sa baraha mo"saad nito.

"Hijo, kung gusto mong kausapin sya siguraduhin mong hihingi ka ng kapatawaran sa anumang pagkakamaling nagawa mo, dahil hindi maganda ang barahang ito para sayo madugo at n-nakakatakot" sagot ng faith healer.

Colecciòn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon