OS: A Quite Place (Virence)

616 17 2
                                    


So sino dito ang nakapanood ng A Quite Place?, so yung story na ito ay parang hango duon kaya lang hindi masyadong parehas kasi medyo nakalimutan ko na yung buong ditalye. May iibahin lang ako sa ending para masayaa.

**

Dahan dahang inaayos ni Vice ang mga gamot sa lumang convenience store habang hinahanap ang tamang gamot para sa sakit ng anak nitong nilalagnat, ng mahanap ay kinuha ito at sinikap na walang gagawing tunog pinainom nya na ito.

Sa isang parte naman ng lugar ay gumuguhit ang bunsong anak nito na lalaki ng isang rocket gamit ang isang crayola. Dadating naman ang panganay na anak na babae at uusisain ang iginuguhit ng bata.

"Ano yan?" tanong nito gamit ang sign language. At ngumiti sa bata.

"Isang Rocket Ship na gagamitin natin para makalipad sa outer space" sagot nito gamit ulit ang sign language.

Nawala ang ngiti ng dalaga at hinaplos nalang ang ulo ng isa at panangdaliang umalis at iniwan ang bata, ng makaalis ay nakita ng bata ang isang laruang rocket at kinuha ito sa taas at gumamit ng hagdanan upang maabot ngunit sa kasamaang palad ay nalaglag ito bago pa man magdikit ang presensya ng sahig at ng laruan ay nasalo ito ng dalaga at agad na inobserbahan ang paligid.

Si Terrence naman ay nagaayos ng kanilang mga dadalhin ang mga kagamitan ng ipatawag na nito ang mag ina nya sa panganay na anak, ng makarating ay paalis na dapat sila ng makita ang laruan na hawak ng bata.

Lumapit naman si Terrence dahan dahan at sinusubukang kumbinsihin ang bata na wag itong laruin. Tinanggal nya ang baterya ng laruan at iniwan sa desk sa isang tabi naunang lumabas ang pamilya ngunit naiwan ang bunso na hindi nila alam eh, kinuha ang bagay na iniwan.

**

Habang naglalakad sa isang bridge ang pamilya nauuna si Terrence habang buhat ang may sakit na anak, sumunod ay si Vice na sinundan ang anak na panganay at huli ang bunsong anak.

Ngunit ng malapit na makatawid ang pamilya ay pinaandar na ng bunso ang laruang hawak hawak at nagsimula na itong gumawa ng ingay dahilan para mapa tingin sila at dali daling tumakbo si Terrence papunta dito at sinusubukang iligtas ang bata, ngunit nahuli sya nadurog ito ng halimaw na kanilang kinatatakutan.

**

Magigising ang panganay na anak mula sa pagkakaroon ng masamang panaginip na lagi syang binabagabag. Makikita si Vice na walong buwang buntis sasama sya rito at maglalakad sa buhangin patungo sa tinitirahan nila.

**

Nagaayos naman si Terrence sa kanyang parang maliit na pinagtratrabahuhan, sa kanilang tunay na bahay, pinagaaralan nito ang halimaw na kanilang kinahaharap ngayon is itong halimaw na mukhang gagamba ngunit mas malaki at nakakatakot may matatalas na galamay, bulag ito ngunit malakas ang pandinig ayaw nito ng ingay kaya pinupuksa ang gagambala sa kanya.

Lalabas naman sya ng kwarto at makikita ang anak na lalaki na nangangarap na maka pag pamaneho ng isang sasakyan aayain nya itong pumunta sakanya at saka sila umuwi sa tinitirahan nila pansamantala.

**

Habang naglilinis ng pinagkainan nila si Vice at nagaayos ng kung ano ano si Terrence naglalaro naman ng ani mo'y snake and ladders ang dalawang anak nito ng hindi inaasahang matabig ng lalaki ang lampara sa tabi dahilan upang mabasag ito at makagawa ng apoy at higit sa lahat ay ingay.

Aged namang tinakluban ng tuwalya Ni Terrence iyon at inobserbahan ang paligid ng maikitang walang panganib ay napahinga silang lahat ng maluwag at inaayos na ang nabasag.

**

Nagpapabaga si Terrence ng apoy mula sa tuktok ng isang parang tangke at tinananaw ang ibat ibang kalugaran at tinitignan kung saan pa mayroong mga nakakaligtas ito ang kinilang senyales sa bawat isa.

Colecciòn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon