Chapter 17

84 2 0
                                    

CK

Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa mukha ko. Masama parin ang pakiramdam ko.

Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si macey na natutulog.

Nakita ko siyang nakabra kaya bahagya kong itinaas ang kumot sa katawan niya.

Naka panty at bra lang siya. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

Gumalaw siya tsaka nag inat. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa napadilat siya at napatingin.

Biglang pag aalala ang nabasa ko sa mata niya. Bumangon siya at hinawakan ako sa leeg.

"Mataas parin ang lagnat mo. Sandali lang" Aligaga niyang sabi tsaka umalis sa kama.

Napatingin ako sa katawan niya.

"Bakit ka naka panty at bra lang?" mahina kong tanong.

Tumingin siya sakin habang sinusuot ang short niya.

"Nanginginig ka kasi sa lamig kagabi kaya hinubad ko ang damit ko para mabigyan ka nang init nang katawan ko" Paliwanag niya tsaka sinuot ang Tshirt niya.

Kahit nahihilo at masakit ang pakiramdam ay bumangon ako at umupo sa kama.

Nakayuko lang ako habang nakatingin sa kamay kong may gaza.

Nang tumagal na napatingin don at hindi kona napigilan ang lumuha. Ramdam ko ang pag alog nang balikat ko pati narin ang mahinang iyak ko.

Naramdaman ko naman agad ang paglundo nang kama.

Hinawakan ako sa baba ni macey at pinatingin sa kanya.

"Hey? bakit? may masakit ba sayo? Anong nangyari? bakit ka umiiyak? may masakit sayo?" Nag aalala niyang tanong.

Lumuluha na tumango ako.

"Ano?" kunot noo niyang tanong sakin.

"Ang puso ko..." mahina kong sabi sa kanya. Napaiwas naman siya nang tingin.

"Baby.....bakit mopa ako inaalagaan?" Umiiyak na tanong ko. Kaagad nakita ko ang pangingilid nang luha niya.

"Nag aalala ako sayo, asawa kita Ck. Mahal kita at naguguilt ako dahil hindi ka magkakaganito kung hindi ako umalis." Malungkot na paliwanag niya na dahilan para mas tumulo ang luha ko.

Umiiyak na tumingin ako sa kanya.

"Baby.......please...." Mahina kong sabi, nagtataka niya akong tinignan.

"Please what?" Tanong niya.

"Wag....mona akong....Iiwan" Dahan dahan kong sabi habang umiiyak.

Nilagay niya ang kamay niya sa mukha ko tsaka pinunasan ang mga luha ko.

Tumingin siya sa mga mata ko.

"Hinding...." Mahina niyang sabi tsaka ako hinalikan sa Noo.

"Hindi...." muli niyang sabi tsaka ako hinalikan sa pisnge.

"Na....." Muli pang sabi at sa isang pisnge hinalikan.

"Kita...." Saba'y halik sa ilong ko.

"Iiwan....." Huli niyang sabi tsaka ako tinignan sa mukha.

Bigla niya akong siniil nang halik sa labi kaya napapikit kagad ako.

Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at mahina akong inihihiga habang patuloy parin ang paghalik sakin.

Nang maihiga niya ako at pinutol niya ang halik at tumingin sakin. Inayos niya ang buhok tsaka ako muling hinalikan sa labi.

"Magluluto lang ako ah, kailangan mong gumaling." Mahinang sabi niya pagkaputol nang halik tsaka akmang aalis sa kama nang hawakan ko siya sa kamay.

Safe in His armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon