Chapter 2

212 15 0
                                    

Eu Fuentes

"Thankyou for bringing her to me, I knew her better than you kahit nakakasama ka niya. I promise na po-protektahan ko siya ano man ang mangyari sa kanya" Ani ng lalaki na nasa harapan ko ngayon.

Nandito kami ngayon sa may bakanteng lote sa lugar namin dahil patago lang naman ang pagkikita namin.

"Ah hehe, ayos lang po yun sir. Sapat napo ang mga impormasyon na sinabi niyo sa akin para mapatunayan na kilala niyo ho talaga ang bestfriend ko" Nakangiting sabi ko.

Ngumiti din siya tsaka tumalikod at umalis, nang mawala na ang likod niya sa paningin ko, naupo ako sa bato at tumingin sa langit.

"Sana tama ang ginagawa ko, Wala naman akong gusto kung hindi mapunta sa mabuti at sumaya ang kaibigam ko" Bulong ko habang tinitignan ang mga bituin.

Tumayo ako at pinagpagan ang short ko tsaka naglakad na pauwi.

YANA

Naglalakad nako sa papunta sa ukay ukay store dito samin sa tondo kailangan kona kasi nang maayos na damit bukas pag pumasok nako as a secretary ni Sir. Miguel nakakahiya naman kung yung mga dating damit kopa ang isusuot ko bukas buti nalang may naipon ako kahit papaano doon sa pinagtrabahuhan kona cafe, kaso itong isang libo na ito ay nakalaan sana para sa bayad ko sa upa baka kagalitan ako ni aling caring pag nalaman na wala akong maibabayad sa kanya ngayon pa naman sana ang usapan naming dalawa pero hayaan kona muna, magpapaliwanag nalang ako sa kanya.

"Miss 600 lang" nagbabayad nako nang napamili kona mga damit bali tatlong pares na itong nabili ko.

Inabot ko ang isang libong pera ko. Haay grabe bibili pako nang sapatos at sandals at nagugutom narin ako bahala na basta bibilhin ko muna ang sapatos at sandals na kailangan ko sa trabaho.

"Miss sukli mo" abot sakin nang tindera inabot kona man itong sukli ko at kinuha na ang mga napamili ko at umalis na. ngayon pupunta naman ako sa bilihan nang sapatos at sandals.

"Uh miss, may size 8 ba kayo nitong sandals na ito at yung sapatos na yun?" tanong ko sa babae na nagtitinda habang ipinapakita sa kanya ang mga natipuhan kong paninda nila. sayang nga lang at apat na daan nalang ang pera ko at 150 ang isa. kung isang daan lang sana bibili ako nang tatlo para may kapares na ang tatlong pares na damit ko.

"Opo miss meron, pareho nyo bang bibilhin yan?" tanong nang tindera.

"Uh oo miss pabilis nalang sana nagugutom na kasi ako" sabi ko sa tindera habang himas ang tiyan ko hindi pa kasi ako kumakain simula nang magising ako kanina, inagahan ko talaga ang gising kasi tiangge ngayon dito samin marami na mamaya ang tao kapag nagtanghali na.

"Miss eto na oh. 300 lang" Binigay kona ang 300 at kinuha ang binili at umalis na sa tindahan. isang daan nalang ang natira sakin, sa bahay nalang ako kakain isasaba'y kona ang almusal at tanghalian wala e kapos na ang pera ko at tuloy na naglakad pauwi.

...

KAKAUWI kolang at pagod na pagod ako dahil sa init inilapag ko ang mga napamili sa mesa para lumabas at bumili nang itlog, kamatis, at isang kilong bigas pati narin yelo.

"Ito na ang itlog, kamatis, yelo at isang kilong bigas mo anay" asar sakin ni Nica na kaibigan namin ni Eu , minsan sa kanya kami umuutang nang makakain pag wala gipit kami at walang pera.

Safe in His armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon