•~•v i c e / v e x a n a•~•"Magandang Umaga Princess Vexana" pagbati saakin ng isang tagapag bantay ko saaming palasyo si Virgilio.
"Wag mo na akong tawaging Princess Vexana parang magkaibigan naman na tayo eh Vexana nalang." saad ko rito habang hinahainan nya ako ng pagkain ko.
"Kung yan ang ninanais nyo kamahalan" sabi nito at tumayo na sa tabi ko.
"Oh? Wag kang tumayo dyan kumain ka na kasama ko" sabi ko rito at umupo na sya sa silya malapit saakin nasa gitna kasi ako.
"Maraming salamat Vexana" sabi nito sabay bigay ng ngiti.
Hindi ako isang prinsesa lamang, kung hindi prinsesa ako ng mga bampira sa lugar namin ang Blood Moon Palace kung tawagin, ang namumuno rito ay ang aking mga magulang na syang Reyna at Hari nila nagiisang anak ako ng mga ito isa rin silang bampira kagaya ko, tahimik lamang ang pamumuhay namin hindi kami pumapatay dahil ang mga hayop ang pagkain namin itinigil ng angkan namin ang pag inom ng dugo ng tao.
"Virgilio?" pagtawag ko dito.
"Bakit po kamahalan?" tanong nito sabay punas ng dugo sa labi nya.
"Maari ba tayong lumabas ng palasyo?" tanong ko dito.
"Sa hardin po ba? Sige po ipapahanda ko lamang ang iyong kasuotan kamahalan" sabi nito at akmang tatayo.
"No, I mean sa labas as in..."
"Siyudad ba Vexana?" tanong nito at nakatingin saakin.
Mula pagkabata hindi na ako maaring makalabas ng palasyong ito lumaki nga ako na si Virgilio ang kasama, 78 years na nga sya eh pero mukhang nasa 30's lang at forever na yun at ako naman ay 30 pero mukhang 20's lang, ganun talaga pag bampira hindi tumatanda ang itsura.
Mabalik ako, hindi nila ako pinapalabas ng palasyo upang pumunta sa siyudad ay dahil una sa lahat may araw at sobrang tirik at maraming taong maaring pumaslang sa katulad namin, alam nyo naman na ang tingin nila sa bampira ay masasama iba kami mga good vampire's kami at mga bad vampire's ang sumisipsip ng dugo ng tao.
"O-oo sana" pagsagot ko habang nagaalinlangan.
"Pero Vexana kabilin bilinan ng Hari na wag na wag kang pa puntahin sa lugar na iyon" paliwanag nito saakin.
"Ngunit wala naman sigurong makakaalam diba? Pwede tayong umalis sa gabi walang araw at tulog na sina Amang Hari at Inang Reyna ng ganoong oras" sabi ko rito.
"Nagmamakaawa ako Virgilio, sige na samahan mo na ako" pagpupumilit ko dito napahingang malalim naman ito.
"Oo na sasamahan na kita" sabi nito at napangiti naman ako at niyakap sya.
"Maraming salamat mabuti nalang talaga at nandyan ka, basta magaabang ako sa kwarto ko kumatok ka ng limang beses para malaman kong ikaw yun" sabi ko at tumango ito. Grabe sa wakas makikita ko na rin ang siyudad.
**
"Ang ganda dito!" saad ko habang nakatingin sa siyudad maganda matataas na mga tore, pero ang problema mausok dito at maingay.
"Vexana! So gilid ka lang maglakad" paalala ni Virgilio saakin habang naglalakad kami, ng makarating na ako sa parang waiting shed daw kung tawagin.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko rito.
"Mag palipas muna tayo ng oras dito kamahalan pag umunti ang mga tao ay saka na kita igagala masayadong delikado" sabi nito at umupo na kami.
Habang umiikot ikot ang mata ko ay may nakita akong lalaki, naka damit na may mangas at mahabang pagibaba at mahabang kurbata.
Napansin kong may itsura ang lalaki sinundan ko lang ng tingin ang lalaki pumunta sya sa madilim na parte ng lugar, may sumunod naman na tatlong lalaki dito, medyo hindi maganda ang pakiramdam ko dito. Akmang tatayo na ako ng hawakan ni Virgilio ang mga kamay ko.
"San ka dadako kamahalan?" tanong nito.
"May titignan lamang ako" saad ko at paalis na.
"Sasamahan na kita" sabi nito at akamang tatayo.
"Wag na dito ka na lamang mabilis lang ako" sabi ko at lumakad na ng mabilis.
Mabilis naman talaga ang mga bampira, kaya normal na saakin naganyong paniki muna ako upang manmanan ang lalaki at ang sumusunod dito. Nauuna ang makisig na lalaki nasa likuran nya ang tatlong lalaki. Maya maya napatigil ang lalaki at may hinanap sa gilid nya at duon na lumapit ang tatlong lalaki.
"Wag kang sisigaw holdup toh!" sabi nung isang lalaki at may hawak na matulis, mukhang may karahasan na nangyayari.
"W-wag nyo po akong sasaktan" sabi nung lalaki at ibinibigay ang gamit kailangan ko syang tulungan. Nag anyong tao na ako at nagpakita sakanila.
"ITIGIL NYO YAN!" sigaw ko at napatingin sila saakin.
"Hoy chikababes!" sabi nung isa habang papalapit saakin.
"May pangpulutan tayo mga pare" sabi pa nung isa at lumapit saakin at pareho nila akong hinawakan.
"Bitawan nyo ako!" sigaw ko at nagpumiglas at dahil sa angking lakas ko ay tumilapon sila at bumagsak.
"Paano mo nagawa yun?!" tanong nung may hawak ng patalim.
Hindi ko na sya pinansin at agad ko syang sinuntok at inihagis kasama ang dalawang lalaki at nang makatayo ay nag sitakbuhan sila.
"Yung bag mo mister" sabi ko at iniabot ang bag nito at kinuha naman nya.
"S-salamat Miss, at tsaka matanong nga pala paano mo nagawa yun?" tanong nito.
"Ahh ehh, nageensayo kasi ako" sabi ko nalang ayaw kong malaman nya noh.
"Ganun ba? Ako nga pala si Terrence ikaw?" tanong nya.
"V--"di ko maaring sabihin ang tunay kong katauhan napatingin ako sa paligid at nakitang may nakalagay na ice 4 sale ano yun?
"V?"tanong nito.
"V-vice oo Vice ako si Vice" sabi ko nalang dito.
"Nice to meet you Vice thank you nga pala ah ikaw pa tong babae tas patpatin tas ako pa itong lalaki at masculado pero ikaw naglistas saakin Thank you talaga Ahh" sabi nito sabay ngiti hayy ang ganda talaga ng nga mata nya at kamahal mahal ang itsura.
"Walang anuman" tanging sagot ko sabay ngiti.
"Uuwi na ako, ikaw saan ka ba nakatira? Hatid na kita" sabi nito.
"Sige--- ay ang ibig kong sabihin sige umuwi ka na tsaka di na ako magpapahatid may kasama ako eh ingat nalang" sabi ko at ngumiti.
"Okay, bye see you again Vice.." sabi nito at umalis na ng makalayo ay may biglang humawak saakin.
"Vexana!" pagatawag nito saakin paglingon ko ay si Virgilio.
"San ka ba nagtungo? Umuwi na tayo hahanapin ka na ng mahal na hari" sabi nito.
"Dyan lang" sagot ko rito at naganyong paniki na kami at lumipad na patungong palasyo.Hindi ko pa din maalis sa isip ko yung Terrence mukhang natitipuhan ko nga ito sana magkita pa kaming muli....
to be continued...
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Another one shot may part two payan antay lang! ~~~
Vomment 😘
Twitter l gorgbyh
Insta l gorgbyy
BINABASA MO ANG
Colecciòn
RandomA compilation of oneshots that contains about Vice Ganda x Everyone.