Chapter 20

95 2 0
                                    

MACEYLIN

Maingat akong binaba ni Ck sa kama tsaka inalis ang sapatos ko at pinatong ang paa ko sa unan.

"Baby jan kalang muna ha, Oorder lang ako nang matatanghalian natin" Sabi niya tsaka kinuha ang cellphone at lumabas.

Dahan dahan naman akong humiga.

Pasado alas onse na at hindi pa kami kumakain. Kaya rin aligaga si Ck dahil Iinom pa ako nang gamot.

Hindi kopa gaano naigagalaw ang paa ko dahil sa medyo maga pa ito.

Hindi ko alam pero wala naman akong gaanong ginagawa pero pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Umayos ako nang higa at ipinikit ang mabibigat na talukap nang mga mata ko.

...

CK

Bitbit ko ang pagkain sa tray na kakaorder kolang ngayon.

May prutas, gulay, Soup at kanin.

Kailangan niya ngayon ang masusustansiya na pagkain para mabilis lumakas ang katawan niya.

Pagbukas ko nang pinto nang kwarto niya ay nakita ko si macey na nakahiga nang diretso at tulog.

Lumapit ako sa kama habang bitbit ang pagkain.

Inilapag ko ang tray sa side table at umupo sa kama sa tabi ni macey.

Kinuha ko ang kamay niya at mahinang kinurot ito.

"Baby...." Mahinang tawag ko sa kanya.

Medyo maga pa ang labi niya dahil sa sugat dito. Ngayon kolang naisip, nung mga oras na hinahalikan ko siya sa hospital. Hindi ba siya nasasaktan?

"Hmm?" Mahinang ungol niya pero nakapikit parin ang mga mata.

"Kain kana muna baby. Tsaka kana matulog pagkakain mo at pagka inom nang gamot" Malambing na sabi ko tsaka kinuha ang pagkain.

Tumayo naman siya at tumingin sakin.

"Akin na." Sabi niya tsaka tumingin sa pagkain.

"Ayaw mo nang subuan kita?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

Kaagad naman siyang umiling.

"Ayos lang, ako nalang. kaya ko naman" Ngiti niyang sabi tsaka kinuha ang tray sa hita ko.

Inalalayan ko siyang mapatong iyon sa hita niya.

"Kumain kana?" Tanong niya pagka subo nang pagkain.

Umiwas ako nang tingin tsaka tumango.

"Ah oo kanina pa" Mahinang sabi ko sa kanya.

"Hmm" Rinig kong tugon niya.

Nang marinig ko ang pagtunog nang kutsara sa plato ay binalik ko ang tingin aa asawa ko.

"A-ano yan?" Utal na tanong ko habang nakatingin sa pagkain sa tapat nang bibig ko.

"Asawa mo ako nang mahigit isang taon. Wag mona akong lokohin babe, alam kong dika pa kumakain." Nakangiti sabi niya.

Napangiti rin ako tsaka tinanggap ang alok niyang pagkain.

...

Masaya kaming kumain ni macey, matapos nun ay pinainom kolang siya nang gamot at pinagpahinga na.

Wala akong ibang ginagawa kundi naka upo lang sa sofa.

Nagring ang cellphone ko na nasa center table, kinuha ko ito at sinagot

Safe in His armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon